Chapter 38

1.4K 34 0
                                    

Clark's P.O.V.

Nasa loob ako ng office at balak ko na sanang umuwi para makapaghinga. Hindi ko pala namalayan ang oras. Alas 9:00 na iyon ng gabi. Kanina ko pa pinaunang umuwi ang secretary ko dahil may inaayos pa akong papeles about sa pagbagsak ng market price namin sa isang shopping mall sa Ilocos.

Biglang nagring ang cellphone ko.

"Helo sir pwedi niyo po bang sunduin dito ang may ari ng phone na to? Lasing na lasing na po kasi" sabi ng bartender ng naturang bar kung saan uminom si Dwight.

Matapos maibigay nito ang address pinuntahan ko na kaagad ito.

Wala nang malay dahil sa kalasingan si Dwight nang dumating ako. Tinulungan ako ng bartender na buhatin ito hanggang sa kotse ko.

Nilalagyan ko ito nang seatbelt ng magsalita ito.

"Hannaaa." iyon ang namutawi sa bibig nito. Kaya napagtanto kong babae nag problema nito. Sa tatlong taong pinagsamahan namin ni Dwight ngayon ko lang itong nakitang nalasing. Sa aming lima kasi ito ang marunong kumontrol ng alak.

Bigla akong nakaramdam ng awa dito. Alam ko ang nararamdaman nito dahil naranasan ko din kung paano mawalan ng minamahal.

Malapit na kami sa bahay nito nang magkalay ito.

"Clark... I don't want to go home." iyon ang sinabi nito kaya itinigil ko ang sasakyan.

"Where do you want to go?" I asked

"Kahit saan basta wag lang sa bahay... Ayoko kung umuwi malulungkot lang ako doon." pakiusap nito. Noon ko lang nakita na ang parang Leong si Dwight ay pwedi din palang maging isang  nakakaawang pusa.

Hanna's P.O.V.

Unti-unti kong iminulat ang aking mata. Napatingin ako sa paligid ng kwartong iyon. Napagtanto kong nasa ospital ako. Naramdaman ko na may makirot na bahahi ng balikat ko. Bigla kong naalala may bumaril sa akin. Bigla akong napabangon kaya napasigaw ako sa sakin ng mapwersa ko ang balikat kong tinamaan ng bala.

"Anak magpahinga ka muna.. Bago pa yang sugat mo kaya wag mo munang galawin." sabi ni nanay na biglang napalapit sa akin ng tangkain kung bumangon.

Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa dengdeng. February 4 na so ibig sabihin dalawang araw na akong walang malay.

"Nay si Dwight po? Nasaan po si Dwight?" bigla akong nag-alala dahil hindi ko ito makita.

"Kumalma ka anak... Huminahon ka lang." pakiusap ni Tatay.

"Tay nasaan po si Dwight? Bakit po wala siya dito?" naiiyak ko nang tanong.

"Anak wag mo nang hanapin ang lalaking iyon dahil hindi na siya babalik." sabi ni tatay. Bigla akong naghistirical sa sinabi nito. Bigla kong naisip na baka natamaan din ito ng bala at  patay na ito kaya hindi na siya babalik. Napahagulhol ako ng iyak.

"Anak plz huminahon ka... Umalis na si Dwight at ayaw nyang makita kang nagkakaganito kaya plz huminahon ka." Nanay

Bigla akong nahimasmasan ng sinabing umalis lang ito. So it means walang masamang nangyari dito.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon