Chapter 51

1.5K 37 0
                                    

Dylan's P.O.V.

Umuwi na kami agad dahil buntis si Yesha kaya hindi siya pweding magbantay at mapagod sa ospital kaya si Ayesha ang naiwan doon.

"Star?"

"Hmmm." lumingon ito sa akin.

"Ano yong kanina?"

"Anong kanina?" pagmaang-maangan nito

"Sinabi na nang doctor na ok na si Dwight kaya bakit niya pa kailangan magstay sa ospital ng ganon katagal?" paliwanag ko.

Nakita ko ang isang pilyong ngiting mabilis na sumilay sa mga labi nito kaya mas lalo akong napaisip.

"Gusto ko lang masiguro na wala nga siyang tinamong ibang sugat. As his sister syempre nag-aalala lang ako." paliwanag nito pero hindi ako naniwala dahil pakiramdam ko may ibang dahilan.

"Wag kang masyadong mag-alala kay Dwight.. Kahit tama ng bala siya ang kumukuha sa sarili nitong katawan. Kaya ang nangyaring ito wala pa yan sa mga dinaranas nya. Malakas si Dwight at mabilis lang yan gumaling." sabi ko nalang.

"Alam ko naman yan moon.. May iba akong dahilan." sabi nito sabay ngiti.

"My star...Pwedi mo bang sabihin sa akin ang dahilan?" paglalambing ko hindi ko kasi kayang basahin ang isip nito

"Nakita mo ba yong nurse kanina? May nararamdaman akong something sa kanila kanina eh..parang naiilang sila pareho" sabi nito.

"She likes Dwight... I think love yong nababasa ko sa mga mata ng babae." sabi ko habang nagdadrive.

"Talaga? Oo nga pala nakakabasa ka ng isip.. Hmmm sabi ko na nga bang my something talaga." masaya nitong sabi. Napangiti na rin ako sa reaksiyon nito. So iyon pala ang dahilan.

Dwight's P.O.V.

Nakahiga ako sa hospital bed at malalim ang iniisip dahil sa pagkikita namin muli ni Hanna.

Hindi ako pweding magtagal dito. Kailangan kong makaalis agad bago ko pa makalimutang muntik na itong mapahamak noon ng dahil sa akin.

Pero pinatagal ni Yesha ang pananatili ko sa ospital. Ayaw ko namang sumama ang loob nito sa akin dahil buntis ito. Kaya mapipilitan akong magstay muna dito kahit gustong-gusto ko na makaalis agad para iwasan si Hanna.

Si Ayesha ang naiwan dito. Busy ito sa kakascroll ng cellphone nito.

"Aye.. Pwedi ka nang umuwi kaya ko naman mag-isa dito isa pa may trabaho ka pa."

Tumigil ito sa pagtingin sa cellphone at binalingan ako.

"Ok lang kuya nagpaalam naman ako kay Zyrus kaya ok lang na umabsent." sagot nito.

"Pero mamayang gabi umuwi ka para makatulog at makapagpahinga ka ng maayos." Utos ko dito.

"Yes kuya..sabi ni Yesha umuwi daw ako sa gabi dahil walang kasama sa bahay si mommy kaya aalis ako mamayang alas 6:00 ng hapon." sagot nito.

Tulad ng sinabi nito umalis nga ito pagkaalas 6:00 ng gabi. Naiwan akong mag-isa doon habang nagbabasa ng librong iniwan kanina ni Dylan para may mabasa ako.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon