Naked Souls (60)

2.7K 97 14
                                    

(Beach Wedding Reception)

Nikki: "Good evening and Congratulations again to the newlyweds. RJ and Maine, the entire family is so happy that finally, we're here. We wish you all the best dito sa new journey ninyo together. Before each and every one of us have the chance to hear their messages to the newlyweds, let me ask Father Jeff for his message to the husband and wife."

Father Jeff: "Magandang gabi sa lahat. Salamat at naimbetahan ako sa napakahalagang araw na to ng mag-asawa. Una, ako'y nagagalak na sa hinaba-haba ng pinagdaanan ninyo RJ at Maine, humantong na kayo sa wakas sa harap ng Diyos at nagsumpaang magmamahalan buong buhay. Pinag salita niyo ako dito, so, laglagan na ba to? Ano RJ? Handa ka na ba?"

Daddy Bae: "Ilaglag na yan Father! hahaha"

RJ: "Itodo mo na! 😂"

Maine: "Ay ay, Kailangan kong marinig to!"

RJ: "Naku patay tayo diyan, love! hahaha"

Father Jeff: "Ito umpisahan na natin. Pero seryoso. E-kwento ko lang, kung may pagkakataon man Maine sa nakaraan na nagduda ka katiting man sa pagmamahal ni RJ sa'yo, sasabihin ko sa'yo walang basehan lahat ng yon, mahal na mahal ka niyan. Lingid sa kaalaman ng lahat, sa akin tumatakbo yan, sa lahat ng plano niya sa inyong dalawa Meng, kapag kailangan umiyak, dahil masyadong mabigat at masakit na ang pinagdadaanan ninyo, saksi ako hindi lang sa ilang beses pero nang napakaraming beses. At sa mga panahong iyon—makikita mo ang isang taong walang magawa, hinang-hina, malayo sa nakikita ninyo sa publiko—ang pinanghahawakan lang ay ang Diyos at ang pagmamahal na meron siya sa'yo Maine. Sabi ko nga, wag mong ipilit ang mga bagay-bagay, kasi may plano ang Diyos, huwag mong madaliin ang mga bagay na hindi pwedeng madaliin. RJ ang sabi ko sa'yo noon, lahat ng napagdaanan mo sa ngalan ng pagmamahal mo sa asawa mo ay magiging worth it lahat sa huli. Ngayon natupad na ang hiling ng puso mo, napangasawa mo na ang babaeng gustong-gusto mong makasama habambuhay. Hindi dito natatapos ang pagdadaanan ninyo, marami pa yan along the way pero magiging madali kapag walang bumitaw sa inyong dalawa. Patuloy ninyong hawakan ang mga kamay ng isa't isa at kahit ano pa mang mangyari bumalik kayo sa pagmamahal na meron kayo, mula noon hanggang ngayon. Alagaan ang isa't isa, makinig sa isa't isa, maglaan ng oras sa isa't isa, at mahalin ang bawat isa kahit pa sa mga panahon susubokan kayong dalawa. Maniwala sa itaas na inilaan kayo sa isa't isa lamang. Maniwala kayo na binuo niya kayo para mabigay ang sarili sa bawat isa. Nandito lang ako, para maging gabay ninyong lahat RJ at Maine. Congratulations at looking forward ako sa binyag ng mga magiging anak ninyo."

Nikki: "Anong goal natin dito? Paiyakin ang mag asawa? di pa tayo nag umpisa, si Father Jeff pa lang yon pero tignan mo yong dalawa! hahaha

Ito na, RJ and Maine, we decided na bigyan kayo ng something na pwede ninyo balik-balikan hanggang sa pagtanda ninyo. We asked members of the family to write down in a letter their stories and well wishes to both of you. We know how private and intimate your relationship is. So, these letters are perfect coming from the people who really know both of you mula pagkabata ninyo hanggang sa paglaki at eventually nong nagtagpo kayo. Namnamnin ninyo ang bawat kataga kasi nakapaloob dito ang puso namin para sa inyong dalawa.

Una tayo kay Daddy Bae. Tito Rich, pakibasa na po yong sulat ninyo para sa mag-asawa.

DB: "Good evening sa lahat. Bago ko basahin yong akin, since wala naman dito si Lola at Lolo mo RJ, bawal na mag byahe, hanggang church lang sila, so, ako ang magbabasa sa sulat nila para sa inyo.

RJ at Meng,
Mga apo, nakikiisa kami sa masayang araw na ito sa inyong dalawa.

Walang paglagyan ang saya namin na sa wakas umuwi din kayo sa isa't isa.

Hindi ka namin nakita RJ na ganito kasaya, si Meng ang kaligayahan mo, kaya gustong gusto namin siya para sa'yo.

Wala kaming hiling kundi makita kang naniningkit ang mata hindi dahil sa pag iyak kundi dahil lumalabas sa mga mata mo ang kasiyahan mo.

RJ, alagaan mo si Meng. Ibigay ang nararapat na pagmamahal at pagaalaga sa kanya.

Meng, apo, mahalin mo rin si RJ namin, mahal na mahal namin siya, at kampante akong sa mga kamay mo wala kaming dapat ipag alala.

RJ at Meng,
itong pinasok ninyo ay isang panghabambuhay na kontrata, hindi ito madali, hindi ito puro saya, dadating ang araw na may mga pagsubok kayong pagdadaanan. Huwag tumanaw sa kamalian ng isa't isa, huwag tignan ang kulang bagkos punan kung ano man ang kulang at unawain at itama kung may kamalian man.

RJ at Meng,
Mahal na mahal namin kayo, at nawa'y mabigyan niyo na kami ng apo bago pa man kami mawala sa mundong ito.

Lolo Danny at Lola Linda."

DB: "RJ, Meng, apo na daw sabi ni Mama at Papa."

RJ: "Dadating tayo diyan, Dad."

DB: "Ito na, yong akin naman...

RJ at Maine,

Wala akong ibang hiling kundi ang makitang masaya ang mga anak koyan ang mga salitang parating sinasambit ng Mommy mo, RJ.

Gustong gusto kong mag artista si Tisoyyan ang pangarap niya para sa'yo RJ.

Alagaan mo ang mga anak koyan ang huling habilin ng Mommy mo sa akin bago siya malagutan ng huling hininga.

RJ, una sa akin ang kaligayahan mo, ninyong mga anak ko. At ang masasabi ko lang, sa araw na ito naibigay mo yan sa akin lalong lalo na sa Mama mo. Yong kaligayahang gusto namin para sa'yo ay naghuhumiyaw diyan sa mga ngiti mo. Kulang man tayo ngayon pero alam ko at alam mo RJ, kung may isang tao man na umiiyak ng lubos sa nakikitang kaligayahan sa mga mata mosi Mama mo na yon.

Pangalawanatupad ang pangarap ng Mama mo para sa'yo, at alam ko kung gaano mo ito pinaghirapan, pinagpawisan at ngayon naabot mo na. Wala man dito ang taong sana ay pag alayan mo ng lahat ng ito, pero alam ko na sa lahat sa amin, proud na proud si Mama mo sa'yo, RJ.

Pangatloyong hiling niyang alagaan ka, mas lalo na akong nagiging kampante pa kasi andiyan na si Meng, alam kong aalagaan ka niya kung paano ka inalagaan ng Mama mo. Maswerte ka sa kanya RJ, kasi nakita ko kung paano ka alagaan ng asawa mo.

Meng, anak, Salamat sa lahat-lahat.

Salamat sa pagmamahal mo sa anak ko.

Salamat sa pagunawa, pagtanggap na ibinigay mo kay RJ at sa aming mga mahal niya sa buhay.

Meng—mula sa akin at sa namayapa kong asawabukas palad at puso kang tinatanggap ng pamilyang ito.

Welcome, anak sa pangalawang yugto ng buhay mo kasama si RJ at kaming lahat na pamilya niya.

Mahal ko kayo RJ at Maine, at hangad ko ang kaligayahan ninyo."

Nikki: "Sino bang naghihiwa ng sibuyas, ano ba to, akala ko yong mag asawa ang paiiyakin natin, bakit lahat tayo dito nagpapahid ng luha. Maraming salamat, Tito Rich. Sunod naman si Tatay Teddy. Tay, galingan mo ha, dapat mapaiyak mo din kami. hahaha"

(Itutuloy sa next chapter.)


Author's Note: Gustong gusto ko yong setting na very intimate lang talaga yong wedding nila, saka puro puso. Of course, dito lang yan sa #peykyson mangyayari. Hehehe Mahaba pa to!

See you sa next chapter!

Naked Souls (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon