Hanna's P.O.V.
Mapayapang natutulog sa kama si Dwight. Masaya akong sa wakas naliwanagan na ito. Hiling ko nalang na wag magbago ang isip nito at bigla ulit maisipang umalis.
Nakaupo ako sa tabi nito habang walang sawang tinititigan ang gwapong mukha nito. Tumayo ako para ayusin ang kumot at itinaas iyon hanggang sa Dibdib nito. Ngunit bigla nalang ako nitong hinila at kinabig ng yakap kaya napasubsub ako sa malalapad na dibdib nito. Naramdaman ko ang bilis ng pintig ng puso nito na akala mo ay may mga kabayong nagtatakbuhan sa loob.
"Can you sleep beside me? Hindi kasi ako makatulog." hiling nito.
Kumawala ako sa pagkakayakap nito at tinitigan ito.
"Paano kong masagi ko ang sugat mo?"
"It's alright.. Kulang pa iyan sa sakit na pinagdaanan mo nang dahil sa paglayo ko." sabi nito.
Umusog naman ito ng kaunti para magkasya kami. Dahan-dahan akong nahiga sa tabi nito. Inilagay nito ang braso sa ulo ko kaya iyon ang ginawa kong unan.
Napatitig kami sa mukha ng isa't isa habang pareho kaming nakahiga. Alam kong maging ito ay ramdam kung gaano katindi ang pangungulila ko rito.
"Pwedi ko bang makita ang sugat mo sa balikat?" maya-maya'y tanong nito.
"Bakit?" tanong ko
"I just want to see it." sagot naman nito.
Kahit nagtataka man sa biglang hiling nito ay unti-unti kong binuksan ang isang butones ng uniporme ko at hinila ang kaliwang manggas ng damit ko para makita nito ang piklat sa kaliwang balikat ko.
Kinabig ako nito patungo sa dibdib nito habang hinahawakan nito ng mga daliri ang pelat na naroon. Naramdaman ko nalang ang banayad na paghalik nito doon habang yakap parin ako nito.
Hindi ko magawang magsalita o kumilos. Nang magbitiw ito nakita ko ang pamumula ng mga mata nito.
"I'm sorry." sambit nito sa paos na boses.
Ayokong makita itong nahihirapan habang sinisisi ang sarili dahil sa nangyari sa akin noon Kaya hinila ko na ito pahiga ulit.
"Hindi mo kasalan yan ok? Matulog na tayo para makapagpahinga kana."
Niyakap naman ako nito at pinikit ang mga mata. Nang masiguro kong nakatulog na ito ay tiyaka ko rin ipinikit ang akin mga mata.
Kinabukasan bigla kong naitulak ng malakas ang kayakap at natutulog na si Dwight kaya nahulog ito sa kama. Nagising kasi ako na may tatlong pares ng mga mata ang nakatingin sa amin ni Dwight habang natutulog.
Dwight's P.O.V.
Nasa kahimbingan ako ng tulog nang maramdaman kong may tumulak sa akin. Bigla akong naalimpingatan nang maramdaman ko ang kirot ng katawan mula sa pagkakabagsak kaya napamulat ako.Nakita ko si Dylan, Ayesha at Yesha na nakatayo sa gilid ng kama habang nakamasid sa amin ni Hanna.
Nakita kong nagkandarapang ibinalik ni Hanna ang butones ng damit nito na nakalimutan sigurong ibalik nito kagabi.
"Dwight explain it. Come on hospital to." Dylan
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...