(Continuation from previous chapter)
AN: "Ano nabunot mo RJ?"
RJ: "Write and Read your heart, ate."
AN: "Hala! Naghanda talaga siya Meng oh, may kodigo siya! hahaha Good luck, RJ."
RJ: "Aheemmm, pwede ba mag message muna?"
AN: "Go ahead, RJ."
RJ: "Ayon na nga, babatiin ko lang muna kayong lahat na mga special na tao sa amin ni Maine, ng maligayang araw ng mga puso. Sana in a way, nagustohan niyo tong kunting salo-salo natin. Wala na talaga kasi akong maisip na iba. Saka salamat kay Ate Nikki, for helping me out on this one. Thank you, ate.
AN: "No worries, RJ."
RJ: "So before ko basahin tong munting gawa ko. May ekukuwento lang akong kunti. Sorry, love, but I have to. So just before we went here, kanina. Naabutan ko si Maine sa condo, nasa mesa nakayupyop, umiiyak, sabog ang buhok, maga ang mata, pulang pula na ang ilong. Akala ko anong nangyari, kinabahan ako, kasi sino ba naman ang hindi di ba? Dad, alam niyo ba anong nangyari? Dad, Maine just tried to cook Mommy's recipe at yong paborito ko—Paella."
DB: "Naku! Patay tayo diyan! Anong sabi ko sa'yo noon?"
RJ: "Yon nga dad, naalala ko bigla yong sinabi mo noon. Maine, love, it was always me and dad's running joke na somehow may katotohanan, na whoever that woman who tries to cook Mommy's recipe of Paella, is the woman that she approves to be my wife. Hindi mo man na perfect yong timpla, Maine, pero basing on your determination kanina, alam ko darating ang araw makukuha mo rin ang tamang timpla. Salamat for trying your best, to cook that, hindi mo lang alam gaano mo ako pinasaya kanina, sabi ko nga, while you're so frustrated kanina, for me, you just made my day. Salamat, Maine..."
Coleen: "Yes! Nanalo ako! Meng! Kaya pa! Huwag mong pigilan, nakita ko ng pumatak oh."
Rizza: "Aw, Ate Maine. Pa hug."
Maine: "I am sorry Riz, I am sorry, Daddy, I ruin the recipe."
DB: "Ano ka ba, okay lang yan nak. Luto ka next time, at patikim mo sa akin ha, miss ko na ang luto ni Rio, baka e guide ka non isang araw para ma perfect mo yong lasa."
Rizza: "Oo naman, ate."
RJ: "Ayan na, pinaiyak niyo na. Pahamak na Paella, talaga yon. Pero ito na love, hindi ko alam kung magugustohan mo to, pero para sa'yo to. Mahal na mahal kita."
Maine: "I love you too, RJ"
RJ:
Hindi man ako makata,
Hindi rin ako magaling sa salita
Pero siguro nakakasulat naman
ako ng tig-iisang parirala.
Para mailarawan ko kung
gaano ako ka swerte na andiyan ka
minamahal ako.Sabik akong umuuwi
sa bawat araw
Dahil alam kong
sa likod ng pintuan andon
ka naghihintay.Pag bukas mo ng pinto
kasama mong binubuksan
ang iyong mga bisig para
tanggapin akong muli.
Mula sa kamalian ko sa
araw na nagdaan,
nakikita mo pa rin
ang halaga ko sa buhay mo.At habang yakap-yakap mo ako
unti-unti mong i-aangat
ang yong mga kamay
naglalakbay sa likod ko
patungo sa buhok ko
Sinusuklay mo ang mga ito
at pinaparamdam na andiyan ka lang
papayapa sa mga nararamdaman kong
sakit mula sa kabiguang natatanggap
mula sa mga taong kailanman hindi kayang
tignan ang kakayanan ko bagkos
nakikita ang mga kamalian ko.Yong boses mo...
kahit anong tuno,
galit, lambing, inis, pagsusumamo,
ay nagiging musika sa tenga,
dahil alam kong sa likod nito
andon ang katagang nagsasabing:
Mahal kita.Yong impit mong mga iyak
sa tuwing nasasaktan ka
ay parang punyal sa puso ko
ngunit ang lakas mo
dahil kahit gaano ka kadurog
kakayanin mo pa ring bumangon
at akayin ako sa landas
na hinding-hindi ko ipagpapalit
kahit saan, kahit kailan, at kahit kanino man.Ikaw ang gamot
sa lahat ng pangamba at pagdududa
kung kakayanin ko ba.Ikaw ang gamot
sa pangungulila mula sa ina
dahil sa'yo ko naramdaman
ang pagmamahal na walang
hinihinging kapalit.Ikaw ang gamot at ang sagot
sa wasak na pusong
naghihintay kung kailan
naman ako magiging tunay na masaya.Ikaw.
Ikaw lang.Pagmulat ko ng aking mga mata
sa tuwing umaga.
Hahanapin ko ang mga mata mong
nagbibigay kulay sa mundo kong walang saysay.Hahanapin ko ang mga bisig mo
na nagbibigay lakas na kakayanin kong
lumaban sa anomang hamon na dadaanan.Hahanapin ko ang mga labi mong
nagbibigay ng matamis na halik
at ngiting nagbibigay enerhiya
para mairaos ang isang buong araw
nang may positibong pananaw.Hahanapin kita
sa mga oras na di ka nakikita ng mga mata.Hahanapin kita
sa mga panahong gusto kong mamahinga.Hahanapin kita
sa mga panahong ikaw man ay nahihirapan
para ialay ko naman ang sarili kong
iyong magiging sandigan.Ikaw ay binuo ng Diyos
para buuin ako.Sana hayaan mo akong
buuin ka rin sa abot ng aking makakaya.Mahal kita.
Mahal na mahal kita.Isang araw pa, mahal.
Isang araw pang muli.
Hanggang sa huling hininga ko dito
sa mundong ibabaw.
Kukulitin ko SIYA
na bigyan pa ako ng isang araw pa
para maipadama ko kung
gaano kita ka mahal.Hindi dito matatapos.
Hindi ito ang katapusan
ng mga salitang aking binitawan.
Baunin mo ako
sa bawat araw na gigising ka.Andon ako...
kung nasaan ka.—
Author's Note: Nag iyakan na silang lahat guys, umalis na din ako, kasi naiiyak din ako. Ang sheket sheket in a good way.Hanggang sa susunod na kabanata! 😍
BINABASA MO ANG
Naked Souls (Completed)
FanfictionNEW COVER by @deifeelsWP 🥰😍💚 MAICHARD in a series of FICTIONAL conversations. *I swear, in this fanfic, they will always have a HAPPY ENDING! Started: December 27, 2019 End: June 24, 2020 HIGHEST RANKS as of 02/18/2020 #1 - adn #1 - aldubnation #...