Dwight's P.O.V.
Hindi hinayaan ni Tita Isabel na mapunta sa akin ang labi ni grandma. Kaya sa bahay nito ginanap ang lamay. Napakasakit para sa akin na ang nag-iisang taong tanging pamilya ko ay nawala pa sa akin. Mahirap paring tanggapin na wala na ito ngayon.
Pinunasan ko ang mga luhang dumaloy sa aking pisnge. Hindi ako ang klase nang tao na umiiyak nalang basta- basta ngunit kapag mga taong malapit sa puso ko ang dahilan ay talagang mababaw lang ang luha ko.
Nandito ako ngayon sa bahay ni tita nakatayo sa harap ng mataas na gate nito. Pinindot ko ang doorbell na agad namang lumapit ang guard ngunit hindi nito binuksan iyon. Nagsalita lang ito mula sa loob, sa pagitan nang bakal na gate.
"Sir pasensya na po pero pinalaan po kami ni Maam Isabel na wag na wag po kayong papapasukin." magalang na sabi ng guard.
Kahit expected ko nang mangyayari iyo masakit parin pala kapag narinig mo. Tumukhim ako bago sumagot.
"Kahit sandali lang.... Sabihin mo kay tita kahit sandali lang gusto kong masilayan si grandma kahit sandali lang." malungkot kong sabi.
May tinawagan ito sa cellphone ngunit malungkot na bumaling ulit ito sa akin.
"Sir pasensya na po pero hindi po talaga pwedi."
"Kahit isang minuto lang. Hindi ako magtatagal gusto ko lang makita si grandma kahit sa huling sandali nalang." sabi ko habang kinakalabog ang gate sa kagustohang makapasok sa loob.
Pero kahit anong gawin ko hindi parin ako nagtagumpay na makapasok at makita si grandam. Talagang buo nag disisyon ni tita na hindi ako papasukin.
Araw-araw parin akong pabalik-balik doon ngunit ni isang beses hindi man lang ako hinarap ni Tita Isabel pero kahit ganon ay hindi parin ako sunuko.
Kakatapos ko lang kalampagin ulit ang gate nang may may humintong taxi sa harap ko at lumabas doon si Hanna. Agad na lumapit ito sa akin.
"Kanina pa kita hinahanap. Wag ka namang ganito Mhine.. Malulungkot si grandma kapag nakita ka niyang ganyan." malungkot na turan nito habang niyayakap ako mula sa likod.
Kinalas ko ang mga braso nitong mahigpit na nakayakap sa bewang ko. Hinarap ko ito at tiningnan sa mukha. Nababakas kong nasasaktan din ito sa nangyayari dahil iyon ang nakaguhit sa mukha nito.
"Anong gusto mong gawin ko? Anong gusto mong maramdaman ko? Bakit Hanna ikaw ba ang nawalan? Si grandma nalang ang natitira kung pamilya... Wala ba akong karapatang makita man lang siya kahit saglit?" mapait kung sabi dito habang nakahawak sa braso nito.
"Nawalan din ako. Napamahal na sa akin si lola kaya masakit din sa aking wala na siya.At naiintindihan ko ang nararamdaman ko pero wala na tayong magagawa kung ayaw nilang papasukin ka... Tayo.." paliwanag nito.
Umiling-iling ako at muli kinalabog ang gate at nagsisigaw sa labas. Ayokong tanggapin na kahit saglit lang ay hindi ko na makikita pa si Grandma.
"Titaaa.... Plz papasukit niyo ko gusto ko lang makita si Grandma." sigaw ko sa labas.
Ilang minuto din akong nagsisigaw at nag mamakaawa sa labas nang lumabas si Jason. Malungkot anf mukha nito na halatang naaawa sa kalagayan ko.
"Pasensya kana Dwight wala din akong magagawa sa disisyon ni Tita.. Ayoko ding sumama ang loob niya sa akin." malungkot na sabi nito.
"Buksan niyo ang gate." malakas na sigaw ng isang babae. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Ang mommy iyon ni Jason. Lumapit ito sa gate at ito na ang nagbukas dahil nag-aalangan pa ang guard.
"Pumasok ka Dwight... Alam kong hinihintay ka din ni mommy." sabi nito sa akin. Pumasok ako agad at sumunod naman si Hanna.
Dumiritso ako sa lugar kung saan nakahimlay si grandma. Pero bago pa ako makalapit sa kabaong ni grandma ay narinig ko na ang galit na sigaw ni tita Isabel.
"Sino ang nagpapasok sa malas na ampon na yan?"
"I think may karapatan din siyang makita si Mommy, Isabel kaya wag kang bastos sa harap ni mommy." mariing sabi ni Tita
"Ate siya ang dahilan kung bakit nawala si mommy,... Siya ang pumatay kay mommy hindi mo ba naiintindihan iyon?" baling nito sa kapatid
"Walang may kasalanan.. Aksidente ang nangyari kaya wala kang dapat sisihin.. Dwight lapitan mo na si mommy at magpaalam sa kanya ng mapayapa." utos nito sa akin. Lumapit naman ako sa kabaong ni grandma ngunit hinarang ako ni tita Isabel at pinagtulakan paalis kaya napaatras ulit ako.
"Noooo... Hindi ako papayag.. Umalis ka dito... Hindi ka kailangan ni mommy dahil hindi ka naman niya totoong apo kaya wala kang karapatang magpakita sa burol niya." naglilisik ang mga matang sigaw nito sa akin.
Habang pinagtutulakan ako ni tita paalis sinulyapan ko ang kabaong ni grandma. Bigla akong nakaramdam nang awa sa sarili. Tumalikod ako at tuloy-tuloy na humakbang palayo.
Ayokong magkagulo ang burol ni grandma nang dahil sa akin... Ayokong sirain ang huling sandali nito sa mundo kaya aalis ako para manahimik lang si Tita Isabel.
Umalis ako nang mapayapa kahit pakiramdam ko ay parang sinasaksak nang milyong-milyon na patalim ang puso ko. Hindi ko man lang nagawang magpaalam dahil sa sakit na nararamdaman ko sa oras na iyon.
"Paalam grandma.... Patawarin niyo ako.. Kasalanan ko ang lahat... Kasalanan ko kung bakit ka nawala kaya patawarin mo sana ako.... wala na akong matatawag na pamilya dahil iniwan mo rin ako tulad ni mommy at daddy." iyon ang laman ng isip ko habang naglalakad paalis.
Hanna's P.O.V.
Ilang araw nang nagkukulong sa loob ng kwarto si Dwight. Lagi ko itong kinakatok ngunit kahit ako ayaw din nitong papasukin o makausap man lang. Masakit sa akin na wala ni si lola pero mas masakit sa aking nakikitang nagkakaganito si Dwight. Lagi nalang itong umuuwing bigo kapag pumupunta ito sa bahay ng tita nito para makapagpaalam man lang kay grandma.
Bukas na ang libing ni lola kaya alam kong nagmamakaawa na naman ito sa labas para makapasok lang. Naging saksi ako kung paano tratohin si Dwight ng tita nito. Kahit anong gawin nito hindi parin ito pinagbubuksan ng gate. Nasa malayo lang ako nakamasid habang sakay ng taxi. Tulad nalang ng araw na iyon. Bigo parin itong makapasok. Hindi ko na kayang makita ito sa ganong nakakaawang sitwasyon kaya sinabihan ko ang driver ng taxi na lumapit doon.
Bumababa agad ako ng taxi at agad itong niyakap. Wala man lang akong magawa para dito kaya naiinis ako sa sarili ko. Nandoon lang ko sa tabi nito habang tinitingnan itong halos mabaliw na sa sakit. Gusto kung samahan itong imiyak, gusto kong akuin lahat ng sakit na. Kung pwedi lang sana.
Nakaramdam ako ng kaunting saya nang papasukin ito ng isang babae na hula kong mommy ni Jason dahil narinig kung tinawag nitong mommy iyon. Sumunod ako sa loob. Akala ko magiging ok na ngunit papasok palang kami pinigilan na agad ni tita Isabel na wag makalapit sa kabaong si Dwight. Nakatayo lang ako.. Habang pinagsasabihan ng masasakit na salita si Dwight, hindi man lang ako nagsalita o gumalaw kahit pinagtutulakan nang paalisin ang taong mahal ko.
Biglang tumalikod si Dwight at tuloy-tuloy na umalis. Sumunod ulit ako dito. Susundan ko ito kahit saan man ito pumunta. Hinding-hindi ako aalis sa tabi nito. Kahit iyon man lang ang kaya kong gawin para rito.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...