Chapter 44

1.5K 35 0
                                    

Yesha's P.O.V.

Isang buwan nalang ikakasal kami ni Dylan. Nang araw na iyon sinamahan ko si kuya Dwight sa mall para bumili ng sapatos nito na gagamitin nito sa kasal ko. Sa nakalipas na tatlong taon naging close pa kami nito. Although ayaw nito ipaalam sa iba na magkapatid kami hindi naman nito nilayo ang sarili sa amin ni Ayesha.

Nakaupo ako sa labas ng shop habang hinihintay si Kuya Dwight. Ayaw nitong samahan ko ito sa loob dahil napagkakamalan daw na mag-bf kami kaya siya nalang daw. Kakapasok lang ito nang lumabas naman doon ang isang pamilyar na babae.

"Hi.. Hanna right?" tanong ko dito. Nagulat naman ito nang makita ako.

"Ikaw yong may kambal diba?" nakangiting tanong nito kahit halatang nagulat din.

"Yes.. Bumili ka din ng shoes?" tanong ko.

"Oo magsisimula na kasi akong magtrabaho sa ospital bukas kaya kailangan ko ng puting sapatos." sabi nito.

"Doctor ka?" tanong ko

"Ay hindi.. Nurse ako. Ano palang ginagawa mo rito sa labas?" tanong nito.

"Ahh..hinihintay ko lang ang kapatid ko bumuli din kasi ng sapatos para sa kasal ko." sagot ko.

"Wow ikakasal kana pala...congratz sayo." masayang bati nito. Iwan ko ba pero feeling ko matagal na kaming magkakilala nito.

"Salamat.. Gusto mo bang mameet ang kapatid ko?" tanong ko parang bagay kasi ang mga ito kaya baka palang magustohan ito ni kuya.

"Wag na nakakahiya naman... Isa pa nagmamadali ako dahil walang magbabantay sa canteen namin dahil umalis ang mga magulang ko saglit." sabi nito

"Ahh..sige ingat ka nalang." sabi ko

"Sige nice meeting you ulit..bye!" paalam nito.

Nang makaalis ito lumabas naman si Kuya Dwight. Tumayo agad ako at kumapit sa bisig nito.

"Nabored kaba dito?" tanong nito.

"Nope.. May nakita kasi akong kakilala na bumili din ng sapatos kaya nalibang din ako. Sayang di mo naabutan ipapakilala pa sana kita." sabi ko.

"Ikaw talaga.. Nagsimula ka namang mangreto ng mga babaeng kakilala mo." sabi nito na ikinatawa ko.

Hanna's P.O.V.

Tatlong buwan na ang lumipas ngunit hindi ko parin nakikita si Dwight. Hindi parin ito umuuwi sa kanila at maging si Jason ay wala ding balita dito. Gusto ko nang sumuko dahil sa kawalan ng pag-asa. Ngunit sa tuwing naalala ko ang lungkot sa mga mata nito nang huli ko itong makita bumabalik agad ang pagnanais kong mahanap ito.

Sa nakalipas na mga buwan nagsimula na din akong mag-apply sa mga ospital habang naghihintay kay Dwight. Naniniwala parin ako na isang araw babalik ito.

Nang nakaraang linggo nagulat nalang ako nang makatanggap nang tawag sa isang ospital na pinag-applyan ko. Halos mapalundag pa ako sa tuwa nang marinig mula dito na tanggap na ako.

Bukas na ang unang araw ko sa trabaho. Nakabili na ako ng uniform na maisusuot ko at sapatos nalang ang kulang kaya pumuntaa ko ng mall saglit. Mamaya pa naman ang alis ni nanay at tatay papunta sa palengke kaya sasaglit muna ako para bumili ng sapatos.

Pagkatapos kung bumili nakita ko sa labas ang isang pamilyar na babae. Si Yesha ang nameet ko sa bakeshop ng nakaraan. Hindi ko ito nakalimutan dahil Dwight din ang name ng kapatid nito.

Natawa ako dahil gusto daw nitong ipakilala sa akin ang kapatid nito ngunit tinanggihan ko. Bukod kasi sa nagmamadali ako wala din akong oras makipagkilala sa ibang lalaki. Tanging si Dwight parin kasi ang laman ng puso at isip ko.

Medyo nainggit pa ako dito dahil ikakasal na ito. Buti pa ito may forever na samantalang ako naghihintay parin. Hayyyy nasaan kana ba kasi Dwight? Sobrang miss na miss na kita.

Dwight's P.O.V.

Hinihatid ko muna si Yesha sa bahay ng mga ito bago bumalik sa condo. Iyon na ang naging tahanan ko sa nakalipas na tatlong buwan. Malapit narin naman matapos ang bahay naipinapagawa ko sa "Secret paradise" na nabili ko.

Gusto kong magkaroon nang sariling pagmamay-ari kaya naisipan kong magpatayo ng sariling bahay doon. Isa pa may mga memories din akong nabuo doon kasama si Hanna.

Nagdadrive na ako patungong condo nang bigla kung maalala si Hanna. Namimiss ko o na ito at kailangan kong makita ito bago pa ako tuluyang mabaliw sa pangungulila dito.

Gusto ko lang itong tingnan mula sa malayo kahit ngayon lang.. Kahit sandali lang maibsan lamang ang pangungulilang nararamdam ko.

Kaya nagdrive ako patungo sa bahay nito. Nakita ko ito.. Nagbabantay nang kanten. Wala parin itong pinagbago.. Maganda parin ito.. Ito parin ang taong minahal ko nang sobra. Nanatili muna ako ng kalahating oras doon habang tinatanaw ito sa malayo bago umalis na hindi man lang nagpapakita dito.

Hanna's P.O.V.

Busy ako sa pagseserve ng pagkain sa customer nang mapansin ko ang isang kotseng nakapark malapit sa bahay namin. Kanina ko pa napansin iyon ngunit hindi ko mapuntahan dahil sa dami ng tao. Makalipas siguro ang tatlongpong minuto umalis din agad ito.

How I wish na si Dwight ang sakay niyon. How I wish na babalik na ito para magsama ulit kami pero alam kong hanggang wish lang iyon.

Kinagabihan maaga akong natulog dahil unang araw ng trabaho ko sa ospital kaya hindi pweding malate ako. Pagkatapos platsahin ang uniporme ko ay natulog na din kaagad ako sa tabi ng kapatid ko.

Si Dwight ang naging laman ng panaginip ko. Nasa isang magandang beach daw kami at magkahawak kamay. Masaya kaming nagkwekwntohan ngunut bigla nalang itong kinuha ng malaking alon. Nawala ito sa paningin ko. Hinanap ko ito sa buong islang iyon ngunit hindi ko ito makita kaya umiyak ako ng umiyak.

Hanggang sa magising ako at napansin kong umiiyak nga ako. Alas 4:00 palang iyon ng madaling araw. Pinahiran ko ang luha sa mga mata ko. Hindi na ako makatulog kahit anong pikit ang ginawa ko.

Nalungkot ako dahil ganon ang panaginip ko... Sana nasa mabuting kalagayan ito. Iyon ang unang beses na napanáginipan ko ito mula nang umalis ito.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon