Author's Note: F I C T I O N
—
(Korea)"RJ, sino ba yang ka chat mo? Kanina ka pa, di mo mabitaw-bitawan yang phone mo. Matulog ka na, maaga pa tayo bukas."
"Dad, si Maine."
"Si Maine? May sasabihin ka ba sa akin, RJ?"
"Ahmmm, Dad—"
"Nagkabalikan na ba kayo?"
"Opo..."
"Mahal mo ba talaga, nak?"
"Sobra..."
"Then, ayosin niyo yan, sana tuloy tuloy na yan. Pero, hindi ba naging sila ni Arjo?"
"Hindi po dumating sa commitment po, at tinapos na din po nila ano mang ugnayan nila."
"Mabuti naman kung ganon..."
"Dad, sa mga naganap po sa amin ni Maine, ano po bang masasabi niyo?"
"Kailangan mo pa ba ang opinyon ko?"
"Mahalaga din sa akin na malaman ko saloobin mo, more than ever dad, ngayon ko mas kailangan ang suporta niyo."
"Alam mo nak, mahal ko yang si Meng. Kasi nakita ko kung gaano ka minahal at inalagaan ni Maine noon, kaya nga una akong nalungkot at nasaktan nong nagdecide kayong maghiwalay. Obvious naman, RJ, masaya ka pag andyan siya. Kaligayahan mo lang din naman ang gusto kong makamit mo. Masaya ka ba anak?"
"Masaya po, sorry dad ha, this time gusto kong pagbigyan yong sigaw ng puso ko dad. Pwede ko naman na sigurong unahin sarili ko pong kaligayahan."
"Matagal ko naman sinabi sa'yo yan, RJ, hindi mo kailangan mag kayod kwarenta, pero salamat anak, sa pagiging isang mabuting anak sa amin, hindi mo dapat ito ginagawa, kasi tungkolin ko naman buhayin kayo."
"Dad, how many times do I need to tell you, that I am doing this dahil mahal na mahal ko kayo, hindi din naman ako mapalagay pag di ko makita na okay na kayong lahat, na stable na kayo. Ang hiling ko lang dad, tulongan mo akong mapalago ang mga negosyong na ipondar natin. Hindi po forever ang showbiz, after nito gusto ko na din mag lie-low."
"Salamat, RJ, ha."
"No need, dad, pero you're welcome."
"So, anong plano niyo ni Maine ngayon? Magpapatumba na ba ako ng baka, nak? Pupuntahan ko na ba si balae? Maaya nga yon minsan pag-uwi natin sa Pinas."
"Nagkikita pa rin ba kayo ni Tatay, dad?"
"Oo naman, di porket naghiwalay kayo, kami din...may nabuo na din naman akong samahan sa mga magulang ni Meng, sa kanila nga ako kumukonsulta minsan sa mga negosyo natin. Mabubuting tao si Teddy at Mary Ann."
"Oo naman, dad. Malaki pasasalamat ko sa kanila kasi tinanggap nila ako ng buo, at ramdam kong parte ako ng pamilya nila, pa minsan-minsan kinukumusta ko sila."
"Magulo lang naman ang lahat dahil sa showbiz na buhay ninyong dalawa, ganon kayo ka sikat, pati personal na buhay ninyo kinakalkal ng mga tao."
"Kaya nga yan ang rason kung bakit never naming inamin na kami ni Maine. Kasi parehas kami ng pananaw noon ni Maine na it's better na e-pribado namin relasyon namin, kasi tignan mo noon, hindi pa nga nila alam na kami pero marami ng nakikisawsaw."
"Sabagay...maigi na yon, pero ngayon ba? Anong plano?"
"Gusto ko pag nag-out kami sa relasyon namin, kasal na agad ang kasunod."
BINABASA MO ANG
Naked Souls (Completed)
FanfictionNEW COVER by @deifeelsWP 🥰😍💚 MAICHARD in a series of FICTIONAL conversations. *I swear, in this fanfic, they will always have a HAPPY ENDING! Started: December 27, 2019 End: June 24, 2020 HIGHEST RANKS as of 02/18/2020 #1 - adn #1 - aldubnation #...