Naked Souls (51)

2.5K 102 4
                                    

Author's Note: This is all fiction.

IDANxRJ

"Ano na next gagawin mo after the success of HLG?"

"May offer ulit ang Star Cinema, mukhang matutuloy ang PART 2 ng HLG, but baka 2 years from now pa."

"That's good. You're going places na,  andon ka na, nakatatak na name mo sa isa sa mga magagaling na actors sa henerasyon mo. Saka, Direk Cathy yan."

"Oo nga eh. I am so lucky na kahit nasa kabilang bakod ako, I was given this opportunity to star alongside Kath sa napakalaking project na yon."

"Deserved mo naman yon, RJ. You've been in the industry at napakagaling mo, kaya deserved mo yang tagumpay na yan."

"Ikaw, how's everything? May offer ba ng new movie with Miss B?"

"Actually, yes. We are set to have a movie soon with Direk Cathy din, it's my comeback and one of the last few films that Direk Cathy will be going to make."

"Naku, madaming maliligayahan niyan. Isa na si Maine don. Manonood kami niyan for sure."

"How are you and Maine?"

"Honestly, dan, di madali ang pinagdaanan pero worth it naman, andito na kami. Malapit na sa dulo. Kunting tiis nalang."

"At least naabot niyo pa din mga gusto ninyong abotin, bago kayo mag public."

"Yeah, yon nga sabi ni Maine. Saka, I feel like it's already too long for hiding. Gusto kong maging normal kaming mag asawa, normal in a sense na kahit pribado man mga galaw namin, at least makakagalaw kami ng wala ng restrictions."

"Oo, ang importante naman RJ, di kayo magpapa apekto sa public opinion ng tao. Kasi buhay ninyo yan, at the end of the day, kayo pa din ang magkasama. Isa nga din yan sa rason kung bakit ako nagpahinga muna, feeling ko all my showbiz life, I've been trapped in a bubble for too long na minsan di ko na kilala sarili ko. Kasi diba the public knows us by how we are being market ng mga managements natin. So, akala nong public yon na talaga tayo, pero hindi eh. Nakakalimotan ng iba na tao din tayo, pwede tayong magkamali."

"..."

"Kaya at some point, need mong manindigan eh. Need mong mamili kung saan ka maging malaya at masaya. Kaya yon ang piliin mo, afterall, lahat ng ito—this whole showbiz fiasco are just fleeting, pwede mawala to lahat at kung mawala man, babalik tayo doon sa mga taong andyan para sa atin even before this fame and money came to us. You know, kaya am glad to know na you were able to keep your relationship with Maine and make the most of the privacy you have. If it's that long, am sure, pag nag public na kayo, wala ng makabuwag pa because sa tingin ko naman, ang lakas na ng foundation ninyo."

"Muntik na nga eh. Muntik na talaga. Mabuti nalang pinagbigyan ni Lord mga dasal ko."

"Para talaga sa'yo. Alagaan mo relasyon mo kay Maine, brad. By now alam mo na siguro anong mas mahalaga."

"Thanks Idan, ikaw din sana makatagpo ka ng para sa'yo talaga."

"Okay lang na hindi. Pero sabi nga di ba? Pag may ibibigay sa'yo dadating yon. Ngayon, medyo napagod si puso, pahinga muna."

"Malay mo si Miss B talaga ang para sa'yo. Kung di man nag push through noon, baka ito na yon, parehas naman kayong single."

"We will see, di naman natin pwedeng pangunahan ang mga mangyayari di ba? Isali mo nalang ako sa dasal mo."

"Oo naman, isasali ko yan at saka meron pa isa, sana makatrabaho kita soon, kahit isang movie lang, mapagbigyan lang yong pag ka fan ko, kahit gawin mo pa akong extra, basta makasama kita sa isang eksena."

Naked Souls (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon