Dylan's P.O.V.
Pagkatapos marinig ang "yes" nito dumiritso agad kami sa bahay nina Yesha. Hindi na ako makapag-antay na ibalita kay tita Karla ang tungkol sa proposal ko sa anak nito.
Magkahawak kamay kami ni Yesha habang papasok sa bahay.
"So wala ka nga talagang balak umuwi?" nagulat ako dahil si Ate Lauren ang bumungad sa akin.
"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko dito.
"Kay tita karla syempre" sagot nito
"So magkakilala kayo?" ako
"Exactly,.. At utang mo sa amin kung bakit hawak mo na ngayon ang kamay ni Yesha...kaya brother wag mona ulit bibitawan ang kamay ni Yesha ok? "Lauren
"Wait.. So ibig sabihin magkasabwat kayo ni tita Karla para magkabalikan lang kami ni yesha? So it mean plinano niyo lahat ng ito pati na ang pagtira ko dito?" naguguluhan kong tanong.
"Exactly my broth----" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil niyakap ko na ito ng mahigpit.
"Thank you Lauren... Utang ko sayo ang kaligayahan ko" bulong ko dito.
Nang kumalas ako ng yakap lumapit ito kay Yesha at kinuha ang mga kamay nito. Napatitig ito sa singsing na binigay ko bilang engagement ring kay Yesha at napangiti.
"Plz take good care of my brother... Kahit batang isip yan, magulong kausap, at may pagkaabnormal minsan sana intimdihin mo lang siya lagi dahil nasisiguro kong mahal ka niya" sabi nito.
"Teka ate baka umatras si Yesha.. Hindi pa nga kami ikinakasal sinisiraan mona ako agad" awat ko dito. Ikinatawa naman iyon ni Yesha.
"Don't worry my moon.. Hindi paninira iyon dahil matagal ko nang alam iyon. But I'm still love you for what you are.. At nakahanda parin kitang pakasalan" wew bakit kinilig yata ako sa sinabing iyon ni Yesha.
"Tama na munang lambingan yan..Dylan pwedi ka nang umuwi sa bahay" Lauren
"Ate dito nalang ako.. " tanggi ko
"Brod hindi pa kayo kasal ni Yesha kay maghintay ka munang maikasal kayo ok? "Lauren
"Moon it's alright...Maybe kailangan mo monang umuwi sa inyo. Kailangan mong malaan mona ng oras sa kapatid mo dahil kapag ikinasal na tayo ako na ang lagi mong makakasama" Yesha
Gusto ko pa sana magprotesta pero naisip kong may point si Yesha. Baka namimiss ako ni Ate kaya gusto nitong umuwi mona ako.
Nagpaalam na ako kina Yesha, ayesha at mommy nito. Babalik nalang ako bukas para pormal na magpaalam sa mommy nito na pakakasalan ko na si Yesha.
Madilim na nang dumating kami sa bahay. Namiss ko din ang bahay namin. Kapag umalis na ako doon si Ate nalang ang matitira at alam kung malulungkot ito.
Matapos mailagay ang gamit sa kwarto ko. Naisipan kong bisitahin ang kwarto ni mommy. Mula ng umalis ito hindi na ako ulit pumasok doon. Pero ngayong natuto na akong magmahal unti-unti ko na itong naiintindihan.
Inilibot ko ang mga mata sa buong paligid. Malinis parin iyon dahil lagi naman iyong nililinis nang mga katulong. Ilang minuto din akong nag masid doon nang magdisisyon akong lumabas ngunit may biglang nahagilap ang mga mata ko. Nilapitan ko iyo. Isa iyong fingurin na kabayo. Nakalakod kasi iyon kaya sinubukan kung iharap. Ngunit nagulat ako nang may isang pintoang nagbukas. Meron palang secret room sa loob ng kwartong iyon. Pumasok ako sa loob at sumalubong sa akin ang mga collection nitong baril. Isa din itong agent kaya normal lang na maron itong ganon.
Napansin kong merong librong nakapatong sa maliit na mesa na nandoon. Kinuha ko iyon at tiningnan. Isa iyong Diary, kay mommy iyon. Bigla akong nacurios at binuksan iyon. Umupo muna ako sa upuan at binuksan ang ilaw.
June 05, 1991,
Unang beses kung nakilala si Alberto. Hindi ako naniniwala sa love ngunit nang unang magtama ang mg mata namin doon ako naniwala that love truely exist.
December 3, 1991,
Nagtapat si Alberto ng pag-ibig sa akin. Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.
February 14, 1992,
Araw iyon ng mga puso..iyon din ang araw na sinagot ko si Alberto.
April 11, 1992,
Subrang lungkot ko nang araw na ito dahil nalaman kung ipinakasundo akong ipakasal ni papa sa Director ng NIS na pinagtatrabahuan ko. May mahal akong iba at ito lang ang gusto kung pakasalan.
June 8, 1992
May nangyari sa amin ni Alberto at hinding-hindi ko pagsisihan ang bagay na iyon.
August 13, 1992,
Balak kung magpakamatay nang araw na ito dahil ayokong maikasal sa iba ngunit nalaman kong dinadala ko ang anak namin ni Alberto.
Napatigil ako sa pagbabasa dahil sa rebelasyong bigla kung nalaman. Isa lang ang ibig sabihin nito. Meron kaming nakatagong kapatid ni Yesha. Pero sino?
Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.
February 14, 1993,
Ipinanganak ko ang isang malusog na batang lalaki. Hindi alam ni alberto na may anak kami dahil lumayo ako at nagtago. Dwight Zane iyon ang pangalang gusto king itawag dito.
Nabitawan ko ang Diary ni Mommy. Dwight Zane? Si Dwight ba na kaibigan ko ang tinutukoy nito? Napatingin ako sa diary. May larawang nakausli doon.
Nang tingnan ko larawan iyon ni mommy habang kalong ang isang sanggol na lalaki.
Kailangan kong makumperma ang bagay na ito. Kailangan kong makakuha ng DNA sample ni Dwight para masiguro kung ito nga ang kapatid kong tinutukoy ni mommy sa Diary nito.Bigla akong nanghina sa mga nalaman. Kahit sa panaginip hindi ko inisip na meron pa akong kapatid. At kapatid pa namin ni Yesha.
Narinig kong tinatawag ako ni ate mula sa labas kaya ibinalik ko ang diary doon ngunit kinuha ko ang larawan at inilagay sa bulsa ng pantalon ko. Sinirado ko din ulit ang secret room na iyon bago lumabas.
Gusto ko monang makonperma ang bagay na ito bago ito sabihin kay ate at Yesha. At kung si Dwight nga ang totoong kapatid ko sa tingin ko meron siyang karapatang malaman din ito.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...