Hanna's P.O.V.
Sanay na akong magising ng maaga dahil 4:00 am palang ay namamalengke na ako para sa lulutuin namin sa kanten kaya kahit madaling araw na ako nakatulog maaga pa rin ako nagising.
Lumabas ako matapos makapaghilamos. Mag-aalas 6:00 palang iyon ng umaga ng maisipan kung pumunta sa may tabi ng pool para doon mag-unat-unat dahil napansin kung doon unang tumama ang sikat ng araw. Daily routine ko na kasi ang mag-unat o di kaya magjogging bago pumasok ng trabaho dati.
Walang tao sa pool side nang dumating ako. Nagstretching mona ako pagkatapos ay tumakbo ako ng ilang ulit palibot ng pool. Nakalimang balik na ako nang mapansin ko ang pagdating ni Dwight. Hindi man lang ako nito pinansin at agad na nagtungo sa may dalawang upuan at isang round table na naroon. May malaking payong iyon na nagsisilbing harang sa sinag ng araw.
Habang tumatakbo hindi ko maiwasang hindi ito sulyapan. Tahimik lang itong nakaupo doon habang nagbabasa na naman ng libro. Parang ito lang ang tao doon dahil ni isa hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin o di kaya batiin lang ng hi. Napakasuplado talaga.
Pagkatapos ng sampong laps tumigil na rin ako. Kinuha ko ang towel at tubig na ipinatong ko sa isang upuan na kaharap nito at uhaw na uhaw na ininom ang tubig. Wala parin itong reaksyon kahit nasa harapan na ako nito kaya hindi ko na rin ito pinansin para patas.
Nagpupunas ako ng pawis sa mukha at liig nang nakita kung parating ang isang katulong na may hawak na isang tasa ng kape. Patungo ito sa amin para siguro ibigay kay Dwight. Nang malapit na ito sa kinaroroonan ko hindi nito napansin ang nakausling bato kaya naihagis nito ang hawak na tasa habang ito ay pasalubong sa kinaroroonan ko kaya aksidenting naitulak ako nito sa pool. Napapikit nalang ako habang hinihintay ang pagbagsak ng katawan ko sa tubig.
Nang maramdaman ko ang pagbagsak sa tubig ay agad na nagpanic ang isip ko dahil hindi ako marunong lumangoy. Pinagkukumpas ko ang aking kamay dahil nakakainom na ako ng tubig buti nalang may naghagis ng isang di kalakihang salbabida sa akin. Agad kong hinawakan iyon kaya nagawa kung makahinga ulit ng maayos.
Nahihingal akong napayakap sa salbabida at tiningnan si Dwight na nakasquat ng upo sa tabi ng pool habang nakatingin sa akin. Naisip ko na ito ang nagtapon ng salbabidang iyon sa tabi ko.
Napakaungentleman talaga ng lalaking ito. Imagine sa mga lovestory na napapanood ko kapag ganong sitwasyon sinasagip ng bidang lalaki ang babae pagkatapos minamouth to mouth kapag nawalan ng malay.
Dalawang beses na nito ginawa iyon kahapon at nasundan pa ngayon. Talagang imbes na maging knight ko ito baka maging tagasundo ko pa na magdadala sa akin sa kamatayan. Tiningnan ko ito ng masakit dahil umasa pa naman akong tatalonan ako nito at sasagipin.
"Mahirap bang sagipin ang taong nalulunod?" paasik kong sabi habang nakalitaw parin sa pool.
"Hindi. Kaya nga binigyan kita ng salbabida diba?" seryosong sabi nito.
Inirapan ko ito. Talagang naiinis na ako sa lalaking ito umpisa palang kasi pinapahalata na nito ang pagkadisgusto sa akin kaya kung ayaw niya sa akin mas ayaw ko ang pag-uugali nito kahit ubod pa ito ng gwapo.
"Bakit di mo kaya subukang tumayo para malaman mo kung gaano ka katanga " dagdag pa nito sabay tayo at naglakad papasok ng bahay habang ako ay naiwan doon dahil sumunod din dito ang natatawang katulong. Pinagtatawanan siguro ako nito kaya nadagdagan ang inis ko sa lalaking iyon.
Sinubukan ko ngang tumayo at doon ko nalaman na hanggang balikat ko lang ang tubig ng pool.
"Hmmft.. Kasalanan ko bang bigla na akong nagpanic at di ko napansing mababaw lang pala.. Wala parin itong karapatang pagsabihan akong tanga.. Humanda ka Dwight Zane dahil hindi ko papatahimikin ang buhay mo.. Lintik lang ang walang ganti." sabi ko sa isip sa inis sa walang mudong lalaking iyon. Simula palang kasi ng araw ko sinira na nito.
Inis na naglakad ako papunta sa gilid ng pool at umahon. Dahil tumutulo ang damit at ang buong katawan. Tumakbo ako papasok ng bahay dahil wala naman akong dalang tuwalya dahil wala naman akong planong maligo ng ganon kaaga.
Kahit nababasa ang dinadaanan ko nagpatuloy lang ako sa pagtakbo papunta sa kwarto ko dahil balak kong linisin nalang iyon mamaya pag nakabihis na ako.
Sa may bukana ng salas nasalubong ko si Jason na kakagising lang.
"Oh.Anong nangyari sayo?" takang tanong nito habang tinitingnan ako ng naka kunot noo.
"Mamaya na kita sasagutin padaan muna." sabi ko tyaka nagmamadali nang ipinagpatuloy ang pagtakbo.
Malapit na ako sa may pintuan ng kwarto ko nang bigla nalang ako nadulas. Napasigaw ako ng malakas kaya nakagawa iyon ng ingay.
Ipinikit ko ulit ang mga mata ko para hintayin ang pagkabali ng mga buto ko ngunit bigla akong napamulat ulit nang maramdaman ang mga matitipong bisig na sumalo sa akin mula sa likuran.
Dwight's P.O.V.
Pagpasok ko ng bahay mula sa pool tsineck ko mona si Grandma sa kwarto nito para tingnan kung gising na ito. Ngunit mahimbing pa ang tulog nito. Tahimik na hinalikan ko ang noo nito at dahan-dahang lumabas ng pinto.
Hustong kakasara ko nang pinto ng makita kong madudulas si Hanna malapit sa akin. Mabilis ang kilos na hinapit ko ito sa baywang para hindi tuluyang matumba. Napasandal ito sa balikat ko. Nagulat ako sa nangyari dahil narin sa hindi ko inaasahang another katangahan nito.
Para akong napaso sa init na nanggagaling sa katawan nito kaya bigla kong inilayo ito sa akin.
Napatingin ito sa mukha ko. Nakita ko ang pagpatak ng tubig sa sahig mula sa katawan nito I mean sa basang damit nito.
"Balak mo din bang bahain ang buong bahay?" seryoso kong tanong. Napatingin naman ito sa sahig at nagmamadaling pumasok sa kwarto.
Napailing nalang ako. Naisip kong kailangan ko na yatang humanap ng kapalit nito dahil ngayon palang pinapakulo na nito ang dugo ko.
Hanna's P.O.V.
Inis na sinara ko ang pinto ng kwarto. Kahit kailan talaga wala nang mabuting katagang lumalabas sa bibig ng lalaking iyon. Kung hindi paninita pagpapahiya ang suking sabihin nito.
Kung hindi lang sana mahalaga sa akin ang trabahong ito baka ngayon palang nag-resign na ko. Pero hindi.. Kailangan kong magtiis para makabayad sa utang namin.. Kailangan kung maging matatag para sa pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...