Her POV
"Good morning, Miss Christina!"
Masiglang bati ang iginawad ko sa kanya nang makapasok ako sa office.
"Pinatawag niyo daw po ako?" tanong ko.
Pinatawag niya ako kanina habang nagkaklase kami kaya nagpaalam muna ako kay Ma'am May.
"Ah, yes."
Tumayo ito mula sa pagkakaupo at may kinuha sa cabinet na nasa tabi niya, isang folder.
"Pwede mo ba 'tong papirmahan sa lahat ng teacher ng junior high, nasa building niyo naman sila, maki-excuse ka nalang, kailangan na kasi talaga ngayon," pakisuyo niya.
"Sure, Miss."
Kinuha ko ang folder na ibinigay niya.
"Thanks Eliyah, balik ka nalang dito sa office pag napirmahan na nila," bilin niya.
Tumango ako at nagpaalam na aalis na at dali-daling pumunta sa building namin.
"Good morning Ma'am, kailangan niyo daw pong pumirma dito," sabi ko sa isang teacher ng grade 7.
Tumango siya at pinapasok ako, binasa niya muna ang nakasulat bago pirmahan at ibalik sa akin. Ganito talaga pag secretary, sobrang busy.
"Salamat po!" Nag paaalam na ko.
Ganoon ang ginawa ko sa mga sumunod na teacher hanggang makarating ako sa fourth floor, pinaka dulong room, ang section ni Jace.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng pinto, nang buksan ko ito ay bumungad sa akin si Sir Ben na nagtuturo.
"Good morning Sir, may papa-pirmahan lang po," I said.
"Come here," utos niya.
Nahihiya akong lumapit sa kanya at ibinigay ang folder. Batid kong lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa akin.
Habang binabasa ni Sir ang nakasulat ay inangat ko ang tingin ko sa kanila at palihim na hinanap si Jace.
Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko itong nakatuon ang atensyon sa notebook niya. Bigla ko tuloy naalala yung ginawa niya nung isang araw. Hindi pa man din ako nakakapag-pasalamat sa kanya.
Maya-maya ay umangat ito ng tingin at nagtama ang paningin namin. Nagulat ako nang ngumiti ito sa akin at muling nagbaba ng tingin.
Iniwas ko ang tingin ko dahil kinikilig ako! Syempre sino ba namang hindi kikiligin ng ganoon ang nangyari sayo.
Pero napunta naman ang tingin ko sa isdang nasa harapan ko. Naka-upo ito sa tapat ng table ni Sir kaya naman ay kitang-kita ko ito. Ang malala pa, nakatitig ito sa akin!
Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Bahagyang kumunot ang noo niya pero nakatingin pa rin siya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at nakipaglabanan ng titig. Bahagya ko siyang pinanliitan ng mga mata pero hindi ito nagpatalo.
Titigan pala ah!
Hindi pa din siya umiiwas ng tingin at nakikipaglaban pa rin sa pagtitig, hindi ko naman siya inurungan.
"Mr. Laguerta, baka matunaw n'yan si Ms. Secretary."
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sir Ben kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay natatawang nakatingin sa amin.
"Tapos na ba kayong mag titigan ni Mr. Laguerta?" tanong sa akin ni Sir.
"Sino po 'yun, Sir?" maang-maangang tanong ko.
Hindi ko siya tinititigan! Siya mismo ang tumititig sa akin 'no!
"Si Zeshua," pagtukoy niya dun sa bisugo'ng 'yun.
YOU ARE READING
I K I L Y B I M Y (High School Series #1)
RomanceThey say that women takes fifteen days to fall in love while men only takes seconds to know if she's the one. Pero paano kung bago palang kayo magkita ay alam niyo nang mahal niyo na ang isa't-isa? Just like Eliyah and Zeshua. Eliyah's high school...