Chapter 56

1.4K 31 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Binuksan ko ang pinto ng hindi kalakihang bahay gamit ang susing ibinigay ni Harold sa akin kanina. Binuksan ko kaagad ang switch ng ilaw na nasa tabi ng pintuan. Puti ang pintura ng bahay nito sa unang tungin palang masasabi mo nang malinis sa katawan ang taong nakatira dito. Siguro kung hindi ko nakilala si Dwight baka nahulog din ako kay Dok Harold.

Agad kong hinanap ang pusang sinasabi nito dahil gusto ko na kaagad makabalik ng ospital. Alas 6:00 na kasi iyon ng gabi at madilim na.

"Memeng nasaan kana... Meow.... Meow.." sabi ko habang hinahanap ang pusang tinutukoy nito ngunit mga sampong minuto ko nang tinatawag ang pusa na parang baliw ngunit wala parin akong nakita. Napansin ko rin na wala namang bakas doon na meron itong pusa. Kahit pagkain o balahibo nito wala akong makita.

Naisipan kong baka niloloko lang ako nito at pinagtritripan para gantihan ako sa ginawa ko. Aalis na sana ako nang bigla pa ako mapalundag sa pagkagulat ng makita ko si Harold na nakaharang mismo sa bukana ng pintuan.

"Oh akala ko may duty ka ngayon?" mahinahon kong sabi nang makabawi sa pagkagulat.

"Meron nga... Pero may kailangan ako dito ngayon." seryosong sabi nito

"Sana tenext mo ako para ako nalang yong kumuha..at siya nga pala bakit wala yata dito ang pusa mo?" sagot ko.

"Hahaha... Sa tingin mo ba ako ang taong gustong mag-alaga ng pusa sa bahay?" nakangising sabi nito habang unti-unting lumalapit sa gawi ko.

Doon na ako nakaramdam ng kaba pero hindi ko ipinahalata dito. Umatras ako hanggang naramdaman ko ang malamig na sementong sa likuran ko. Wala na akong mapuntahan dahil malapit na rin ito sa gawi ko kaya mas lalong bumilis ang kaba sa dibdib ko.

"A-anong ibig mong s-sabihin? So w-wala ka talagang alagang pusa?" paninigurado ko sa nanginginig na boses.

"Exactly... Kaya lang kita pinapunta dito dahil gusto kitang pagsawaan muna bago ka makuha ng bus*t na lalaking iyon." nakangisi parin ito na parang asong nauulol.

Napalunok ako ng sunod-sunod dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko sa tindi ng kaba.

"Walang hiya ka Harold.. pinagkatiwalaan pa naman kita." sigaw ko dito kahit takot pero sinubukan ko paring maging matapang.

Mas lalo pa itong lumapit sa akin Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat ko ng mahigpit at unti-unting nilapit ang mukha sa mukha ko ngunit iniiwas ko ang mukha ko dito kaya sinampal ako nito.

Napa-igik ako sa sakit dahil sa lakas ng pagkakasampal nito.


"Wag kanang pumalag.. Dahil maya-maya lang ay papaligayahin kita at baka nga hindi mo na gustohing bumalik sa lalaking kinababaliwan mo pag natikman na kita." parang demonyong sabi nito

"Kahit kailan hindi kita magugustohan.. Kahit patayin mo man ako ngayon hindi parin kita magugustohan." paasik kong sigaw sabay sinipa sa "ano" nito kaya napaigik ito sa sakit at nabitawan ako.

Agad naman akong tumakbo palayo dito ngunit sinundan parin ako nito kaya imbes na dumiritso sa pintuan palabas pumasok nalang ako sa banyo at nagkulong doon mas malapit kasi iyon kaysa sa pinto palabas.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon