Epilogue

918 44 8
                                    

Epilogue

"Asan ka na ba teh?!"

Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga dahil sa tinis at lakas ng boses ni Jorge.

"May dadaanan lang ako saglit, papunta na rin ako dyan."

"Bilisan mo teh!" paalala pa niya.

"Sige na sige na, bye!" sabi ko bago ibaba ang tawag.

Mainit na sinag ng araw ang tumama sa aking mukha nang makalabas ako sa kotse. Dumaretso ako papasok sa isang shop para bumili ng cake.

"Welcome to Caffee Shop!" bati nang isang crew nang makapasok ako.

Tinanguan ko naman ito bago ngumiti.

Pumunta sa may counter para kuhain ang order ko, agad naman akong nakilala ng isa pa nilang crew. Umalis ito saglit at pagbalik ay dala na ang order kong cake.

"Thank you Ma'am, enjoy!" aniya.

"Salamat," nakangiting sabi ko at kinuha ang box ng cake.

Today is Zeshua's 19th birthday at balak namin siyang surpresahin. Matagal na naming pinagpa-planuhan ang tungkol sa surprise party namin sa kanya kaya ngayon ay sigurado akong magiging successful ito.

Bigla kong naalala yung 18th birthday ko, two months ago. Siya ang nagplano ng party kong 'yon pero syempre kasama rin sila Mommy but the concept of my party, si Zeshua ang nag-isip noon kaya ngayon ay gusto kong bumawi.

Pagkalabas ko ng Caffee Shop ay agad na akong sumakay sa kotse at pinaandar 'yon.

Kaninang umaga, nag-text ako sa kanya at binati ito. Not long sweet message, simpleng 'Happy Birthday' lang. Sinabihan ko rin si Tita Ruby tungkol sa surpresa namin, siya na rin ang nagpresinta na maghahatid kay Zeshua sa place na pag-gaganapan.

Nang makarating ako sa venue kung saan namin siya susurprisahin ay bogla komg naalala na dito rin yung lugar kung saan niya din ako sinurprise nung birthday ko.

Sinalubong naman ako nila Sheryll na busy sa pag-aayos. Napa-awang ang bibig ko nang makita ang ganap. Gaya ng dati ay may mga nakasabit itong ilaw sa taas na parang maliliit na mga christmas lights, may mga pictures din itong nakasabit. May mga lamesang uupuan namin mamaya. May isang malaking lamesa naman para sa mga nakahandang pagkain. Isama mo pa ang mga nagtataasang mga puno na nakapaligid sa amin.

Sana magustuhan niya.

"Ang ganda naman," puri ko sa ginawa nila.

"Matagal na kong maganda teh!" sabat naman ni bakla.

Napa-iling nalang ako. Hindi pa rin nagbabago ang bakla. Feelingera pa rin.

"Hindi naman ikaw Mamsh!" sabi naman ni Lairah.

"Hndi ka naman maganda teh!" pamba-badtrip ni Sheryll.

"After two years, wala ka pa ring pinagbago," dagdag ko pa.

"Epal kayo teh!" Inirapan niya kami.

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na natawa. Dumaretso ako sa may lamesa at inayos ang cake na binili ko.

"Eliyah!" bati ni Tom sa akin.

"Salamat ulit," nakangiting sabi ko sa kanila.

"No problem, basta kayong dalawa ni Zes," sambit naman ni Khing.

Kaming pito lang ang nandito, hindi na kami nag-imbita ng ibang mga bisita gaya ng sinabi ni Tita Ruby, bilin niya kasi 'yon sa amin.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko, agad ko iyong kinuha.

I K I L Y B I M Y (High School Series #1)Where stories live. Discover now