Hanna's P.O.V.
Nagising ako na masakit ang ulo. Siguro dahil inumaga na ako ng tulog. Pero bumangon parin ako dahil kailangan ko pang painomin ng gamot si Lola Dianne. Isa pa iyon ang trabaho ko at ang dahilan kung bakit ako nandoon.
Pagkatapos maligo ay dumiritso na ako sa kwarto ni lola.
"Iha matamlay ka yata ngayon?" puna sa akin ni lola.
"Medyo masama lang po ang pakiramdam ko lola pero kaya ko pa naman po." sagot ko.
"Oh.. Sige pero kapag di mo talaga kaya magpahinga ka ha?" sabi nito.
Tumango lamang ako bilang tugon.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Isang katulong at pinapaalam na kakain na.
Nakaupo na si Jason nang dumating kami ni lola pero wala pa si Dwight. Nag-alala ako bigla baka masama din ang pakiramdam nito.
"Oo nga pala mam Dianne si sir Dwight mamaya na daw kakain." sabi ng katulong.
Bigla akong nalungkot dahil ang akala ko magiging close na kami ngayon dahil sa nangyari kagabi ngunit parang umiiwas pa yata ito ngayon. Kaya kaming tatlo nalang ang nagsalo sa hapag kainan. Wala din akong gana dahil medyo masama nga ang pakiramdam ko.
Pagkatapos kumain nagyaya si lola na tumambay sa garden. May place kasi doon na may upuan at payong na nagbibigay lilim sa nais tumambay.
Babalik na sana kami ni lola Dianne sa loob ng bahay nang makita ko si Dwight na palabas ng bahay.
"Dwightttt." malakas na tawag ko dito with ngiti sa labi. Lumingon ito sa kinaroroonan namin ni lola ngunit hindi nito nagresponse sa tawag ko at tuloy na sumakay sa big bike nito.
Mas lalo akong nalungkot dahil parang totoo ngang umiiwas ito sa akin. Nakita siguro ni lola ang biglang pagkalungkot ng mukha ko kaya tinapik ako nito sa likod.
Dwight's P.O.V
Mag-aalas 10:00 na ng umaga nang matapos akong maligo. Late na ako nakatulog kaya medyo late na din ako nagising. Lalabas na sana ako ng kwarto para magbreakfast nang biglang magring ang cellphone ko.
"Hello shadow. Si Dylan umalis ng walang paalam. puntahan mo kami dito sa boutique nandito si Yesha iyak ng iyak." sabi ni Clark sa kabilang linya.
Si Yesha ay ang girlfriend ni Dylan at si Clark naman ay ang isa ko pang kaibigan na myembro din ng cute knight.
Pinatay ko agad ang cellphone pagkarinig niyon at umalis ng bahay. derederitso lang ako dahil nag-aalaal ako kay Yesha. Alam ko kung gaano nito kamahal si Dylan kaya tiyak akong nasasaktan ito sa pag-alis nito.
Naglalakad na ako patungo sa big bike ko ng marinig ko ang pagtawag ni Hanna. Tiningnan ko lang ito dahil hindi ko magawang gumanti ng ngiti dito. Nalulungkot din kasi ako para kay Yesha kaya umalis ako na hindi man lang nagpaalam ng maayos kay Hanna.
Nagmamadali ako dahil gusto kong habulin si Dylan kung nasaan man ito ngayon. Kailangan ko ng detalye sa mga nangyayari kung bakit bigla-bigla nalang ang pag-alis nito.
Si Zyrus at Clark nalang ang naabutan ko sa botique na pagmamay-ari ni Dylan kung saan nandoon din ang hideout namin ngunit wala na doon si Yesha.
"Ano nang balita?" tanong ko agad sa mga ito.
"Base sa tracker na nilagay ko kay Dylan nasa NAIA ito." sagot ni Zyrus.
"Sh*t Dylan." galit kung sabi sabay alis doon. Narinig ko pang tinawag ako ni Clark ngunit hindi ko ito pinansin.
Bigla akong nakaramdam ng galit sa kaibigan. Ang akala ko kasi mahal niti si Yesha. Kaya kailangan kong marinig mula dito ang dahilan nito bakit aalis nalang ito basta-basta.
Pagdating ko ng airport si Yesha nalang ang naabutan kong nakaupo sa gitna habang umiiyak. Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan na ito ng mga tao. Mas lalo akong nakaramdam ng galit kay Dylan sa nakikitang sitwasyon ni Yesha. Si Yesha kasi ay minsan ko ding nagustohan dahil sa kabaitan nito. Napalapit na ito sa akin kaya ayokong malungkot ito lalo na nang dahil kay Dylan. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa galit.
Hahakbang na sana ako para lapitan ito ng may isang lalaking lumapit at nag-abot ng panyo rito. Kinuha naman iyon ni Yesha. Maya-maya lang ay tumahan din ito sa pag-iyak. Hindi ako lumapit sa mga ito kundi nagmasid lang ako roon. Hindi ko pinaalam kay yesha na naroon ako.
Nang makaalis ang lalaki hindi nagtagal ay umalis na din si Yesha. Sinundan ko ang taxing sinasakyan nito.
Hindi na pumunta kung saan si Yesha gaya ng iniisip ko na baka mag bar ito o di kaya maisipan nitong magpakamatay. Dumiritso lang ito sa isang bahay na hula ko ay bahay nito. Nasa labas lang ako at nagmamasid sa mga nangyayari. Hindi muna ako umalis. Nagbantay lang ako sa labas at tahimik na nakikiramdam.
Alas nwebe na nang gabi pagtingin ko sa relo. Medyo matagal na pala akong naroon. Wala naman akong ingay na narinig mula kanina kaya naisipan kong umuwi nalang.
Hanna's P.O.V.
Alas nwebe na ng gabi ngunit hindi pa bumabalik si Dwight. Nasa labas kasi ako kung saan kami tumambay kanina ni lola. Hinihintay ko ang pagbalik nito ngunit nagkukunwari lang akong nagpapahangin doon. Nagsuot ako ng jacket dahil nakaramdam ako nang panlalamig. Masama parin ang pakiramdam ko kahit uminom na ako ng gamot kanina.
Pagkalipas nang 30min na paghihintay ko sa labas pumasok agad ako ng bahay nang marinig ko ang tunog ng motor nito. Mabilis akong naglakad patungo sa salas nang bigla akong mapatigil nang makaramdam ako ng pagkahilo. Mabuti nalang at nasa may pintuan na ako kaya nakahawak ako sa hamba ng pinto kung hindi humandusay na sana ako doon.
Ngunit talagang nanghihina na din ang mga tuhod ko. At ang mga kamay na nakahawak sa hamba ay unti-unti na ding nanghihina.
Nang babagsak na ako naramdaman kong may biglang sumalo sa akin. Ngunit bago ko pa makita kung sino iyon tuluyan nang pumikit ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...