Naked Souls (61)

2.4K 97 15
                                    


(Continuation from the previous chapter)

TD: "Meng, anak...pag pasensyahan mo na tong sulat ko, di naman ako mahilig dito, pero ito na nak, para sa'yo at kay RJ.

March 3, 1995dumating ka sa mundo, pang apat sa biyayang bigay ng Diyos sa amin ng Nanay mo. Isa kang napakakulit na bata pero napakamahiyain din. Kapag pinagagalitan ka noon, pumapasok ka lang sa room ninyo ni Coleen, iiyak sa sulok, hindi magsasalita.

Sabi ko, itong batang ito ang hina ng loob, sensitibo at hindi mo makukuhanan ng tunay na nararamdaman kasi ayaw naman magsalita.

Pinagdasal kong lumaki kang kagaya ko at ng Nanay mo, na masinop at maalaga.

Pinagdasal kong makuha mo man lang sana ang tapang ng Ate Nikki mo.

Pinagdasal kong sana mahawaan ka ng tapang ng Kuya Niko mo, yong kaya mong ipaglaban ang sarili mo kung may mga taong susubok sa kahinaan mo.

Pinagdasal kong mahawaan ka din ng outgoing na pananaw sa buhay at mga tao sa paligid mo gaya kay Coleen.

Pinagdasal ko din na mapasa din ni Dean yong disposisyon na masaya lang, chill lang sa buhay.

At higit sa lahat pinagdasal ko sa Diyos na maging tunay na maligaya ka sa kung anong buhay man ang nanaisin mo.

Hindi naman ako binigo ng Diyos—dahil ito ka ngayon, masinop, maalaga, matapang na at marunong ng tumayo para ipaglaban ang sarili niya.

RJ, tinupad mo ang huling kahilingan ko para sa anak koang makita siyang masaya. Gusto kong sabihin sa'yo ito ngayon ng personaluna pa lang, ikaw na ang gusto ko para kay Menggay. Pinakita mo sa akin kung anong buhay ang gusto mong tahakin at ibigay para sa anak ko. Napakabuti ng puso mo at alam kong sa mga kamay mo, panatag akong ibigay sa'yo ng buong buo ang isa sa pinakamahalang tao sa buhay ko.

RJ, ngayong araw na ito, ibibigay ko ang isang bahagi ng puso ko sa'yo. Alagaan mo siya, mahalinkasi walang katumbas ang halaga niya sa buhay ko.

Meng, naway maging mabuti kang asawa at ina sa mga magiging anak ninyo ni RJ.

RJ and Mainemahal ko kayo mga anak, at masaya akong nakikita kayo ngayon na masaya at sa wakas nangyari na ang inaasam asam ninyong dalawa.

God bless you mga anak, at sana mabigyan niyo na kami ng apo, as soon as possible, para may kalaro na si Matti at Aria, the more the merrier ika nga."

RJ: "Thank you Tay!"

Maine: "Thank you, Tatay, Mahal ko kayo ni Nanay."

TD: "O, wag ka ng umiyak. RJ, kunin mo na to."

Maine: "Grabe ka Tay, ayaw mo na ba akong yakapin?"

TD: "Hindi naman sa ganon Meng, ayokong sapawan ang asawa mo, madamot pa naman yan sa yakap, gusto ka palaging dikit sa kanya."

RJ: "Hahaha, Tay naman..."

Maine: "Namumula na si RJ, Tay, hahaha"

Naked Souls (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon