Dylan's P.O.V.
Naghihintay ako ngayon sa labas ng operating room kasama si Hanna at Liam. Tinawagan ko na rin si Ayesha pero hindi ko iyon pinaalam kay Yesha dahil ayokong mag-alala ito. Buntis ito kaya dapat itong ingatan ang sarili kaya kailangang hindi nito malaman ang nangyaring ito kay Dwight. Pero... Hanggang kailan ko naman kayang itago ito?
Kung nabasa ko lang sana kaagad ang text ni Dwight sa akin sana hindi kami na huli ng dating ni Liam na noon ay kasama kong maglaro ng basketball.
Napabuntong hininga ako habang nakasandal sa dingding. Napatingin ako sa gawi ni Hanna. Alam ko na sa aming tatlo ito ang mas nahihirapan at nasasaktan sa nangyari. Hindi man lang nito nagawang punasan ang mga luha sa mga mata nito. At ang damit nitong puno ng dugo ni Dwight ay hindi man lang ito nag-abalang palitan.
Mahigit tatlong oras na kaming naghihintay doon nang dumating si Ayesha.
"Dylan... Si kuya kamusta na?" maluhaluhang tanong nito.
"Sabi nang doktor malala ang tama ng isang sugat niya dahil tinamaan ang delikadong bahagi ng katawan niya kaya we have to prepare ourself for the worse case." umiyak kaagad ito pagkasabi ko niyon.
Alam kong iyon din ang magiging reaksyon ni Yesha kaya natatakot akong ipalaam iyon.
"Si Yesha..? Alam niya ba--"
"Hindi pweding malaman ni Yesha ang tungkol dito lalo pa at buntis siya... Kaya Dylan please itago muna natin sa kanya ang bagay na ito." sagot ni Ayesha na hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko. Gaya ko nais din nitong protektahan ang kapatid.
Hanna's P.O.V.
Nakaupo ako sa pahabang upuan sa labas ng OR ng tabihan ako ni Ayesha ngunit hindi ko man lang ito tiningna. Sadyang okupado na ni Dwight ang buong isipan ko kaya wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Busy ako sa paghiling sa Diyos na sana ay mailigtas si Dwight.
Mahigit walong oras na nang bumukas ang operating room. Agad naming sinalubong ito.
"The operation is successful.... But sad to say he is in a coma. Dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya kaya kinapos ng oxygen ang kanayng utak na naging sanhi ng pagkacomatose nito. 50'50 ang chance kung magigising pa siya but keept talking to him dahil naririnig niya kayo." sabi ng doktor pagkatapos ay bumalis sa loob.
Nanginginig ang tuhod kong napaupo ulit ako dahil sa sinabi nang doktor.
Lumabas ulit ang doktor kasama na si Dwight na sakay sa stretcher. May oxygen ang ilong nito para tulungan itong huminga ng maayos. Naaawa ako sa nakitang ayos na iyon ni Dwight. Parang hindi ko kayang tingnan ito na ganon pero hindi pwedi. I have to stay in his side... Dapat nandoon ako kapag nagising ito. Kaya kahit anong mangyari hindi ko ito iiwan. Dapat kong lakasan ang loob ko.. Hindi ako dapat humarap dito sa ganoong ayos dahil kahit tulog ito alam kong naririnig niya ako.
Mabilis akong nagpaalam kay Ayesha na uuwi muna para maligo at kumuha ng ilang damit. Balak kong magstay sa ospital hanggang sa gumising ito.
"Anak bakit ganyan ang itchura mo? Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni tatay nang salubungin ako nito pagdating ko ng bahay.
"Tay.. Si Dwight po... Da- dahil sa akin delikado ngayon ang lagay niya." umiiyak kung sabi. Niyakap naman agad ako nito.
"Shhhhhh.... Tahan na anak.. Matapang si Dwight kaya magiging ok din ang lahat " pang-aalo nito sa akin.
Kahit paano ang yakap na iyon ni tatay at ang mga salita nito kahit papaano nagbigay ng lakas sa akin para huwag sumuko.
"Tay kailangan ako ngayon ni Dwight... Baka sa ospital muna ako magstay habang binabantayan ko siyang magising." Sabi ko ng makabawi.
"Sige anak..naiintindihan kita.. Kasama si Dwight sa mga panalangin namin ng nanay mo." tatay.
Pagkatapos naming mag-usap ni tatay dumiritso na ako sa loob ng banyo para maligo. Ngunit tatlongpong minuto siguro akong natulala habang nakatingin sa tub na puno ng tubig baka hinubad ang damit kong may mga dugo ni Dwight.
Nilabhan ko iyon ng nilabahan hanggang sa matanggal lahat ng dugo doon. Sinasabi ko sa sarili ko na ok lang si Dwight... Na walang masamang mangyayari dito kahit alam ko sa sarili ko na sinasabi ko lang iyon para wag mawalan ng pag-asa.
Umiyak ako nang umiyak sa loob habang kinukuha ang mga dugo sa damit ko.
Pagkatapos maligo inayos ko na ang mga damit na dadalhin ko sa ospital at umalis kaagad ng bahay.
Inilagay ko muna sa locker ang mga damit ko at nagpaalam sa head namin na magleleave ako. Dahil siguro nakita nitong problemado ako at wala sa sarili kaya pumayag ito kaagad.
Pumasok ako sa loob ng kwarto. Si Ayesha ang naabutan kong nandoon. Wala na sina Liam at Dylan.
"Nauna na si Dylan dahil ayaw niyang magdududa si Yesha kung bakit wala pa siya... At si Liam naman sumunod naring umalis." paliwanag nito.
Isang mapait na ngiti ang itinugon ko rito at lumapit sa natutulog na si Dwight. Parang gusto na namang pumatak ang mga luha ko pero pinigilan ko iyon. Ayokong makita nitong malungkot ako dahil baka ikakasama iyon sa kalusugan nito. Kaya dapat kung ipakita na ok lang ako.. Na matatag ako para lumakas din ito at lumaban para mabuhay.
"Ok kalang ba?" nag-aalalang tanong nito.
"Yeah.. Im fine." nakangiti kong sagot.
Naupo ako sa tabi ni Dwight at hinawakan ang kamay nito.
"Mhine.. You have to wake up ok? Marami pa tayong dapat gawin na hindi pa natin nagagawa... Marami din tayong panahong nasayang kaya plz lumaban ka dahil hindi ko kayang gawin iyon ng mag-isa lang." pilit ang ngiting sabi ko dito.
Narinig ko ang hikbi ni Ayesha sa likuran ko at dali-dali itong lumabas ng kwarto.
"I love you too Dwight... Kahit nahihirapan kana nagawa mo paring ipa-abot sa akin kung gaano mo ako kamahal kaya hinding-hindi kita bibitawan kahit anong mangyari dahil napakaswerte ko sayo.. Kaya gumising kana kaagad ok?" kahit hindi ito sumasagot kinakausap ko parin ito dahil alam kong naririnig ako nito.
Kaya nangako ako sa sarili kong araw-araw kong ibubulong dito kung gaano ko siya kamahal at sisimulan ko iyon ngayong araw.
Hindi ko napansing nakatulog na ako sa tabi nito habang nakaupo at hawak-hawak ang kamay nito.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...