Hanna's P.O.V.
Sa nakalipas na tatlong araw napamahal na agad sa akin si Lola Dianne. Napakabait kasi nito at wala kang maipipintas dito. Kung gaano kabait ito ganon din kasama ng pag-uugali ng apo nito.
Sa nagdaang tatlong araw din ay hindi kami nagpapansinan ni Dwight. Hindi ko ito pinapansin dahil naiinis talaga ako dito. Kailangan kong makaisip kung paano makaganti dito. Tanghali na nang oras na iyon kaya natutulog si Lola Dianne. Habang wala akong ginagawa nag-isip ako kung paano gantihan si Dwight sa pambabara sa akin. Kinuha ko ang phone at magresearch about sa lalaking.
Sa 30 mins na pagscroll ko sa cellphone meron naman akong napala sa isang fan page nito. Ayon kasi dito ang pinakaayaw ni Dwight ay ang pakialaman ang gamit nito at ang mga taong maiingay. Napangiti ako ng makabulohan dahil napakadali lang pala itong gantihan.
Lumabas ako ng kwarto at tumingin-tingin sa paligid para alamin kung may tao. Napatingin ako sa itaas kung saan nandoon ang kwarto ni Dwight. Napangisi ako. Alam ko kasing wala doon ang lalaki dahil hindi pa ito umuuwi mula nang umalis ito kaninang umaga.
Umakyat ako sa hagdanan. Merong dalawang kwartong nandoon. Sinubukan kung buksan ang pinto na malapit sa hagdanan ngunit nakalock iyon. Lumipat ako sa kabilang pinto at nagbabakasakaling bukas iyon. Dahan dahan kung pinihit ang siradora nang bigla akong napangiti nang bumigay ang siradura. Agad akong pumasok sa loob at sinarado ulit ang pinto.
Napa "wow" ako sa itchura ng kwarto nito. Karamihan kasi sa mga kilala kong lalaki ay mga burara o di kaya hindi ganon kalinis. Kulay puti at itim kasi ang motif ng kwarto nito. Puti ang kulay ng pinturang nakapinta doon at ang kubre kama ay kulay itim lahat. Mula sa punda ng unan, kumot at sapin ng kama ay puro itim. Habang ang kurtinang nakakabit sa bintana ay pinaghalong itim at puti. Nasa pinakadulo nakapwesto ang kama at sa tabi nito ay ang sidetable na maliit kung saan nakapatong ang lampshade nito. Meron itong malaking closet kung saan siguro nakalagay ang mga gamit at damit nito. May lucky horse painting naman na nakasabit sa uluhan ng hamba ng kama nito. Meron itong sariling banyo sa loob. Ang sahig naman nito ay napakalinis.
Ang mga collections na libro nito ay naka-arrange mula sa malalaki patungo sa maliliit na libro. Nakalagay iyon sa isang malaking bookshelves na kulay itim din. Sa gilid ng bookshelve ay may isang mahabang upuan na sofa at maliit na bilog na mesa.
Sa madaling salita maganda, malinis, at napaka-organize ng kwarto nito. Biglang may pumasok na idea sa isip ko kaya nagmamadali akong bumaba para tanungin ang mga katulong kung saan nakalagay ang mga kurtina at kubre kama.
Dwight's P.O.V.
Mag-aalas 3 na nang hapon nang makauwi ako ng bahay. Galing ako sa boutique ni Dylan dahil may mahalaga kaming pinag-usapan.
Nasa salas si Hanna at Grandma at nanonood ng tv. Humalik ako sa pisngi ni grandma ngunit hindi ko naman pinansin si Hanna na katabi lang ni Grandma.
Agad akong dumiritso sa itaas dahil pagod ako at gusto kung magpahinga muna. Pagbukas ko nang pinto ibang itchura ng kwarto ko ang sumalubong sa akin.
Ang kulay ng kurtina ay naging kulay pink habang ang sapin ko sa kama ay kulay Violet. Kulay pink din ang mga sapin sa unan. Meron kaming ganong kulay dahil mahilig sa ganong kulay ang kapatid ni Jason kapag napapadalaw ito. Ang mga libro ko naman ay halo-halo na ang ayos.
Authomatic na biglang kumulo ang dugo ko sa nabungarang ayos. I don't the color. I hate that someone touches my things.
Magkasalubong ang kilay na lumabas ulit ako ng kwarto. Hindi lang ako naiinis ngayon kundi galit na ako. Ayaw na ayaw ko pa naman ang pakikialaman ang mga gamit ko.
Malakas ang boses na tinawag ko ang mga katulong. Agad namang lumapit sa akin ang mga ito na parang nanginginig sa takot. Alam kasi nila ang ugali ko kaya alam nang mga itong galit na ako.
"Sino sa inyo ang pumasok sa kwarto ko." madiin kong tanong dahil sa pagpipigil nang galit. Tatlong ulit akong nagtanong ngunit wala akong nakuhang sagot. Nakayuko lang ang mga ito kaya binago ko ang tanong.
"Sino sa inyo ang nagpalit ng mga sapin ko sa kama at kurtina." tanong ko ulit.
"Ako ang nagpalit.. Nagustohan mo ba?" napalingon ako sa kabilang side kung saan nakatayo si Hanna habang pangiti-ngiti lang.
Hindi ko ito pinansin at inis na bumalik sa loob ng kwarto. Alam kong balak nitong inisin ako kaya ginawa nito iyon. Balak siguro nitong gumanti kaya tinalikuran ko ito dahil ayokong patulan ang napakachildish na paraan nito ng pagganti.
Hanna's P.O.V.
Masayang nanood kami sa sinusubaybayan naming drama sa tv ni lola Dianne ng marinig namin ang malakas na boses ni Dwight habang tinatawag ang mga katulong. Alam ko na kung ano ang dahilan ng galit nito kaya nagpaalama ako kay lola na ako na ang pupunta doon at alamin ang problema. Mukha bali wala naman dito ang inasal ng apo siguro nasanay na ito sa pag-uugali nito.
Tumayo muna ako malapit sa kinaroroonan ng mga ito at nanood lang. Napapangiti nalang ako sa galit na reaksyon ni Dwight sa ginawa ko. Naamoy ko na tuloy ang tagumpay.
Sumagot na ako nang magtanong ulit si Dwight ngunit hindi ako nito pinansin at nagmamadaling bumalik sa loob. Sinundan ko naman ito hanggang makapasok ito sa loob ng kwarto.
Binagbabaklas nito ang mga kurtinang pinaghirapan kong isabit kanina.
"Bakit hindi mo ba nagustohan ang kulay? Maganda naman ah." pang-iinis ko pa. Tumigil ito saglit at tiningnan lang ako ng masama tiyaka binalik ulit ang atensyon sa ginagawa.
Matapos makuha lahat ng pinaglalagay ko kanina. Lumabas agad ito ng silid at nilampasan lang ako. Ako naman ay parang asong sunod ng sunod dito dahil nag-eenjoy akong tingnan na nagagalit ito imbes na matakot.
Pumunta ito sa isang kwarto kung saan ko hinalungkat ang mga iyon kanina at ibinalik. Pagkatapos ay kumuha ito ng itim at puti na namang kulay. Bumalik ito ulit sa itaas nang hindi parin ako pinapansin. Ako naman dahil nag eenjoy pa sumunod ulit doon.
Isinasabit na nito ang puting kurtina nang kunin ko ang sapin sa kama nito para ilagay dahil medyo nakaramdam na rin ako ng guilt. Ngunit bigla nitong hinablot sa kamay ko ang sapin kaya tuloy tuloy akong napasubsub sa dibdib nito. Habang ang mga kamay nito ay nakayapos sa bewang ko. Dahil sa pagkagulat hindi agad ako nakaalis doon. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso nito pati na ang init na nagmumula sa katawan nito kaya bigla akong napalunok ng laway.
"Alam mo bang nagiging agresibo ako kapag galit?" napakalamig ng boses nito habang nagsasalita.
"Ha?" napatingin ako sa mukha nito, sa mga mata at tumigil sa labi nito habang nakayakap parin ito sa akin.
"Alam mo bang gusto kitang ihiga sa kamang ito kapag hindi kapa umalis sa loob ng silid ko?" naghahamon nitong sabi.
Nang ma-gets ang ibig nitong sabihin bigla ko itong naitulak at nagmamadali nang lumabas sa kwartong iyon. Kahit gwapo ito hindi naman ako papayag na mawawala nang ganon kadali ang iningatan ko nang 24 na taon no.
Napasandal muna ako sa pintuan ng kwarto nito nang makalabas dahil biglang nanghina ang mga tuhod ko. Napakabilis din ng tibok ng puso ko nang kapain ko ito. Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ay doon palang ako bumaba ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...