Chapter 21

1.8K 52 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Kinabukasan maaga palang ay nandoon na si Dwight kasama ang sampong mga kalalakihan na nakasuot lahat ng itim na jacket. Tapos may logo na nakalagay sa mga jacket nito na parang "NIS" yata. Hindi ko alam ang ibig sabihin non kaya hindi ko nalang pinansin.

Mas lalo tuloy akong nagtaka kong ano totoong trabaho nito. Kung anong klaseng tao si Dwight.

Kinausap kami ni Dwight sa loob ng kwarto kung saan nakaconfine si tatay. Sakto kasing nasa labas ako kanina kaya nakita ko agad ang mga kasama nito.

"Meron po akong mga kasama sa labas na magbabantay at proprotekta sa inyo sakaling may gusto manggulo ulit sa inyo." sabi ni Dwight ngunit kay tatay nakatingin.

"Maraming salamat iho.. Hindi ko alam kung paano namin mapapalitan ang lahat ng nagawa mo sa pamilya ko" madamdaming sabi ni tatay kahit parang marami itong katanungan sa isip.

"Walang ano man po iyon... Isa si Hanna sa nagtatrabaho sa akin kaya bilang amo niya kailangan ko ding masiguro ang kaligtasan niya at ng pamilya niya."-Dwight

"Napakabuti mo.. Salamat talaga." sabi ni tatay na parang naiiyak na.

Tahimik na nagmamasid lang ako sa mga nangyayari. Pagkatapos ng usapan ay pinayagan na din ng doctor na makalabas si tatay dahil wala naman daw itong natamong delikadong injury sa pagkakabugbug nito. Tanging mga pasa lang ang nakuha nito na unti-unti na ding nawawala.


Paglabas namin ay nandoon na sa labas ang mga lalaking nakita ko kanina. Nakatayo ang ilan sa kanila sa dalawang itim na van na nakahilira sa labas ng ospital.

Matapos ang maladramang pagpapaalam ay umalis din ang pamilya ko sakay ng van na iyon. Habang ako ay nakatayo parin at malungkot na pinapanood ang unti-unting paglayo ng sasakyan ng mga ito. Biglang pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilang wag umalpas sa mga mata ko. Bigla akong napaiyak habang pinapanood ang unti-unting paglayo nila. Iyon ang unang beses na umalis ang mga ito na hindi ako kasama kaya nalungkot talaga ako ng sobra.

Inabotan ako ng panyo ni Dwight. Napatingin ako dito kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha. Tinanggap ko naman ang panyo at pinampunas sa sipon at luha ko.

May ilang minuto din siguro kaming nanatili roon. Nang medyo kumalma na ako niyaya ako ni Dwight na umalis na agad.

Nagpatiuna ito sa paglalakad habang ako ay nakasunod dito. Huminto ito sa isang big bike na nakapark sa parking lot ng hospital.

"Dyan tayo sasakay?" gulat kung sabi. Sa tanang buhay ko never pa akong nakasakay ng motor bukod kasi sa nakakatakot iyon pakiramdam ko napakadelikado din iyong sakyan.

Biglang kumunot ang noo nito sa pagkagulat ko.

"Hanna sa pagkakaalam ko sa motor tayo sasakay hindi sa kabayo." seryosong sabi nito ng hunarap ito.

"Ah..eh.. N-natatakot kasi akong sumakay sa motor." kinakabahan kong sabi. Napalunok pa nga ako ng laway.

"I told you I will protect you. Mauuna muna akong mamamatay bago ka masaktan sa pagsakay sa motor ko." bigla akong napanatag sa sinabi nito.

Bakit ba parang napakasweet yata pakinggan ng sinabi nito? Napatitig ako sa seryosong mukha nito. Hanggang sa lagyan ako nito ng helmet sa ulo. Isinuot din nito ang isa pang helmet tiyaka sumampa roon. Nilingon ako nito ng hindi parin ako gumagalaw.

"Sumakay kana kung ayaw mong buhatin pa kita." pagbabanta nito. Kaya kahit nag-aalangan sumakay parin ako sa likod nito.

"You should hold me kung ayaw mong mahulog." sabi nito.

Gusto kong itama ang sinabi nito na baka mahulog ako rito kung kakapit ako. Nang di ko magawang igalaw ang mga kamay para kumapit. Kinuha nito ang mga kamay ko at iniyakap sa baywang nito. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan pa ba ako sa takot? O baka tumitibok na ang puso ko para dito? Baka nahulog na nga talaga ako.

Bigla nitong pinaharorot ang motor kaya bigla din akong napasigaw.

"Relax Hanna.. Kumapit ka lang nang mahigpit at ipikit ang mga mata mo kung natatakot ka." sabi nito habang nagdadrive.

Kumapit nga ako ng mahigpit dito at pinikit ang mga mata ko. Sa ginawa kong iyon mas lalo kong naramdaman ang init ng malalapad na likod nito. Nagsimula akong mag-imagine nang mga bagay kasama ito kaya hindi ko namalayang nakabalik na kami ng bahay.

"We' re here.. bababa kapa ba O gusto mong matulog nalang sa likod ko?" tanong nito ng di parin ako gumagalaw. Mabilis akong kumalas sa pagkakayapos dito.

"S-salamat." sabi ko sabay talikod dito. Bigla kasi akong nakaramdam ng hiya dahil baka iniisip nito na nagugustohan ko ang pakiramdam na nasa likuran nito which is true naman.

Sa totoo lang habang nasa byahe kanina..hindi na ako nakaramdam ng takot. Pakiramdam ko kasi parang napaka-safe ko ng panahong iyon. Hayy parang inlove na yata ako kay Dwight.. ano na ang gagawin ko?

Dwight's P.O.V.

Habang nagdadrive ako ng motor kanina. Ang babae na nasa likod ko lang ang laman ng isip ko. Bakit ba pakiramdam ko obligasyon kung proteksyonan ito? Hindi ko ugaling makialam sa problema ng iba pero dahil kay Hanna kusa kong isinuong ang sarili ko sa panganib. Ako ang nagsali ng sarili ko sa problema ng mga ito na hindi ko naman ginagawa dati.

Dati naman kasing wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko ngunit nagbago ang lahat ng dumating sa buhay ko si Hanna.

Nasa bahay na kami ngayon. Pinapanood ko si Hanna na naglalakad papasok ng bahay.

"Hannaaaa." tawag ko dito nang may 10 metro na ang agwat namin. Lumingon ito agad pagkatawag ko dito.

"Magpahinga ka muna ng isang linggo. I know you need it dahil sa mga nangyari sayo." sabi ko.

"Pano si lola?" tanong nito.

"Tita will take care of her for now so don't worry." sabi ko. Nakita ko ang paguhit ng ngiti sa labi nito. Bigla nalang itong tumakbo pabalik sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Wag ka sana masyadong mabait sa akin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla nalang kitang pikutin." bulong nito sa tenga ko.

Para akong kinikiliti sa tenga  dahil sa hangin na nagmumula sa bibig nito. Ramdam ko rin ang init ng yakap nito at ang sinabi nito ay parang musika sa pandinig ko. Kumalas ito para unalis na sana ngunit mabilis kong pinigilan ang kamay nito. Marahang hinila ko ito pabalik sa katawan ko tiyaka mabilis itong hinalikan sa labi. Mabilis lang ang halik na iyon pero nakapagbibigay iyon ng milyon-milyong bultahe ng kuryente sa buo kong katawan

"Wag mokong pagbantaang pikutin dahil baka di mo kayanin." - bulong ko sa tenga nito.

Nakita ko ang pamumula ng mga pesngi nito nito nang tuluyan ko itong bitawan.

Nakangiting iniwa ko doon ang  nakatulalang babae. Alam kong na apektohan ito sa ginawa ko rito.


Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon