Hanna's P.O.V.
Ano yong biglang ginawa ni Dwight sa akin.? Nanaginip ba ako o talagang ninakawan ako nito ng halik? O my biglang nag-init ang mga pesngi ko mabuti nalang ay umalis na ito kaagad. Tumakbo ako sa loob at nagkulong sa kwarto. Nakakahiya talaga ang nangyari. Bakit ba kasi bumalik pa ako at niyakap ito. Baka isipin nitong napaka easy ko. Ano na ang gagawin ko?
Nagtalukbong ako ng kumot ganyan kasi ang nakasanayan kong gawin tuwing hindi ako mapakali. Alam kong sa gabing ito hindi na naman ako makakatulog sa pag-alala sa halik na iyon.
Dwight's P.O.V.
Alas 6:00 palang ay gising na ako napasarap kasi ang tulog ko kagabi. Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago lumabas ng kwarto dahil may sarili naman akong banyo sa kwarto. Pagkalabas ko nagulat pa ako ng makita si Hanna na nakatayo sa labas. Nangingitim ang gilid ng mga mata nito na hula ko ay wala itong tulog. Isa pa naglalakihan din ang eyebags nito.
"Why are you here?" kunot noo kong tanong.
"Dahil may gumugulo sa isip ko buong gabi kaya ang nangyari hindi ako nakatulog." sagot nito na parang zombie.
"At ano naman ang kinalaman ko sa gumugulo sa isipan mo?" - tanong ko.
"Dahil ikaw lang ang makakasagot sa gumugulo kong isip." sagot nito
"So what it is? Ano ba yong nagpapagulo sa isip mo?" tanong ko ulit.
"Gusto ko lang malaman kong bakit mo ako hinalikan kagabi?" derektang tanong nito kaya napatingin ako ng deretso sa mga mata nito.
"Seriously?" tanong ko. Tumango naman ito.
"Tanga ka ba talaga o nagtatangatangahan lang? Talaga bang hindi mo alam?" tanong ko. Ito naman ang napakunot ang noo sabay iling.
"I kissed you because I like you." biglang nanlaki ang mg mata nito sa sinabi ko.
Gusto kong mapangita sa naging reaction nito sa sinabi ko. Kaya bago pa makita nito ang pagngiti ko naglakad na ako pababa at nilampasan ang hindi parin makapaniwalang babae.
"Tekaaa Dwighttt... Hoy hintayin mo ako." bigla akong tinawag nito at sumunod sa likuran ko.
"Teka lang.. Pwedi ba huminto ka muna sa kalalakad?" awat nito sa paglakad ko. Kaya huminto muna ako at muling hinarap ito.
"Siguro naman napakaclear ng sinabi ko?so bakit na naman?" tanong ko
"Alam mo ikaw lang siguro ang kilala kong lalaki na biglang-bigla nalang aamin at bigla-bigla ding lalayasan ang taong gusto nito." sabi nito na hindi sinagot ang tanong ko.
Hanna's P.O.V.
Hindi ko parin magawang maniwala sa mga nangyayari ng magsimula itong magsalita ulit.
"I like you Hanna. I don't like saying those kind of words but I can'_t help it.. Gustong sabihin sayo ng puso kong gusto kita at hindi ko kayang pigilan iyon." madamdamin nitong sabi.
Napanganga ako sa naging rebelasyon nito. Parang ang bilis ng pangyayari. Kailan lang nang palagi ako nitong inaaway tapos ngayon sasabihin nitong gusto ako? Maniniwala ba ako? Paano kung sinusubukan lang ako nito.
"P-pero p-paanong n-nangyari iyo---" hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla nalang akong kabigin at binigyan ng mapusok na halik nito. Lumalim ang halik na iyon na parang lumulutang ang pakiramdam ko sa sensasyong ibinibigay non. Pero alam kong gustong-gusto ko ang halik nito.
Humihingal pa ito nang bitawan ako tiyaka palang sinagot ang tanong ko.
"Because you kissed me first.. Iyon ang nagparealize sa aking gusto na kita."- sabi nito.
Hindi ko magawang sumagot dahil parang bigla akong nanghina sa halik na iyon mabuti nalang at nakaalalay sa likod ko ang kamay nito.
"At gustong-gusto ko ang pakiramdam na inaangkin ang mga labing to." pagkasabi niyon ay hinalikan ako nito ulit.
Para akong robot na sunod-sunoran dito habang hawak nito ang isa kong kamay. Parang nawala na ako sasarili pagkatapos na putolin nito ang pangalawang halik na iyon.
Napasunod nalang ako dito na parang wala parin sa sarili. Sa kusina ako dinala nito. Pinaupo ako nito isang upuan.
"I want to cook for you so you stay here." pagkasabi non ay umalis na ito sa harapan ko at nag-umpisang magluto.
Habang ako naman ay parang nalulong sa droga dahil pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ire dahil sa saya na aking nararamdaman ngayon. Imagine nagustohan ni Dwight Zane ang isang kagaya ko? Ang pagkakaalam ko pa wala itong hilig sa mga babae so ibig sabihin kong naging bf ko si Dwight ako ang magiging unang gf nito..at ako din kaya ang first kiss nito? Oh my kinikilig ako.
After 30mins siguro nang natapos nito ang niluluto. Nagluto din pala ito ng sinangag na kanin na merong itlog, hotdog, carrots at patatas na isinama doon. Nagluto ito ng pretong isda na ginawan nito ng sarsa at ham.
Bigla akong natakam sa niluto nito kay naparami yata ang nakain ko ang sarap kasi ng pagkakatimpla nito ng sauce at ang sinangag nito ay malasa din.
Pagkatapos kumain ay niyaya ako nito sa tabi ng pool. Kung saan may mesa at dalawang upuan na nandoon.
"Do you want me to teach you how to swim?" bigla binalingan ito ng tingin. Sa swimming kasi ako nakatingin kaya baka akala nito gusto kong matutong lumangoy.
"Yeah.. Kung hindi ka busy.. " nahihiya kong sabi.
"Go and change I will start teaching you today." sabi nito.
"Segurado ka?" ako
"Yeah"
Pumunta na ako sa sa kwarto ko para magbihis ng pampaligo.(excited lang). Nakita ko ding sumunod ito siguro kukuha din ito nang pampaligo nito.
Habang nagbibihis bigla kong naisip ang katawan nito. I'm sure my abs ito woahhhh at makikita ko iyon mamaya.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...