Naked Souls (50)

2.8K 95 6
                                    

Author's Note: What? We're at our 50th chapter? Waaaah iba din! Salamat sa tumatangkilik nito. May supplementary book po tayo, yong NAKED TRUTHS, check niyo lang, baka gusto niyo mag contribute ng tanong doon, mas maigi. Salamat in advance! 😊🙏🏻


"OMG! Tuloy na, love!"

"Ang alin, Maine?"

"Nagtext sa akin si Basha! Available ba daw tayo on the 13th ng gabi, love!"

"Uy, tuloy ba dinner?"

"Oo, she just confirmed now, 8pm daw sa bahay nila. Na send na din niya yung address. RJ! Is this really happening?"

"You received the invite na with the exact date and time, so totoo na yan."

"OMG! RJ! Anong gagawin ko?"

"Ha? Anong gagawin mo? Pupunta ka of course."

"Oo naman! Kahit wala ka, pupunta akong mag-isa."

"Grabe no? Basha lang pala katapat ko, iiwan mo na ako?! Grabe ka talaga sa akin Mendoza!"

"Ang OA mo tans! OMG, andun kaya si Popoy? Nahihiya akong magtanong eh, pero, omygod RJ, paano kung andun siya?"

"Kung andun siya, dapat nasa tabi lang kita."

"Luh, saang banda? sa bulsa mo ba? Grabe siya, di ako pwede mag CR?"

"Pwede naman, sasamahan kita."

"Huy Ricardo! Yung pagiging seloso mo, wala sa lugar."

"Mahirap na Maine, John Lloyd yun, anong panama ko dun?"

"Hala, teka seryoso? May ganyan kang arte?"

"..."

"Seryoso, Ricardo? hahahaha"

"Sige, tawa ka lang..."

"Huy! Saan ka pupunta mag-uusap pa tayo kung anong dadalhin natin sa dinner!"

"..."

"Ricardo! Ang arte mo! Balik!"

"..."

"Hindi na ako natutuwa! Pag di ka bumalik, uuwi ako sa Condo, bahala ka dito!"

"..."

"Isa!"

"..."

"Dalawa!"

"..."

"Tat"

"Ito na!"

"Babalik din naman pala, maupo ka nga diyan, ano ba yang drama mo? Seryoso ka? Nagseselos ka dun?"

"Hindi ako sanay talaga na mag fangirl ka, tapos pumupuso pa yang mata mo, tapos lalaki yun eh."

"So?"

"Anong so?"

"Alam mo, ano pa ba gusto mo? Asawa mo na ako oh! Ang babaw naman ata ng tingin mo sa akin?"

"NO! Hindi naman yun, nagseselos lang pag may ibang lalaking nakakakuha ng atensyon mo."

"Fangirl nga, jusko, Ricardo, malala ka na!"

"Malala na nga, malala na ang tama sa'yo."

"Cheesy! hahaha eh ikaw ba wala kang crush kay Basha?"

Naked Souls (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon