Chapter 33

1.5K 33 15
                                    

3rd Person's P.O.V.

Flashback 26 years ago....

Bibit ni Hellen (mommy ni Dylan) ang isang buwang gulang na anak na lalaki. Walong buwan din niyang itinago sa mga magulang na nabuntis siya ni Arnold (papa ni Yesha) bago nalaman ng mga ito. Ngunit sa kabilang banda. Hindi niya ipinaalam sa nobyo ang kanyang kalagayan dahil nakatakda na siyang ikasal sa ibang lalaki.

Si Renante Fernandez ang mayamang byudo na may 2 taong gulang na anak na babae ang kanyang mapapangasawa. Ito nalang kasi ang tanging paraan para matubos ang malaking pagkakautang nila.

Nameet niya na ito noon. Mabait ito at maalaga ngunit hindi niya kayang ibigay dito ang pag-ibig na naibigay na niya kay Arnold. Kaya nagdisisyon siyang magpakalayo at itago sa lahat ang isang buhay na sumisibol sa kanyang sinapupunan.

Nang mailuwal niya ang sanggol inalagaan muna niya ito nang isang buwan bago magdisisyong ipaampon sa kanyang kaibigang si Sofia ang kinilalang mommy ni Dwight.

Matalik niya itong kaibigan mula pa noong high school days nila kaya ito lang ang pwedi niyang mapagkakatiwalaang mag-alaga sa anak niya. Mahirap man bilang ina na talikuran ang anak pero kailangan niyang gawin iyon para maisalba ang kabuhayan ng mga magulang.

Asawa na noon ng kaibigan si Marco, ang kinikilalang ama naman ni Dwight ngunit hindi sila nabiyayaan ng anak. Kaya nang i-abot niya sa kaibigan ang anak ay agad na  tinanggap nito ng walang pagdadalawang isip. Alam niyang mamahalin ng kaibigan niya si Dwight at ituturing na parang tunay na anak.

Labag man sa kanyang loob ay agad na siyang tumalikod at agad na naglakad palayo bago pa magbago ang kanyang isip. Kailangan niyang gawin iyon. Kailangan niyan magsakripisyo kahit mahirap para sa kaayusan nang lahat kahit ang kapalit niyon ay mawala ang kanyang anak at ang lalaking natatangi niyang minahal.

Bumalik siya sa kanila para ipagpatuloy ang kasal na matagal nang naka-plano. Mahal niya ang mga magulang kaya nakaya niyang ipagpalit ang sariling kaligayahan para lamang sagipin ang kanilang pamilya.

Isang buwan lang ang itinagal ay ikinasal siya kay Renante. Agad naman siyang nabuntis at dinala sa kanyang sinapupunan si Dylan. Nang mailuwal niya ito pagkalipas nang siyam na buwan ay ibinuhos niya dito ang pagmamahal na hindi niya naibigay kay Dwight.

Naging malapit ang damdamin ni Dylan sa ina dahil ito ang lagi niyang kasama.

Ngunit nang lumaki na ang anak niya. Aksidente namang nagkita ulit sila ni Alberto. Muling napukaw ang pag-ibig at pangungulila na matagal niyang ibinaon sa kanyang puso. Kaya nagkaroon ulit sila nang pagkakataong ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pag-iibigan.

Dalawang taon ding itinago nila ang kanilang lihim na relasyon bago nilang plinanong magpakalayo. Masakit kay Hellen na iwan ang kanyang mga anak pero matanda na siya siguro oras na rin para ang sarili niya naman ang isipin niya. Alam niyang mali ang disisyon niyang iyon pero hindi niya na kayang iwan muli ang lalaking mahal niya. Kaya napilitan siyang iwan si Dylan. Alam niyang magalit ito sa ginawa niya pero umaasa nalang siya na maiintindihan din nito ang lahat kapag natuto na din itong magmahal.

Isang  Secret Agent si Hellen kaya pati ang trabahong iyon at tinalikuran na din niya. Balak nilang umalis nang bansa at magpakalayo-layo. Bago sila umalis inamin niya kay Alberto na may anak sila. Nagulat man ito sa nalaman  pero nababakas sa mukha nitong malaman na nagkaanak sila noon. Gustohin man nilang  makita at makasama ulit si Dwight ang anak nila ni Alberto hindi na nila magawa.

Nang pumunta kasi sila sa dating bahay ng mga ito ay nakalipat na raw kaya hindi niya na nakita ang anak.

Hindi niya alam kung saan na ang kaibigan dahil pinutol niya na rin ang koneksiyon nila mula nang maibigay dito ang anak.

Siguro gusto din nitong ilayo si Dwight sa kanya dahil natatakot din itong baka balikan at kunin niya ang anak. Kaya lumayo ito at itinago si Dwight sa kanya. Umalis nalang sila ni Alberto na hindi man lang nakita ang anak hanggang sa maganap ang isang aksidente.  Sumabog ang sinasakyan nilang eroplano papunta sa ibang bansa.

Ang tanging alaala na naiwan ni Hellen ay ang isang larawang matagal nang nakatago. Larawan iyon kung saan nakangiting itong kinakalong ang isang buwang sanggol.

Walang ibang nakakaalam sa sekretong iyon kundi ang mag-asawang umapon sa kanilang anak. Ngunit patay na ang mag-asawa. Meron pa kayang pag-asang malaman ni Dwight ang lihim ng kanyang pagkatao?

End of flashback....

Daleah's P.O.V.

Ako ang ina ni Jason ang nakakatandang kapatid ni Sofia at Isabel.  Ako ang naging kaibigan at sumbungan ni Sofia sa mga problema nito mula nang magpakalayo ang matalik na kaibigan nitong si Hellen. Ako din ang tanging taong nakakaalam sa sekreto sa pagkatao ni Dwight.

Maging ang bunsong kapatid kong si Isabel ay wala ding alam doon. Nag-aral kasi ito sa abroad noon at 4 na taong gulang na noon so Dwight nang bumalik ito. Alam niyong hindi magkakaanak si Sofia dahil baog ito kaya sinabi nalang ni Sofia na anak iyon ng kanilang hardenero at naawa ito kaya inampon nito.

Sinakyan ko ang kasinungalingang iyon ni Sofia dahil hiniling din nitong ilihim ang pagkatao ni Dwight. Natatakot kasi itong balikan ng totoong mga magulang nito si Dwight dahil napamahal na ito sa bata. Which is right. Dahil nakita ko kung paano naging makulay ang ngiti nito mula nang dumating si Dwight sa buhay nito.

Hindi ako nagtagal sa Pilipinas dahil isang American citizen ang napangasawa ko kaya dito na ako sa America tumira mula noon.

Nang namatay ito ang huling araw na bumalik ako sa Pilipinas.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang nakaraan. Doon biglang tumunog ang hawak kong cellphone.

"Hello! Mom? Si Jason to kailangan niyo pong umuwi nang Pilipinas.. Si Grandma..... Wala na si Grandma Mom."garalgal ang boses na sumbong nito.

Bigla ko namang nabitawan ang hawak na cellphone kaya bumagsak iyon sa sahig. Bigla akong napahagolhol nang iyak at napaluhod sa mismong kinatatayuan ko.

"I need to go home."bulong ko sa sarili  habang nagdadalamhati sa nalaman.

Nang araw na iyon ay nagpabook agad ako ng ticket at nag-impake ng mga gamit. Kailangan kong makauwi nang Pilipinas. Kailangan kong makita ang ina kahit sa huling pagkakataon.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon