Dwight's P.O.V.
Dumiritso ako sa Cafe ni Zyrus dahil doon namin balak magkita-kita.
"Condolence pala sa nangyari sa lola mo." iyon agad ang bungad ni Zyrus. Pati si Liam at Clark at nakiramay din.
"So anong plano mo ngayon Dwight?" Liam
"Gusto ko silang ubusin lahat." galit kung sagot.
"Pero nakakulong na ang nahuli natin." zyrus
"Gusto kong malaman kung sino ang pinakautak nang lahat ng ito. Hindi ako naniniwalang nadamay lang ako sa problema ni Hanna alam kong ako ang totoong target ng mga ito kaya nais kung malaman ang dahilan nila." sabi ko
"Paano mo nasabing ikaw nga ang totoong target nila?" liam
"Dahil mula nang pumasok ako sa eksina ako na ang naging target nila. Kung si Hanna o ang pamilya talaga nito ang kailangan nila bakit wala man lang umaaligid na mga tao nila sa pamilya ni Hanna sa Iloilo?" paliwanag ko.
Naalala kong nang mga panahong nasa Korea ako. Bago palang ako noon sa NIS nang madiskubre ko ang isang sindikato. Pero namantay ang pinakaleader niyon dahil sinubukan nitong lumaban kaya napilitang barilin ito ng isang pulis at namatay. Sa pagkakaalam ko anak iyon ng isang malaking sindikato sa Korea.
Simula din nang araw na iyon makalipas ang isang linggo naaksidente nalang bigla ang mga magulang ko. Umuwi ako ng Pilipinas at hindi na bumalik nang Korea. Doon nakilala ko si ang "cute Knight" na binuo ni Dylan dito Sa pilipinas. Nagsanay kami sa isang isla ng tatlong buwan para maging isang magaling na agent noon.
Hindi kaya tama din ang hinala ko na may koneksyon ang nangyari ngayon sa mga nangyari ng nakaraan? Ngayong natagpuan nila ulit ako gusto nilang kunin ulit ang mga mahahalagang tao sa buhay ko tulad nang pagkuha nila sa mga magugulang ko.
"Parang may punto ka nga Dwight.. Pero kung ang leader talaga ang target mo kailangan mong bumalik ng Korea." si Clark iyon
"I think hindi na kailangan iyon.. Nakausap ko si Dylan malapit na daw nilang matunton ang kuta ng sindikatong iyon." Zyrus
"You mean ang misyon ni Dylan sa Korea ay ang sindikato din hinahanap ni Dwight?" pagkaklaro ni Liam
"Tumpak... Kaya ang dapat mong gawin Dwight ay magpahinga at hintayin si Dylan.. Dahil kapag mawala na ang pinakaleader nila siguradong mawawala narin pati ang mga galamay nito." Zyrus
"Pero hindi pweding wala akong gagawin."sagot ko
"Syempre meron kang dapat gawin.. Kailangan mong protektahan si Hanna dahil baka siya na ang next target nila." napatingin ako kay Clark.
Alam kong minumonitor ako ng mga kalaban. Kaya hindi ko dapat ipinapakitang mahalaga sa akin si Hanna para hindi isipin ng mga ito na si Hanna ang kahinaan ko.
Nang gabing iniwan ko ito sa daan ako ang kumuha ng taxi para dito para masiguro kong ligtas itong makakauwi.
Napabuntong hininga ako..
"Hindi ko pinapahalata sa kalaban na mahalaga sa akin si Hanna. ml" sagot ko.
"Pero pano kung alam na nila? Ikaw na rin ang nagsabing minumonitor ka nila at isa lang ang masasabi ko... Makikita sa kilos mo na gusto mong protektahan si Hanna." Zyrus
"So nasaan si Hanna ngayon Dwight? Kailangan mo siyang bantayan at protekhan." Liam
Bigla akong napaisip. Bumilis din ang tibok ng puso. Naisip ko baka tama ang mga ito baka si Hanna na ang next target ng mga ito.
Mabilis akong umalis doon at sumakay sa motor ko. Dinial ko ang cellphone nito pero nagriring lamang iyon. Naalala ko ang dinownload kung application sa phone nito para malocate ko kung nasaan ito.
Gumagalaw ito.. Naisip kong nakasakay ito sa sasakyan. Mukhang patungo ito sa mall kung saan nagtatrabaho ang kaibigan nito. Inilagay ko sa bulsa ang cellphone ko pinaandar ang motor ko. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng motor. Nag-overspeeding narin ako ngunit wala akong pakialam ang gusto ko lang makitang safe si Hanna.
Hanna's P.O.V.
Umalis na si Dwight pero nakatayo parin ako doon. Hindi ko na kaya ang masamang pagtrato nito sa akin. Gustong-gusto ko na nang taong makakausap dahil parang sasabog na ang dibdib ko.
Naisip ko si Estifany ito kasi ang pinagsasabihan ko ng mga problema ko kaya nais ko itong puntahan at makausap dahil sobrang sakit na ng puso ko sa mga sinasabi sa akin ni Dwight.
Naligo muna ako at inayos ang sarili. Sumakay ako ng jeep dahil isang sakay lang naman papunta doon.
Pagbaba ko nang jeep napansin ko ang mga lalaking kahinahinala medyo malapit sa akin. Nasa daraan sila papasok ng mall kaya sa likod ako dumaan ngunit sinundan parin ako ng mga ito kaya napabilis ang lakad ko. Hanggang sa tumakbo na ako. Sumabay ako sa maraming tao para hindi ako mapansin ng mga ito.
Kinakabahan na ako dahil natatakot na ako. Alam kong walang Dwight na darating para iligtas ako kaya natatakot na ako. Baka iyon na din ang katapusan ko. Sa pag-aakala kong nailigaw ko na ang mga lalaki ay lalapit na sana ako sa gawi ni Estifany na busy sa pag-intertain ng mga bumibili ng makita ko ang isang lalaking nakabantay doon kaya napaatras ako.
Tumakbo ulit ako ngunit may mga nakabantay sa mga daraanan ko. Hanggang sa napadpad ako sa parking lot ng mall dahil sa kakaiwas ko sa mga ito. Nasa undergroud iyon kaya madilim at wala masyadong tao kaya mas nadagdagan ang kaba ko.
Nagtago ako sa mga sasakyang nakapark. Apat na lalaki ang naghahanap sa akin kaya naisip ko kapag hindi pa ako umalis sa pinagtataguan ko siguradong matatagpuan ako ng mga ito.
Sinubukan kong umalis ng dahan-dahan at nagtago sa isang malaking pader.
Kinakabahan na ako.. Pinigil ko ang aking hininga baka bigla nalang akong mahuli ng isa sa mga naghahanap sa akin.
Bigla akong napasigaw nang may biglang humila sa akin ngunit hindi lumabas ang boses ko dahil sa bigla nitong pagtakip sa bibig ko. Takot na takot ako nang oras na iyon ngunit bigla itong nagsalita. Napatitig ako sa lalaking humila sa akin dahil napakapamilyar ng boses nito. Tumulo ang luha ko nang makilalang si Dwight iyo. Kinuha nito ang kamay na nakatakip sa bibig ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Thanks God you're safe." bulong nito.
Dinig na dinig ko ang bilis ng tibok ng puso nito habang nakayakap ako at naksubsub sa dibdib nito. Bumitiw din agad ito sa akin nang marinig nito ang paparating na yabag malapit sa kinaroroonan namin.
Kinuha nito ang baril at isa-isang pinatumpa ang mga paparating na kalaban. Pagkatapos ay hinila na ako nito pasakay ng motor nito na nakapark hindi kalayuan doon.
Akala ko nang oras na iyon katapusan ko na.. Akala ko hindi ko na ito ulit makikita.. Akala ko hindi na ito darating para iligtas ulit ako but once again My Knight Save me. At masaya ako dahil doon...
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...