Dwight's P.O.V.
Napangiti ako nang makalabas ng kwarto si Hanna. Actually kanina pa nawala ang galit ko dito. Para kasi itong aso na sunod ng sunod sa akin kanina para mas lalo lang akong inisin. Pero imbes na mainis unti-unti nawawala ang galit ko at napapalitan ng paghanga. Karamihan kasi ng mga tao sa paligid ko natatakot na kapag tinitingnan ko palang. Kapag sumigaw naman ako nanginginig na sa takot. Pero ang babaeng ito.. hindi man lang pinansin ang galit ko besides nakuha pa nitong ngitian ako ng pang iinis pa lalo sa akin.
Napahiga ako sa kama habang inuunan ang kaliwang braso. Napapatitig ako sa ceiling ng kwarto. Masarap din pala sa pakiramdam na may isang taong hindi ako pinakitaan ng takot o pinapangilagan. Masarap din palang may taong imbes na lumayo sa akin mas lalo pang inilalapit ang sarili.
Kahit sa group kasi namin sa "cute knight" kapag sumigaw na ako tumatahimik na sila agad maging si Dylan hindi na rin nagsasalita. Alam kasi ng mga ito na mahirap pawiin ang galit ko kapag nagsimula nang magliyab.
Nagpahinga lang ako sa kwarto hanggang sa gumabi. Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto. Agad kung binuksan iyon.
"S-sir k-kakain n-na p-po" nanginginig pa ang boses ng katulong habang nakayuko. Siguro akala nito galit pa ako kaya takot na masigawan ko ulit.
"Sige." iyon lang yata ang hinihintay nito dahil nagmamadali na itong bumaba.
Nakaupo na sila sa hapag mukhang ako nalang ang hinihintay ng mga. Tahimik lang kaming kumakain. Iyan kasi ang nangyayari kapag alam ng mga itong galit ako. Bali magkatabi si Jason at lola. Ako naman ay tumabi kay Hanna.
"Wow favorite mo din ba ang ulo na bahagi ng isda?" sabi ni Hanna habang nakatingin sa ulo ng isda na nilagay ko sa aking plato. Tiningnan ko ulit ito ng nakakatakot para tumahimik ngunit hindi nito pinansin ang tingin ko. Kinuha pa nito ang ulo ng isda sa plato ko.
"Akin nalang to ha? Talagang natatakam akong kumain nito ngayon." nakangiting sabi nito na halatang nang iinis lang. Hindi ko ulit ito pinansin at kumuha nalang ng buntot ng isda.
Maya-maya pa ay naglagay ako ng tubig sa baso para inumin ngunit kakalapag ko palang ng pitsil ng bigla naman nitong kinuha ang baso kong may tubig.
"Salamat dito ha?" nakangiti pang sabi nito sabay inom ng tubig. Kaya kumuha nalang ako ulit ng panibago.
Naisip kong sinusubukan nitong kunin ang mga bagay na gusto kong kainin o inumin kaya kumuha ako ng isang dinamite (lumpia na may isang malaking sili sa loob). Mahilig kasing kumain ng maanghang si grandma.
Hindi nga ako nagkamali dahil pagkalapag ko palang ng lumpia sa plato ko kinuha na nito agad iyon.
"Siguro masarap to? Patikim ha?" sabi nito sabay subo ng lumpia habang ako ay lihim na napangiti.
Hanna's P.O.V.
Kinukuha ko ang mga pagkaing nais nito kainin para masira ang araw nito. Tulad nalang ng lumpiang kakalagay lang nito sa plato. Kinuha ko iyon sabay kagat ng malaking bahagi ngunit naka- isang nguya palang ako nang maramdaman ko ang anghang na kumalat sa buong bibig. Mabilis kong ininom ang natirang tubig sa baso ngunit maanghang parin. Hindi kasi ako ganon kahilig sa sobrang anghang na pagkain. Nang hindi makontinto pati ang baso ni Dwight na ininom kanina inubos ko na din ang natirang tubig. Nailabas ko nalang ang dila ko at pinaypayan gamit ang dalawa kong kamay nang hindi parin mawala ang anghang .
"Paano yan napaaga yata ang karma." sabi nito habang ngumiti ng ubod ng tamis. Lumabas tuloy ang mapuputing ngipin nito.
Wait...teka sinabi ko bang ngumiti ito? Wow for the firstime in forever nakita ko din itong ngumiti. Sa sobran gwapo nito kaya hindi ko na yata naramdaman ang anghang dahil na kafocus na ang buong attention ko sa nakangiti nitong mukha. Parang isang himala kasi nag nangyari kaya ayaw kong bitawan ang tingin dito.
Bigla naman itong tumigil sa pag ngiti ng mapansin nitong nakatitig ako sa mukha nito. Napatitig din ito sa mukha ko. Nasa ganong ayos kami ng biglang tumikhim di lola kaya sabay kaming nagbitiw ng tingin.
"Ehem..Ikaw lang yata ang nagpangiti ulit sa apo ko sa bahay na ito." nakangiting sabi ni lola sa akin.
"Hindi po ako ngumiti grandma... Tapos na akong kumain mauuna na ako." bigla ulit naging seryoso ang mukha nito sabay akyat sa silid.
"Faith...anong ginawa mo at napangiti mo ang tuod na yon?" biglang tanong sa akin ni Jason. Close na kasi kami nito.
"Aba iwan ko don.. Pati ako nagulat din." sabi ko naman.
"Hindi kaya may gusto sayo ang apo ko Faith?"
Nagulat ako sa sinabing iyon ni lola pero di ko pinahalata kahit parang kinilig ako.
"Hahaha.. Lola naman napakapalabiro mo talaga.. Iyon na yata ang pinakaimposibleng mangyari." tanggi ko.
Hindi na din nagpumilit si Lola sa pag-aakala nitong may gusto sa akin si Dwight. Pagkatapos kumain at maihatid si lola sa kwarto nito nagpahinga na din ako sa kwarto ko.
Habang nakahiga sa malambot na kama. Hindi ko maiwaglit sa isip ang nakangiting mukha ni Dwight kanina. Mas lalo pa itong naging gwapo sa paningin ko. Para kasing ngumingiti rin ang mga mata nito kasabay nang labi nito. Gusto ko tuloy ulit masilayan ang mga ngiting iyon.
"Humanda ka Mr. Dwight Sungit.. Tuturuan kitang kung paano ngumiti ulit." napangiti din ako sa pag-iiba ng plano ko. Mas mabuti at maganda kasi sa pakiramdam ang makita itong nakangiti kaysa nagagalit.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...