Dwight's P.O.V.
Tatlong araw na lang at aalis na si Felicity. Ngunit hanggang ngayon wala pa rin akong nahahanap na kapalit nito. Naging busy kasi ako nang mga nakaraang araw dahil sa paghahanap namin kay Ayesha, ang twin sister ni Yesha na lihim kong nagugustohan.
Nakilala ko si Yesha sa boutique ni Dylan ang leader ng grupo namin at kaibigan ko. Doon kasi nagtatrabaho ang babae. Minsan tumutulong ako sa kanya para makita lang ito. Pero hindi ako nagkakalakas loob na mapalapit dito dahil alam kung interesado rito si Dylan kaya nakontento na akong tumitingin lang dito.
Napabuntong hininga ako nang maalala na naman ang iniindang problema. Kinuha ko ang laptop at nagpost sa social media na naghahanap ako ng isang live-in nurse na babae. Ito na lang ang naisip ko na madaling paraan para mabilis makahanap ng kapalit ni Felicity.
Ilang minuto pa lang na nagpost ako ay marami na agad ang nag-comment. Isa-isa akong nag-send ng message sa mga ito at in-interview.
Ngunit bigla akong nagsisi dahil dinagdagan lang ng mga ito ang init ng ulo ko. Ang iba kasi sa mga ito sa chat pa lang nagpapakita na ng ibang motibo. Ang iba naman mga matatanda na para sa trabahong iniaalok ko. Ang ilan naman sa mga ito ay nakikiusyoso lang. Ang malala pa ay nagpo-promote naman ang iba ng mga business nila.
E-ooff ko na sana ang laptop nang maagaw ng isang babae ang attention ko na nag-comment din sa post ko. Base sa profile picture na ginamit nito masasabi kong maganda ito. Maamo ang mukha at mahaba ang buhok. Kung tingin ang pagbabasehan masasabi ko na mapagkakatiwalaan ito. Nireplyan ko agad ito dahil mukhang matino naman ito.
"PM me," send.
Makalipas ang limang minuto hindi pa rin ito nagre-reply baka tinitimbang pa nito ang desisyon o ‘di kaya ay nagbago na ang isip nito. Isasarado ko na sana ulit ang laptop nang lumabas sa screen ang message nito.
Hanna's P.O.V.
Nagdesisyon na ako na mag-abroad dahil kapag nasa Pilipinas lang ako siguradong mas lalo lang kaming mababaon sa utang at mas malala pa baka tuluyan akong maging pambayad sa utang namin.
Nag-scroll ako sa cellphone ng mga offer na trabaho sa abroad. Karamihan sa mga naka-post doon ay dapat mayroon kang 1 year experience. Wala naman akong experience sa ospital, dahil dapat voluntary ang work at walang sahod kaya imbes na sa ospital sa mall na lang ako nagtrabaho dahil may kikitain pa ako kahit paano.
Hindi pa rin ako tumigil kahit iyon ang karamihan sa nababasa ko. Sobrang kailangan ko talaga ang trabaho kaya rapat ‘wag akong panghinaan ng loob.
Sa pagtuloy na paghahanap ay na-agaw ang atensyon ko sa isang post.
"I'm looking for a live in female nurse who will take good care of my sick grandmother. 35 thousand is the starting salary. If you are interested just comment down." iyon ang nakalagay sa post.
Ang mas nakakuha ng attention ko ay ang 35k na starting salary, salary. Malaki iyon para sa isang live-in job. Nagdalawang isip pa ako dahil baka scam iyon o ‘di kaya modus ng isang sindikato para makakuha lang ng mga babae.
Pero parang inaakit ako nang numerong 35. Malaking tulong na kasi sa akin iyon ‘pag nagkataon. Kaya sa kabila ng pagdadalawang-isip ko’y hindi ko rin napigil ang matinding pangangailangan ko.
"I'm interested." comment ko.
"PM me." tipid nitong reply.
Ini-open ko muna ang account nito para masigurong real account iyon. Puro shared post lang mga post nito about sa mga problema ng bansa at ilang mga news. Iyon lang ang nakikita ko sa mga post nito. Naisip ko na may pagka-weird ang lalaki kaya para lang nadagdagan ang pagdadalawang-isip ko.
Mayroon naman itong profile picture. Pinindot ko ang picture para mas matitigan ko ang mukha nito.
"Parang picture naman ito ng artista, sigurado bang ito ang nagmamay-ari ng mukhang ito?" bigla kong naisip na parang nahihirapan pa akong maniwala.
Napakagwapo kasi ng lalaki sa picture kaya mahirap paniwalaan. Kahit sa larawan alam kung makinis ang balat nito dahil walang filter ang larawan. Itim na itim ang singkit na mga mata nito na parang laging nagsusuot ng eyeliner sa mata. Matangos ang maliit na ilong nito na parang ipinagawa sa mahusay na doctor at ang mga mapupula at manipis na labi nito na tila nang-aakit sa akin na halikan iyon.
"Ano ka ba naman, Hanna, nanganganib na nga ang kinabukasan mo may panahon ka pang magpantasya." kastigo ko sa sarili.
Sinubukan kong i-PM ito dahil kailangan ko talaga ang trabahong iyon. Baka kasi legit naman at masasayang lang ang oportunidad na binigay sa akin.
"Hi, Im Hanna Faith 24 years old and I am interested to be your live in nurse." PM ko.
"How can I trust you?" napakunot pa ang noo ko sa reply nito. Ako dapat ang mag-iisip ng bagay na iyon pero ang nangyari ako pa yata ang hindi mapagkatitiwalaan.
"How can I trust you too?" balik tanong ko rito.
"Let's meet. If you want sa mall na lang dahil matao ang lugar na iyon para hindi mo ‘ko pag-iisipan na masamang tao." reply nito
Hala naabot siguro nito ang iniisip ko kaya ganoon ang chat nito.
"Okay let's meet. Send mo na lang sa akin kung saan at kailan." Ako.
"Magkita tayo bukas. Send ko na lang ang oras at exact time. Ayaw ko ng nalalate kaya come on time."
Aba parang suplado yata ‘to ah. Kung ‘di lang kita kailangan ngayon makakatikim ka sa akin.
"Okay, no problem." reply ko na lang.
Matapos makausap ito nagkaroon ako ng kaunting pag-asa. Malaking tulong para sa pamilya ko kapag nakapagtrabaho ako roon.
Pinilit kong matulog nang maaga ng gabing iyon para paghandaan ang pagkikita namin ng lalaki bukas.
Hindi ko pala naitanong ang name nito dahil knight lang ang nakalagay sa profile nito. Bukas na lang dahil iyon ang unang itatanong ko rito. Pero bakit bigla yata akong na-excite para bukas?
Dwight's P.O.V.
Alam ko na mayroong pagdadalawang-isip sa mga pinapasang message sa akin ng babaeng nagngangalang Hanna. Kaya naisip kong makipagkita muna rito ng personal na makilala at ma-interview ito.
Pagkatapos makipag-deal dito ay hindi muna pinatay ang laptop. Hinalungkat ko muna ang mga post nito. Nang makakuha ng sapat na impormasyon about sa babae.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...