Chapter 43

1.5K 32 0
                                    

Dylan's P.O.V.

Nasa isang mamahaling restaurant kami ngayon ni Yesha. Nagpareserve na ako dito kanina kaya dito na kami dumiritso ni Yesha pagkatapos ng celebrasyon sa birthday ni Dwight.

"Star... Pasensya kana hindi ko napaghandaan ang date natin na-excite kasi akong ipaalam kay Dwight na kapatid natin siya." paumanhin ko dito.

Ngumiti naman ito. "Ano ka ba, ok lang iyon basta ngayong araw masaya ako dahil nakita kong masaya din si Kuya Dwight nang malaman niyang kapatid natin siya"

"Parang kailan lang nang una siyang pumasok sa cute knight.. Pero ngayon nalaman ko nalang na kadugo ko pala siya." ako

"Hindi kana ba galit ngayon sa mommy mo?" napatitig ako dito dahil sa tanong na iyon. Muli kinapa ko ang puso ko.

"No.. I don't hate her anymore. Perhaps naiintindihan ko na siya. Mula nang nagkalayo tayo noon alam mo bang napakahirap ng mga panahong iyon? Then naisip ko si mommy.. Sabi ko sa sarili ko ito din ba ang naramdaman ni mommy nang nagkalayo sila ng daddy mo? Tapos doon ko siya napatawad coz i know how hard na ang taong mahal mo hindi mo makakasama." paliwanag ko.

Biglang tumayo si Yesha at niyakap ako.

"At masaya akong bumalik ka. Na binalikan mo ako." sabi nito.

"Yeah..Because I can't live without you." Gumanti ako ng yakap dito.

Pagkatapos naming kumain inihatid ko an si Yesha sa bahay ng mga ito para makapagpahinga na. Marami pa kasi kaming pupuntahang para sa paghahanda ng nalalapit naming kasal. Apat na buwan na lang magiging asawa ko na si Yesha. At excited na akong mangyari ang bagay na iyon.

Zyrus's P.O.V.

Pagkaalis nina Yesha at Dylan niyaya ko din si Ayesha na lumabas na agad naman itong pumayag. Dinala ko ito sa Internet cafe.

"Anong gagawin natin dito? Bakit tayo ng nandito?" takang tanong nito habang nakatayo kami sa loob ng cafe. Ilang buwan na din itong nagtatrabaho doon kaya marami na din kaming pinagsamahan nito. Nakilala ko pa ito ng husto at mas lalong minahal.

"Pumasok ka sa loob." utos ko dito na sinunod naman nito.

Ako na ang nagbukas ng pinto at deritsong pumasok ito sa loob. Nakita ko ang pagkamangha sa mukha nito nang makita ang mga larawan nitong nakatali sa rebon at nakalambitin sa buong cafe.

Pinaghirapan ko pang e-hack ang cctv ng mga lugar na pabutitong puntahan para may makuha lang akong larawan nito. Iyon ang mga larawang kuha ko mula dito.

"Stalker ba kita? Bakit meron kang mga ganitong kuha?" tanong nito sa kabila ng pagkamangha. Nginitian ko lang ito at pasimpleng pinindot ang projector na nasa bandang gilid ko.

Biglang bumukas ang video sa harapan nito na matagal ko nang pinaghandaan.

"Hi Ayesha... Before anything else I wanna greet you happy valentines day. Dito sa loob ng cafe ko noong una kitang makita. You are so beautiful thats make my heart flatter. You have those pair of eyes na hindi ko kayang tingnan dahil naiilang akong mabasa mo ang nasa loob ko. Pero ngayon nakahandq na akong ipagtapat sayo ang totoong nararamdaman ko....

Namatay ang video at ipinagpatuloy ko iyon.

"Mahal kita Ayesha matagal na." bigla itong lumingon sa akin. Nakita ko sa mga mata nito ang pagkislap ng luha. Nilapitan ko ito at pinunasan ng kamay ko ang mga luhang iyon. Ngunit bigla nalang akong niyakap nito ng mahigpit.

"And I love you too." bulong nito. Bigla akong napaluha sa sinabi nito. Ginantihan ko ito ng yakap dahil sa sayang nararamdaman ko.

Ilang minuto din kaming nasa ganong ayos nang magbitaw kami sa isa't isa.

"Totoo bang mahal mo rin ako?" paniniguro ko dito.

"Mukha ba akong nagbibiro?" nakangiting sabi nito.

"Hindi lang ako makapaniwa--" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil bigla nalang ako nitong siniil ng halik. It was may first kiss kahit lalaki ako. Wala naman kasi akong hilig sa babae until I meet her.

Ginantihan ko ang halik nito hanggang sa sabay kaming naghabol ng hininga. Parang uhaw na uhaw kaming hinalikan ulit ang isa't isa.

Kumain mona kami ni Ayesha dahil naghanda din ako ng dinner namin bago ko ito inihatid sa kanila.

Dwight's P.O.V.

Nagising ako na mag-isa nalang sa boutique ni Dylan. Umalis na sina Liam at Clark. Bumangon na ako at dumiritso sa loob ng cr para maghilamos at magmumug. Paglabas ko nandoon na si Dylan.

"Nandito ka pa pala." nakangiting bati nito. Ngumiti ako dito na ikitulala naman nito.

"Paalis na rin ako." sagot ko.

"Dwight.. You have her smile. Ngayon ko lang nakitang pareho kayo ng ngiti ni mommy." sabi nito.

"Yeahh.. " Ako

"Siguro mom loves you so much dahil marami kang nakuha sa kanya." nababakas ko ang inggit sa boses nito.

"I don't know.. But your lucky dahil nakasama mo siya ng matagal." sagot ko.

"Yeah..your right. " pag-agree nito.

"Oo nga pala Dj meron akong gustong hilingin sayo." tumingin ito sa akin.

"Ano yon?"

"Pwedi bang itago nalang natin ang relationship na meron tayo at nang kambal?" hiling ko.

Kumunot ang noo nito.

"Why?"

"I'm afraid." ako

"What do you mean?"

"Alam mong may kanya-kanya din tayong misyon.. And alam mong marami akong kalaban at hindi ko kayang mapahamak ang kambal dahil nalaman ng kalaban ko na isa sila sa kahinaan ko." paliwanag ko.

Natigilan ito saglit. Maybe na realize nitong may point ako.

"Yeah your right."

"Alam kong ang safety ni Yesha ang first priority mo. " ako

"Tama ka..pero hindi mo naman siguro ilalayo ang sarili mo sa amin?" tanong nito.

"No..ang relationship natin ang kailangam mong itagao.. Pero hindi ko ipagkakait ang sarili ko sa inyo ng kambal magbobonding parin tayong apat.. Gusto kong mabawi lahat ng oras na nasayang na dapat magkasama tayo." sabi ko.

Niyakap ako nito na ginantihan ko naman ng tapik sa balikat nito.

"Thanks bro."

"Salamat din dahil tinanggap niyo ako."

Nabawasan kahit papano ang sakit sa puso ko dahil sa nangyayaring iyon hanggang makauwi ako sa condo. Susubukan kong magsimula ulit at maging mas matatag pa sa bago kung pamilya.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon