Dwight's P.O.V.
As an agent normal na sa amin na pagdudahan ang mga strangherong nakakasalamuha namin. Kaya dahil hindi ko pa masyadong kilala si Hanna palihim akong naglagay ng listening device sa kwarto ni grandma ng pumasok ako doon kanina para emonitor ang mga ginagawa nito.
Nandoon lang ako sa maliit na office ko habang nagbabasa ng libro at nakikinig sa isapan ng mga ito. Maya-maya ay narinig ko ang boses ni Jason. Isa pang tao na nanggugulo sa tahimik kung buhay.
" Ako kasi ang pinakagwapong apo ni grandma kaya hindi pweding hindi niya makita ang gwapo kung mukha every year." napailing ako sa sinabing iyon ni Jason.
"Totoo naman po kasing gwapo ang apo ninyo kaya dapat lang na ipangalandakan niya." napatigil ako sa pagbabasa sa sagot na iyon ni Hanna. Bigla nalang akong nakaramdam ng inis dito dahil umpisa palang nakipaglandian agad ito sa kulang sa Pansin kung pinsan.
Sa loob pa ng pamamahay ko sila naglalandian at sa harap pa ni grandma.
"What? Kasal?" bigla akong napatayo at naibulalas ang katagang iyon dahil sa pagkagulat sa huling sinabi ni Hanna. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng magandang mukhang iyon ng babae may nakatago din palang kalandian.
Inis na inis kong pinatay ang audio at lumabas ng silid para sumagap ng malamig na hangin para pawiin ang inis. Medyo madilim na sa labas dahil alas 6:00 na iyon ng hapon.
Nailagay ko ang dalawang kamay sa baywang at bumuga ng hangin para alisin ang mabigat na bagay na parang nakabara sa dibdib ko.
"Kasal?? Iyan ang hindi ko mapapayagan.. Inang araw mo palang pang-aakit aagad ang inatupag mo pwes nagkakamali ka kung akala mong nagtagumpay kana." sabi ko sa isip.
Hanna's P.O.V.
Matapos makipagbiruan kay Jason at sa lola nito lumabas muna ako ng kwarto dahil gusto daw masulo ni Jason ang lola.
Kinuha ko ang cellphone para magtext sa kapatid ko. Kinamusta kasi ako nito kanina pero hindi ko nareplyan dahil biglang dumating si Jason.
Habang naglalakad hindi ko napansin ang isang skateboard na nakaharang sa sala. Dahil wala sa daan ang attention ko naapakan ko iyon at mabilis na dinala palabas ng bahay dahil nakabukas ang pintuan. Tuloy-tuloy akong gumulong palabas sakay niyon kahit hindi ko naman alam gamitin iyon.
Dahil sa takot kaya hindi ko maiwasang hindi sumigaw. Kahit medyo malayo pa natanaw ko agad si Dwight na nakatayo sa may daraanan ko kaya nag eexpect akong tutulungan ako nitong mapatigil ang sinasakyan ko o di kaya tulad sa isang fairytale magiging knight ko ito na magliligtas sa akin sa mga ganong sitwasyon ngunit---
"Plukkkk..." biglang sumalpok sa bato ang sinasakyan ko dahil iniwasan ako ni Dwight. Kaya imbes na sa matitipunong dibdib ako nito lumanding tulad sa mga palabas na napapanood ko sa damuhan ako bumagsak.
Nanakit ang baywang at balakang ko habang sinusubuka kong tumayo. Inis na nilingon ko si Dwight na hindi man lang ako tinulungan mula sa pagkakatumba.
"Bakit di moko sinalo o pinigilan? "Inis kong baling dito.
"Kung hindi ba naman kasi tanga ang skateboard sana tumigil na iyan bago kapa sumalpok sa bato ( lumapit ito sa akin at naupo para magpantay kami ang akala ko tutulungan ako nito makarayo mula sa pagkasampak ngunit) at isa pa Miss Hanna... Hindi ko obligasyon na saluhin ka o pigilan na hindi matumba dahil sarili mong katangahan yan." mahina nitong sabi at iniwan na ako doon.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...