Chapter 28

1.6K 43 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Nasa sala ako dahil hinihintay ko ang pagdating ni lola. Sa totoo lang namimiss ko na din ito dahil mahigit isang linggo ding hindi kami nagkita.

Napatingin ako sa taas kung saan nandoon ang kwarto ni Dwight. Mag-aalas 8:00 na kasi ng umaga pero hindi pa ito bumababa para mananghalian. Ayaw ko namang bulabogin ang pamamahinga nito dahil baka bumabawi ito ng pahinga.

Maya-maya lang ay narinig ko ang papasok na sasakyan. Mabilis na lumabas ako nang bahay at sinalubong si lola na pababa na ng van. Ngumiti ito nang makita akong naghihintay dito. Nilapitan ko ito agad na niyakap naman ako agad.

"Namiss kita Faith.. Kamusta ka dito? Mas lalo ka yatang gumaganda." bungad agad sakin ni lola.

"Namiss ko din po kayo lola. Kayo din po mas lalong gumanda." humalakhak ito ng mahina sa sinabi ko.

Sabay na kaming pumasok sa loob. Pinaupo ko mona ito sa sofa para makapagpahinga.

"Si Dwight nasaan? Bakit di niya man lang ako sinalubong." may tampo sa boses na iyon ni lola.

"Ahm... Siguro po hindi nya namalayan ang pagdating niyo lola." sabi ko nalang.

"Si Jason pala nasaan din bakit ni isa sa apo ko walang may sumalubong." malungkot na sabi nito.

"Pwedi ba naman yan lola? Syempre hinintay kita at pinagluto pa kita ng paborito mong sopas." biglang sulpot ni Jason mula sa kitchen na may bitbit na isang mangkok na sofas ang laman.

Hindi ko alam na nasa kusina pala ito dahil hindi pa naman ako nakakain dahil hinihintay ko si Dwight.

"Akala ko kung saan-saan ka nanaman nag susuot." nakangiti nang sabi ni lola. "Masarapa ba to?" kinuha nito ang mangkok at tinikman ang luto ni Jason.

"Wow di ko akalain marunong ka din palang magluto Jason." sabi ni lola pagkatikim ng niluto nito.

"Syempre naman lola saan pa ba ako magmamana kundi sayo diba?" -Jason

"Faith pwedi mo bang tawagin si Dwight sa kwarto niya?" utos sa akin ni lola.

"S-sige po lola.. Excuse me po muna." sabi ko sabay akyat sa itaas.

Kinatok ko ang pintuan nang kwarto ni Dwight ngunit walang sumasagot. Sinubukan kong pihitin ang siradora at nalaman kong hindi iyon nakalock kaya pumasok na ako.

Nakita ko si Dwight na nakahiga parin sa kama. Unti-unti akong lumapit at naupo sa gilid nito. Hindi man lang nito namalayan ang pagdating at pag-upo ko dahil tulog parin ito.

"Dwight?? (tawag ko pero hindi parin ito umimik) Mhine?? (Tinapik ko ang pisnge nito ngunit wala paring sagot mula dito) mhine gising na. Nandito na si lola " nilakasan ko na ang boses.

Tanging isang ungol lang ang narinig kong sagot dito.  Dinama ko ang noo nito dahil nang umuwi kami kahapon medyo inuubo na ito.

Hindi nga ako nagkamali sa naiisip meron nga itong sinat. Mainit ito kaya naisipan kong kumuha nang tubig para ipampunas dito para bumababa ang lagnat nito.

"Lola may lagnat po si Dwight pwedi ko po ba siyang asikasohin muna?" ipinaalam ko muna kay lola ang kalagayan nito. Bigla naman itong nag-alala sa apo.

Tinulungan ako ni Jason. Ito ang nagdala ng maliit na palangganang may laman na tubig at bimpo. Ako naman ay kumuha ng isang mangkok ng nilutong sopas ni Jason.

"Kapag kailangan mo nang tulong tawagin mo lang ako sa ibaba." sabi ni Jason bago magpaalam na umalis.

Pinatay ko muna ang aircon.Pinunasan ko ang mukha ni Dwight, ang liig nito pati ang mga kamay at braso. Maya-maya ay nagmulat ito ng mga mata.

"Masakit ba ang ulo mo? Kamusta ang pakiramdma mo?" nag-aalala kong taong dito. Gusto nitong maupo kaya tinulungan ko itong makasandal sa hamba ng kama.

"I'm ok Mhine.. Siguro napagod lang ako kahapon at nilamig." sabi nito.

Alam kong sinabi lang nito iyon para wag na ako mag-alala.

"Kumain ka ng sopas para mainitan yang sikmura mo at makainom ka agad nang gamot." -sabi ko nalang.

Sinubuan ko na ito hanggang sa naubos nito ang isang mangkok. Pinainom ko na din ito ng gamot para mabilis itong gumaling.

"Magpahinga kana para mabilis kang gumaling." sabi ko

"Ok na ako.. At mas gagaling ako kapag nandito ka lang sa tabi ko." hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi nito.

"Ikaw ha nilagnat kalang naging sweet kana yata." sabi ko na di pinahalata ang kilig.

"Nagiging honest lang ako sa nararamdaman ko kaya kung pwedi dito kalang sa tabi ko hanggang sa makatulog ako."- hiling nito.

Hindi nga ako umalis sa tabi nito. Hawak-hawak nito ang isang kamay ko. Nakapikit na ito ngayon kaya malayang pinagmamasdan ko ang gwapong mukha nito. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na bf ko na ito. Na ako na ang babaeng nag mamay-ari dito. Parang kailan lang kasi parang ang bilis lang ng mga pangyayari.

"Mhinee." -mahinang tawag nito habang nakapikit. Akala ko tulog na ito pero hindi pa pala.

"Hmmm." sagot ko

"I love you." nagulat pa ako sa sinabi nito. Alam ko kasing hindi ito showy sa nararamdaman nito kaya hindi ko inaasahan ang sinabi nito.

"I love you too." sagot ko at nakita ko ang pagngiti nito kahit nakapikit.

Buong araw ko itong binantayan at inasikaso. Si Jason muna ang nag-asikaso kay lola. Kinagabihan nawala na rin ang lagnat nito kaya nawala na din ang pag-aalala ko.

Nang sumunod na araw nasa salas kami ni lola ng hapong iyon habang nanonood nang paborito nitong programa ang Kadenang Ginto. Ako naman na hindi naman mahilig manood ay nadadala narin sa bawat eksena.

Bigla lumapit doon si Dwight at inilapag ang dala nitong isang basong juice at isang slice ng cake.

"Para sa akin ba yan apo?" tanong ni Grandma

"I'm sorry lola pero hindi pwedi sayo ang sweet." sagot ni Dwight

"So para kay Faith yan?hmmm meron bang nangyari noong wala ako dito?" -panunukso ni lola

Nagkatinginan kami ni Dwight.

"She's my girlfriend." sagot ni Dwight kay lola ngunit sa akin parin nakatingin. Narinig ko nalang na tumawa si lola na parang magandang balita ang narinig.

"So kailan mo ako bibigyan ng apo Dwight?" natatawa paring sabi nito.

"Soon Grandma." sagot ni Dwight na hindi parin hiniwalay ang tingin sa akin. Biglang nag-init naman ang pisnge ko sa deriktang sinabi nito.

Pakiramdma ko tuloy any moment pwedi akong anakan nito. Habang si lola ay tuwang-tuwa naman sa sinagot ni Dwight.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon