Chapter 50

1.6K 31 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Pagod na ibinagsak ko ang sarili sa higaan. Hindi parin ako makapaniwala na sa tagal kong naghintay at naghanap ngayon nakita ko na rin si Dwight. Hindi ako galit dito. Kahit kailan hindi ako nagalit dito dahil alam kong meron itong itinatago. Siguro sinisi nito ang sarili dahil nabaril ako dahil sa kanya. Tulad ng ginawa nitong paninisi sa sarili nang nawala si Lola. Iyon lang naman ang naisip kong dahilan.

Bigla akong nalungkot nang maalala si lola. Parang kailan lang noong nasa bahay pa ako ni Dwight habang inaalagaan ko ang grandma nito.

"Hayyyy."

"Oh..anong nangyari bakit ang lalim yata ng buntong hininga mo ate?" tanong ni Izzy na saktong kapapasok lang ng kwarto.

"Wala ka bang pasok ? Bakit nandito kapa?" tanong ko

"Wala kaming pasok ngayon my activities sa school pero tinatamad akong pumunta." sagot nito habang nakatayo parin sa tabi ng pinto.

"Ahm Izzy... Siya nga pala may alam ka ba kung paano mang-akit ng lalaki?" bigla itong umupo sa tabi ko. Inayos ko na rin ang sarili ko mula sa pagkakahiga at naupo sa tabi nito.

"Ate nakita muna ba si Dwight?" pabulong na sabi nito. Tumango ako. Ikinuwento ko dito kung paano kami nagkita ulit ni Dwight.

"Ate pikotin mo kaya si Kuya Dwight o di kaya pwersahin mong gahasain." Izzy

"Wow Izzy..hindi ba masyadong brutal naman yon?" ako

"Hmmm... O di kaya gayumahin mo?" Izzy

"Hmm baka hindi umipikto sa sungit non at hindi ako naniniwala jan no." ako

"Hindi kaya pagselosin mo... Dati naman gusto ka non at baka gusto ka parin non ngayon...sabi kasi nila marerealize mo na hindi mo kayang mawala sayo ang isang tao kapag nakita mo siyang masaya sa iba." paliwanag nito.

Napaisip ako sa sinabi nito. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.

"Sa tingin ko nga nagseselos siya sa doctor na nanliligaw sa akin sa ospital." sagot ko

"Talaga? Ano ba ang nangyari at nasabi mo yan ate?" izzy

Sinabi ko dito ang nangyari at nakita kong napaisip din ito.

"Bakit hindi mo kaya gamitin si doc Harold para pagselosin si Dwight?" sabi nito

"Parang unfair naman yata yon kay Harold.. Hindi ko yata kayang gawin." ako

"Oo alam kong unfair yon sa doctor pero mamili ka ate.. Konsensya o ang kaligayahan mo?" napaisip ako sa sinabi nito. Siguro maiintindihan naman ni Harold kung gagamitin ko ito. Hihingi nalang ako ng tawad dito kapag ok na.

Matapos kong makausapa ng kapatid natulog muna ako. Tyaka nalang ako kakain pagkagising ko mamaya.

Estifany's P.O.V.

Inaayos ko ang mga damit na wala sa tamang ayos dahil sa pamimili ng ilang customer. Sa nakalipas na apat na buwan lagi ko nalang iniisip si Jason. Lagi kong inaabangan baka bigla nalang ito babalik doon para bumili ng damit kahit alam kong malabong mangyari iyon dahil nasa Amerika na ito.

Bakit ba nalulungkot ako ngayon e dati naman naiinis ako sa taong iyon. Bakit ba hinahanaphanap ko ang presensiya nito samantalang dati tinataboy ko ito palayo. Nababaliw na yata ako at sa tingin ko dapat na siguro ako magpakonsulta sa psychologist para matigil na itong kabaliwan ko.

"Crushhhh!" bakit naririnig ko ngayon ang boses nito? Sa sobrang pag-iisip ko dito pati boses nito naririnig ko na.

"Hoyy...crushhh" narinig ko ulit ang pagtawag nito. Talagang namimiss ko na yata ang mokong na yon.

Jason's P.O.V.

Apat na buwan din akong namalagi sa Amerika. Sa apat na araw na iyon aaminin kong namiss ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Nag-aayos ito ng mga damit pero bakit napakalungkot yata ng mukha nito.

Tinawag ko ito ngunit parang hindi ako nito naririnig. Hindi man lang kasi ito gumalaw mula sa kinatatayuan o nagtaas ng mukha kaya tinawag ko ito ulit ngunit ganon parin.

Lumapit nalang ako palapit dito at tumayo sa harapan nito.

"Hi Crush." nakangiti kong sabi. Unti-unti naman itong nagtaas ng paningin hanggang tumigil ang mga mata nito sa mukha ko.

Walang salitang nagmula dito. She just keep on staring in my face. Parang hindi ito makapaniwalang nasa harapan ako nito.

"Crush ? Ok kalang ba?" tanong ko. Doon palang yata ito kumurap at pinagpapalo ako sa dibdib.

"Bakit ngayon kalang bumalik dito? Alam mo bang nakakainis ka?" nakita kong may bumalong na luha sa mga mata nito. Nakaramdam ako ng tuwa ng dahil doon dahil ibig sabihin hinihintay ako nito lagi. Pinigilan ko ang mga kamay nito at hinawakan iyon ng mahigpit tyaka kinabig ito ng yakap.

"I'm sorry kung hindi ko nagawang magpaalam sayo.. Biglaan kasi ang alis ko dahil na rin sa biglaang pagkawala ni granda.. But now I'm here.. I'm sorry kung natagalan man bago ako makabalik dahil inayos ko pa ang mga papers ko para dito na ako manirahan sa Pilipinas for good." paliwanag ko dito habang yakap-yakap parin ito.

Nagbitiw ito sa pagkakayakap ko at tumingin sa mukha ko.

"Ibig mong sabihin hindi kana aalis at babalik ng Amerika dahil dito kana titira?" tumango ako sa tanong nito.

"Bakit namiss mo ba ako noong wala ako?" panunukso ko dito.

"Asa ka... Masaya nga ako dahil walang nanggugulo sa akin no." sagot nito sabay layo ngunit kinabig ko ulit ito palapit at niyakap ng mahigpit.

"Pero namiss kita.. Ikaw lang ang laman ng isip ko habang nasa Amerika ako." madamdamin kong sabi habang yakap ito.

Naramdaman ko ang pagganti ng yakap nito kaya lihim akong napangiti.

"Tama ka nalungkot ako nang hindi kana dumalaw at.." pag-amin nito

"At ano?" ako

"At namiss din kita." nahihiyang sabi nito.

Binitiwan ko ito mula sa pagkakayakap at hinarap sa akin.

"Talaga Crush namiss mo din ako? So payag kana bang ligawan ko?" ako

"Hmm well... Baka sumuko kalang sa huli kapag nahirapan kana sa panliligaw" sabi nito

"Alam mo bang mas mahirap ang hindi kita kasama? Kaya kahit anong hirap man yang sinasabi mo kakayanin ko wag kalang lumayo sa akin dahil iyon ang sa tingin kong hindi ko kakayanin." nakita ko ang pasempling ngiti nito. Kinilig ba ito? Lihim ding natuwa ang puso ko dahil doon.

Sabay na kaming nananghalian nito dahil hinintay ko na rin ang breaktime nito. Hindi na ito masungit o naiinis sa akin tulad noon. Sa tingin ko hinahayaan na nitong mapalapit ako sa kanya.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon