Chapter 1

3K 60 2
                                    

Dwight's P.O.V.
Nanood ako ng balita ng gabing iyon sa sala nang puntahan ako ni Felicity. Ang nurse na nagbabantay sa lola ko. Matapos ang car accident at pagkamatay ng parents ko 3 years ago. Ang lola ko na ang nakakasama ko sa buhay. Ngunit simula nang mangyari ang aksidente naging sakitin ito at parang wala na ring ganang mabuhay kaya kumuha ako ng nurse na magbabantay sa kalagayan nito.
Naging miyembro ako ng "Cute Knight" isang group na binuo ng mga kaibigan ko na under sa NIS ng Korea. Isa kasi akong secret agent na kahit si lola ay hindi alam iyon.
Si Felicidad ang naging katuwang ko sa pagbabantay rito sa nakalipas na 3 taon kaya malaki ang utang na loob ko rito.
Seryoso akong nakatingin dito. Mayroon daw itong sasabihin sa akin ngunit napasin kong parang nag-aalangan pa ito.
"Go on, tell me," sabi ko nang hindi pa rin ito nagsalita.
Parang nagkalakas ng loob naman ito sa sinabi ko dahil tumingin na ito ng deretso sa akin.
"Sir Dwight. Magpapakasal na po ako next month kaya magpapaalam po sana ako sa plano kong pag-alis next week para may oras po kayong maghanap na kapalit ko." tuloy-tuloy na sabi nito.
Saglit akong natigilan. Hindi ko kasi inaasahang pwede pa lang umalis ito. Pinatay ko ang TV at tumayo sa harap nito.
"Pwede ka naman sigurong magtrabaho kahit may asawa ka na?" sabi ko dahil ayaw ko rin na umalis ito dahil gusto ko ang paraan ng pag-aalaga nito kay lola.
"Pasensiya na Sir Dwight, pero gusto po ng magiging asawa ko na sa bahay lang ako." medyo nahihiya pa itong tumanggi.
Kahit anong pilit pa ang gawin ko na ‘wag itong umalis wala pa rin akong nagawa kaya sumuko na rin ako sa huli dahil alam kong buo na ang desisyon nito.
Mag-isa na lang ako ngayon sa salas dahil nagpaalam na rin ito agad. Ngayon pa lang sumasakit na ang ulo ko kung saan ako hahanap ng pwedeng kapalit nito.
Ako nga pala si Dwight Zane Alonzo, 26 years old. Mabait naman ako at mahilig tumulong sa mga taong sa pakiramdam ko ay nadedehado. Pero may nagsasabing napakasuplado ko raw lalo na sa mga babae dahil na rin siguro sa bihira akong ngumiti.
Sa totoo lang hindi naman ako ganito noon. Nagsimula lang ito noong parehong nawala sa akin ang mga magulang ko. Pakiramdam ko kasi wala akong karapatang lumigaya dahil nang oras na nawala sila ay nasa Korea ako. Kaya labis ang paninisi ko sa sarili dahil kaya kong iligtas ang iba pero ang sarili kong mga magulang hindi ko nagawang iligtas kahit pa sabihin na isang aksidente iyon. Kaya mula noon ay hindi na ako masyadong ngumingiti. Parang nakalimutan ko na rin ang pakiramdam nang pagiging masaya.
May mga bagay naman na kinaaayawan ko, iyon ay ang mga babae. Lalo na ang mga madadaldal. Gusto ko kasi ng katahimikan dahil peaceful ang buhay ko kapag tahimik. Ayaw ko ring may humahawak o kumukuha ng gamit ko. Hindi ako madamot pero ayaw ko lang na pinapakialaman ako.
Kaya masuwerte sana ako kay Felicity. Bukod kasi sa mapagkakatiwalaan ito. Kilala na nito ang pag-uugali ko. Kaya ngayon namumroblema ako kung saan makakakuha ng mapagkakatiwalaang kapalit nito.
Hanna's P.O.V.
Mahigit dalawang taon na mula ng maipasa ko ang board exam pero hanggang ngayon wala parin akong mahanap na trabaho. Natitiyaga lang ako sa kararampot na kinikita ko bilang isang sales lady sa isang mall. Habang palaki nang palaki naman ang utang namin sa loan shark na pinagkakautangan namin. Mabuti na lang kahit papaano ay nakapagbibigay ako ng 10 thousand bawat buwan na tubo sa inutang namin.
Day off ko nang araw na iyon. Kaya nasa bahay ako para tulungan ang parents ko sa karenderya namin. Kahit papaano ay malaki-laki rin ang kinikita ni tatay kaya unti-unting ring nababayaran nito ang bangko kaya sa amin na ulit karendirya.
Minsan nahihirapan na rin ako sa sitwasyon namin. Nagtatrabaho para lang ipambayad sa tubo ng utang namin kaya parang gusto ko na lang mag-asawa ng isang matandang mayaman para tapos lahat ng problema ko ngunit hindi rin iyon kaya ng sikmura kong manloko ng iba para sa pera.
Nagse-serve ako sa isang customer nang biglang pumasok ang mga grupo ng mga kalalakihan na walang iba kung ‘di ang mga miyembro ng loan shark na pinagkakautangan namin.
"Nasaan ang tatay mo? May pinapasabi si Boss." tanong sa akin ng isang pandak na lalaki.
"Nandito ako, anong kailangan niyo?" biglang sumulpot sa likuran ko si tatay at pumunta sa harap ko.
"Pinapasabi ni boss na rapat niyo ng bayaran ng buo ang pagkakautang niyo." sabi ni pandak sabay abot sa isang papel. Tiningnan iyon ni tatay. Nakita ko na nagulat ito sa nakasulat doon kaya mabilis kung inagaw iyon na ikinagulat ko rin.
"Paanong naging 300 thousand lahat ang utang namin? E, buwan-buwan binabayaran ko naman ang interes ‘di ba?" taka kung tanong
"‘Yan ang nakalagay ‘di ba? So, iyan ang kailangan niyong bayaran. Pinapasabi rin pala ni boss na dapat pagkatapos ng tatlong buwan mababayaran niyo na ng buo ang utang ninyo dahil kung hindi, ang maganda ninyong anak ang pambayad." nakangisi nitong sabi habang nakatingin sa akin.
"Mga hayop kayo! Kahit kailan hindi niyo makukuha ang anak ko. " galit na sagot ni tatay.
"Paano ‘yan? Malalaman na lang natin pagkatapos ng tatlong buwan ninyong palugit. Babalik na lang kami ulit." tumatawa pa ang mga ito habang paalis doon.
Hindi na ako nagreklamo dahil alam kong wala rin akong magagawa sa mga ito. Baka mas lalo pang mapahamak ang pamilya ko kung magmamatigas pa ako at lumaban sa mga ito. Siguro nga ihahanda ko na lang ang sarili ko bilang pambayad sa utang namin. Nanghihina akong napaupo sa upuan. Naramdaman kong niyakap ako ni nanay. Doon ako napaiyak dahil sa awa sa kalagyan namin.
Kung iisipin niyong bakit ‘di kami nagsusumbong sa pulis nagkakamali kayo, dahil one year ago ginawa ko na iyon ngunit ninong ng leader nang gang ang hepe ng pulisya kaya wala ring nangyari. Mas lalo lang tinubuan ng mga ito ang utang namin dahil sa pagsumbong ko.
"Patawarin niyo ako, kung hindi sana ako umutang sa kanila noon sana hindi mangyayari ang bagay na ito ngayon." maluha-luhang sabi ni tatay na halata ang paghihirap kaya nakaramdam ako ng awa sa ama.
"‘Wag na po tayo magsisihan, tay. Gagawa po ako ng paraan mabayaran lang ang mga iyon. May awa po ang Diyos kaya magtiwala lang tayo." sabi ko sa ama.
Ayaw kong bigyan pa ito ng problema dahil tumatanda na rin ito. Dapat maging malakas ako para sa pamilyang ito. Alam ko kahit hindi man sabihin ng mga ito alam kung sa akin sila umaasa.
"Mag-abroad na lang kaya ako? Pero kung umalis ako wala akong maaasahang mag-aalaga kina tatay dahil nag-aaral pa si Izzy. Pero kung dito lang ako sa Pilipinas hindi naman kami makakapag-ipon ng pambayad sa utang."
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon dahil na puno ng alalahanin ang utak ko.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon