Clark's P.O.V.
Dinalaw ko si Dwight sa ospital nang araw na iyon. Tatlong araw na ang nakalipas pero wala parin itong malay. Bilang kaibigan nito nalungkot din ako sa nangyari dito.
Pagkatapos kong kausapin si Dwight kinausap ko naman si Hanna.
"Ahmm.. Pwedi ko bang malaman ang address ng bahay niyo? Gusto ko lang kausapin ang father mo." hiling ko dito.
Agad naman nitong binigay iyon na hindi man lang ako tinanong kong bakit ko hiningi iyon.
Nasa harap na ako ng may kaliitan at kalumaang bahay. Agad akong pumasok sa loob ng maliit ng karenderya nang mga ito. Nakita kong busy sa pagseserve ang tatay ni Hanna.
"Ano pong order ni--" nakilala siguro ako nito kaagad kaya ito biglang natigilan.
"Good morning po.. Pwedi ko ba kayong makausap?" alas 10:00 palang iyon ng umaga. Hindi naman ako galit dito kahit ito ang dahilan ng pagkawala ng babaeng mahal ko ngunit naintindihan ko rin namang aksidente ang nangyari at sadyang hindi mo kayang kalimutan.
"Halika dito iho..maupo ka." pinaupo ako nito at naupo din ito sa harapan ko.
Timikhim muna ako bago magsalita ulit.
"May gusto lang po sana akong malaman... Tungkol sa aksedenteng nabanggit mo noon."
"Kung hindi ako nagkakamali iho.. Ikaw ba si Ascent?" napatingin ako dito sa tanong nito.
Dahil si Alyanah lang ang tanging taong pinayagan kong tawagin ako sa ganong pangalan.
"Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" tanong ko
"Teka lang iho meron lang akong kukunin..." bigla itong tumayo at pumasok sa isang pintuan. Umupo ito ulit sa inupuan nito kanina at may ipinatong na bagay sa mesa. Isang singsing iyon na napakahalaga sa akin.
Nanginginig ang kamay kong kinuha ang singsing sa mesa at tiningnan kung ito nga ang singsing na ibinigay ko noon kay Alyanah. Hindi ako pweding magkamali.. Ito nga iyong singsing na ibigay ko noong unang monthsary namin dahil nasa akin parin ang kapares ng singsing na iyon.
"P-paano p-pong napunta ito sayo?" tanong ko na hindi parin hiniwalay ang tingin sa singsing.
"Nang araw nang aksidente cheneck ko kaagad isa-isa ang mga taong sakay ng kotse para matulungan silang mailabas. Nang si Alyanah na ang sinubukan kong ilabas pinigilan nito ang kamay ko at iniabot sa akin ang singsing na yan. Napansin kong matindi ang pagkakatama niya pero kahit nahihirapan siya ang pangalan mo ang tanging salitang lumabas sa bibig niya bago siya binawian ng buhay... Kaya tinandaan ko ang pangalang iyan dahil alam kong napakahalaga ng taong iyon sa buhay niya.. Kahit doon malang gusto kong makabawi sa kanya dahil sa nagawa ko." malungkot na kwento nito.
Hindi agad ako nakapagsalita. Bigla kong naimagine ang oras na nakikipaglaban ito sa kamatayan. Alam kong nahirapan ito sa kahulihulihang sandali ng buhay nito ngunit wala man lang ako sa tabi nito.
"Pwedi niyo po bang sabihin sa akin kung saan naganap ang aksidente?" Hiling ko sa paos na boses dahil sa pagpipigil ng iyak.
"Oo naman sandali lang kukuha lang ako ng papel at ballpen." tumayo ito at may isinulat sa papel tyaka iniabot sa akin. Nakasulat doon ang address.
Matapos itong makausap umalis na din ako kaagad. Dumiritso kaagad ako sa street kung saan naganap ang aksedente. Tumayo ako doon mismo sa may gilid ng daan kong saan tumaob ang kotse ni Alyanah.
Doon na ako umiyak. Parang nakikinita ko pa ang duguang katawan nito habang nag-aagaw buhay. Wala man lang ako sa tabi nito sa huling sandali ng buhay nito.
Sapagkat puro paninisi... Hatred... At galit ang inilagay ko sa puso ko sa pag-aakalang niloloko lang ako nito. Hindi man lang ako ng imbestiga at hinusgahan agad ang hindi nito pagsipot sa usapan namin.
Naikuyom ko ang palad kung nakahawak sa singsing.
I'm sorry Alyanah... Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko... I'm sorry dahil wala man lang akong alam... I'm sorry dahil wala man lang ako sa tabi mo.. Alam kong huli na.. Pero sa tingin ko kailangan ko paring gawin ito... Sana mapatawad mo ako....pero Alyanah gusto ko ring malaman mo na kahit lumipas man ang maraming taon... Kahit matagal nang panahong hindi kita nakita... Hindi ko parin kayang kalimutan ang maganda mong mukha... Mahal na mahal parin kita... Please help me how to get over you dahil ang sakit sakit sa dibdib na malamang kailan man ay hindi kana babalik....
Dylan's P.O.V.
Hindi ko magawang dalawin si Dwight sa ospital dahil hindi pweding makahalata si Yesha sa akin. Nasa labas ako ng bahay at nagpapahangin ng lumapit ito sabay yakap mula sa likuran ko. Hinarap ko naman ito kaagad at binigyan ng mabilis na halik sa labi.
"Moon alis tayo dalawin natin si kuya Dwight." masayang sabi nito na ikinataranta ko pero hindi ko pinahalata dito.
"Ahmm ano kasi Star.. Si Dwight... (Im sorry but I have to lie to you) hindi ko pala nasabi sayo na nagbakasyon si Dwight kasama ng nurse na nagbabantay sa kanya." sabi ko
"Ha? Bakit biglaan naman yata? At bakit hindi niya pinaalam sa akin." nagtatampong sabi nito.
"Siguro baka ayaw niyang sumama ka.. Alam mo naman baka gusto niyang magsolo sila nang nurse." ako pero kinakabahan na talaga ako dahil siguradong patay ako kapag nalaman nitong nagsisinungaling ako.
"Sabagay.. Pero masaya ako dahil sa wakas magiging masaya na si kuya Dwight... Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano niya kamahal si Hanna." nakangiting sabi nito na ikinaguilt ko .
Hindi ako nakatulog kinagabihan. Iyon ang unang beses na nagsinungaling ako dito mula ng maikasal kami. Ayoko lang naman kasing mag-alala ito isa pa buntis ito at napakasilan ng mga babaeng nagbubuntis at hindi dapat bigyan ng ikakasama ng loob ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...