Yesha's P.O.V.
Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng maikasal kami ni Dylan. Kasama ko ngayon ang kambal kong si Ayesha. Nasa mall kami dahil nagpapasama ito sa akin para bumili ng gift sa nalalapit na kaarawan ng nobyo nitong si Zyrus. Masaya ako para kay Ayesha dahil malaki ang ipinagbago nito mula ng maging sila ni Zyrus. Hindi na ito pumupunta ng bar o gumagala mag-isa kapag gabi.
Bigla akong napahawak sa hawakan ng escalator dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.
"Ok kalang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ayesha.
"Yeah.. Nahihilo lang ako." inalalayan ako nitong maupo muna pagkaakyat namin. Ngunit bigla nalang akong nawalan ng malay tao.
Ayesha's P.O.V.
Bigla akong nagpanic dahil bigla nalang hinimatay sa tabi ko si Yesha habang nakaupo kami. Agad akong nagpatulong sa isang mamang dumaan.
Dinala ko kaagad si Yesha sa ospital na malapit doon dahil natakot ako para dito.
Nanginginig ang kamay na tinawagan ko si Dylan ngunit nagriring lang ang cellphone nito. Nakatatlong tawag ako ngunit hindi parin nito sinasagot ang cellphone kaya tenext ko nalang ito.
Dylan's P.O.V.
Katatapos lang kaming mag-shooting ni Dwight. Tinuturuan kasi ako nito kung paano umasinta ng target. Nagpaalam kasi sa akin kanina ang asawa ko na sasamahan si Ayesha na magmall kaya niyaya ko din si Dwight na mag-insayo sa pagbaril kung saan ito magaling.
Kinuha ko kaagad ang cellphone kong nakapatong sa mesa. Napakunot ang noo ko nang makita na may 3 missed call si Ayesha. Bigla akong kinabahan kaya tinawagan ko kaagad ito. Agad namang sinagot nito ang tawag.
"Si Yesha kamusta?" nag-aalala kong tanong. Nakita kong napatingin sa akin si Dwight.
"Hindi ko pa alam.. Nasa loob pa siya tsenetsek ng doctor." sagot nito na puno nang pag-aalala nag boses.
Aalis sana ako para pumunta ng ospital nang pigilan ako ni Dwight.
"Ako na ang magdadrive." sabi nito habang nakatingin sa nanginginig kong kamay.
Kinakabahan kasi ako para kay Yesha kaya hindi din ako makapag-isip ng maayos. Binigay ko ang susi ng kotse kay Dwight. Hindi ako mapakali habang bumabyahe kami ni Dwight. Labis ang pag-aalala ko habang palapit kami ng ospital.
"Mauna kana ipapark ko lang ang sasakyan." sabi nito. Lumabas na agad ako at dumiritso sa loob.
Nakita ko kaagad si Yesha na kasama ni Ayesha. Sinalubong ko kaagad ito ng yakap ng mahigpit.
Hanna's P.O.V.
Pababa na ako para kumain nang mapansin ko ang isang pamilyar na babae habang yakap yakap ng isang gwapong lalaki. Nilapitan ko ito para kompermahin kong si Yesha nga ang nakita ko. Binitiwan na ito ng lalaki na pamilyar sa akin ang mukha hindi ko lang matandaan kong saan ko ito nakita.
"Yesha? Bakit ka nasa ospital." tanong ko dito. Tumingin naman ito sa akin at nagulat din ng makita ako.
"Dito ka nagtatrabaho?" tanong nito na di sinagot ang tanong ko. Halatang nagulat din ito nang makita ako.
"Yes.. Tatlong buwan na akong nagtatrabaho dito." sagot ko naman.
"Oo nga pala ito ang asawa ko si Dylan at kilala mo na yong kapatid kong si Ayesha." pakilala nito. Ngumiti naman ako sa asawa nito bilang pagbati.
"Nice meeting you." Sagot nito at binalingan ulit si Yesha. Puno nang pag-aalala ang nasa mukha nito kaya nasisiguro kong mahal na mahal nito ang asawa.
"Star anong resulta ? Bakit ka biglang hinimataya?"
"Oo nga Yesha.. Alam mo bang halos tumalon ang puso ko kanina sa sobrang takot dahil alam kong napakahealthy mo naman." Ayesha
Nakikinig lang ako sa mga ito. Hindi ko magawang magpaalam dahil gusto ko ding malaman kung bakit ito naospital.
"Moon.. We can start building our universe because I am 8 weeks pregnant."nakangiting sabi nito.
Nakita ko ang biglang pag ningning ng mga mata nito. Pati ang pagtulo ng luha ng lalaki sa tuwa na witness ko iyon. Nakaramdam din ako ng tuwa para dito. Ang kakambal nito ay nakita ko ding masaya para sa kapatid.
Bigla nitong binuhat ang asawa at inikot sa iri. Halatang tuwang-tuwa ito sa balitang iyon.
Dwight's P.O.V.
Pagkatapos mai-park ang sasakyan pumasok na agad ako sa ospital. Pasakay na sana ako ng escalator dahil nasa second floor daw ito ng ospital nang marinig ko ang ring ng cellphone ko. Hindi muna ako umakyat at sinagot iyon.
"Helo Dylan kamusta si Ye--"
"Magiging tito kana." masayang putol nito sa sinabi ko.
"What do you mean?" tanong ko na hindi agad nakuha ang sinabi nito.
"Buntis si Yesha... Wag kanang sumunod dito ihanda mo nalang ang sasakyan pababa na kami." masayang sabi nito.
Napangiti din ako. Masaya ako para sa dalawang taong malapit sa akin. Tumalikod ako sa escalator at bumalik sa labas para kunin ang sasakyan.
3rd person's P.O.V.
Habang kausap ni Dylan si Dwight sa phone nagpaalam na din si Hanna na bumaba. Isang oras lang kasi ang break niya at hindi pa siya nakakain.
Saktong pagtalikod ni Dwight sumakay din si Hanna ng escalator. Dumiritso si Dwight sa parking area at si Hanna ay dumiritso naman sa karenderya na malapit sa pinagtatrabahuan niyang ospital.
Ilang beses man silang muntik nang magkita... Ilang beses man silang pinaglalaruan ng tadhana darating din ang araw na muli rin silang pagtatagpuin.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...