Chapter 25

643 40 8
                                    

Her POV

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nagulat nalang ako nang makita si Jace na nakahiga sa sahig habang nakahawak sa labi nito na dumudugo.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita sa harapan ko ang galit na galit na si Zeshua.

Galit itong humarap kay Jace.

"Bakit mo siya hinalikan?"

Nakita ko ang pag-tiim ng bagang niya. Napalunok ako.

"S-sorry. h-hindi ko sinasadya," sagot ni Jace habang nakahawak pa din sa dumudugong labi niya.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Zeshua bago ito humarap sa akin at marahan akong hilahin palabas.

Binatawan niya lang ang braso ko nang makarating kami sa room namin, at kaming dalawa lang ang nasa loob!

"Naiinis ako, Eliyah," seryosong sambit niya.

Hindi ako nagsalita.

"Bakit hinayaan mong halikan ka niya?" nakakunot noong tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko talaga in-expect na gagawin 'yon sa akin ni Jace. Gusto kong sabihin 'yon pero walang lumabas na salita sa aking bibig.

"Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong may humalik na ibang lalaki sayo," dugtong nito na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Eliyah, sagutin mo ang tanong ko," muling sambit nito.

Napatingin naman ako sa kanya ng daretso.

"Alam kong galit ka sa akin, kaya ba hinayaan mo bang halikan ka ng lalaking 'yon?" tanong nito.

"H-hindi ko alam na gagawin niya 'yon," tanging sagot ko.

I heard his heavy sigh.

"Naiinis talaga ako, Eliyah."

Daretso niya akong tinignan. Kitang-kita ko mula sa mga mata niya ang inis at selos. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Bigla ko namang naalala yung nakita ko kaninang umaga.

"Ako din Zeshua," biglang sambit ko.

Saglit siyang natigilan matapos marinig ang sinabi ko.

"Naiinis din ako sayo," dagdag ko.

"B-bakit?"

Ngayon itatanong niya kung bakit. Wala ba talaga siyang sasabihin tungkol sa nangyari sa kanila ni Arabela?

Pasiring kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Nakita ko kayong magkayakap ni Arabela."

"Bakit magkayakap kayo?"

Doon ko siya hinarap. Hindi halata sa mukha nito ang gulat. Nakatitig lang ito sa mga mata ko ngunit hindi pa rin naaalis ang inis sa mga mata nito.

"Kaya ba nagalit ka sa akin?" he asked.

"Natural! Sino ba namang matutuwa pag nakita mong may kayakap na babae ang boyfriend mo at ex niya pa," inis kong sabi.

"Nagseselos ka?"

Nakita ko ang lihim nitong pagngisi na mas lalong kinainisan ko.

"Hindi ba halata?" I sarcastically said.

"Halatang halata."

Tuluyan nang sumilay ang nakatagong ngisi sa kaniyang labi.

Bakit ba siya ngumingisi?! Huwag niyang sabihin na natutuwa pa siya ng dahil sa pagseselos ko?

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now