Her POV
Siyam na buwan na ang nakakalipas. Maraming nangyari sa loob ng mga buwan na 'yon.
Mga bagong ala-ala ang nabuo kasama ang mga kaibigan ko, mga masasayang karanasan ngunit hindi maiiwasan ang lungkot.
Now, we are now at the last stage of junior year in high school. Pero hindi lang iyon dahil ang isa sa pinakamagandang nangyari ay nang makasama ko silang anim na harapin ang huling yugto ng isa sa pinakamagandang kabanata ng bawat tao, ang high school.
Sa lumipas na siyam na buwan, mas lalong naging matatag ang relasyon nila Sheryll at Lancer ganoon din sila Lairah at Tom kahit na madalas ay nag-aaway sila.
Sila Jorge at Khing? Hindi ko alam kung anong meron sa dalawang 'yon, minsan naiisip ko kung may relasyon na rin ba sila dahil super close nilang dalawa pero sila na rin ang nagsabi na mag kaibigan lang sila.
Pero sa tuwing mapapatingin ako sa mga kaibigan ko, tumatawa at halatang masaya sa piling ng bawat isa, hindi ko maiwasang hindi malungkot.
I miss him.
"Huy teh!" paagkuha ni Jorge sa aking atensyon.
"Oh?"
"Anyare sayo?" tanong niya.
"Ha?" naguguluhang tanong ko nang mapansing lahat sila ay nakatingin sa aking gawi.
"Kanina pa kita tinatawag, Liyah." Napalingon naman ako kay Sheryll.
"Sorry, ano nga ulit 'yon?" tanong ko.
"Sus, may iniisip ka ano?" tanong naman ni Lairah.
Ngumiti lang ako.
"Anong oras na ba?" Tom asked.
Napatingin ako sa relong suot ko at ganoon nalang ang panlalaki ng dalawang mata ko nang makita kung anong oras na.
"Late na tayo!" anunsiyo ko.
"Hala mga teh, si Madam Kilay ang teacher natin diba?" kabadong tanong ni bakla.
"Patay," rinig naming sabi ni Khing.
Mabilis kaming tumayo at tumakbo papunta sa building namin. Hinabol muna namin ang aming mga hininga nang makarating kami sa tapat ng room namin.
Kumatok ako ng tatlong beses sa nakasaradong pintuan ng room bago ko ito binuksan.
Bumungad naman sa amin ang magkasalubong na kilay ni Ma'am Carlina.
"Sorry Ma'am, we're late," paghingi ko ng paumanhin.
"Late na naman kayo?" taas kilay na tanong nito.
Napatungo naman kami.
"Naturingang president at secretary ng Student Counsil laging late sa klase ko," pagpaparinig pa niya sa amin ni Sheryll.
Yup, I'm the Student Council President.
Pinilit ako ni Insan na sumunod na tumakbo bilang presidente sa susunod na eleksyon. Sumang-ayon naman ang mga ka officers namin kaya, ang totoo, pinagtulungan nila ako, in the end, pumayag na rin ako.
Dinamay ko na rin si Jerome at nanalo naman siya bilang vice president, I also picked Sheryll as secretary.
"Sorry po," rinig kong sabi ni Sheryll.
Pinapasok niya kami sa loob pero bago pa man kami makaupo ay pinigilan ulit kami ni Ma'am.
"Remain standing."
"Po?" gulat na sabi ni Bakla.
"I said remain standing, maaari lang kayong makaupo kapag tapos na ang klase ko," paliwanag nito.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
Storie d'amoreThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...