Hanna's P.O.V.
Kinaumagahan maganda ang gising ko. Bukas na ang balik ni Lola kaya bago ako maging busy ulit kailangang sulitin ko na ang araw na ito.
Nasa harapan ako ng pintoan ng kwarto ni Dwight dahil gusto ko itong yayaing mamasyal ngayong araw. Mga apat na katok din ang nagawa ko bago nito buksan ang pintoan.
Agad na bumungad sa akin ang seryosong mukha nito. Tumutulo pa ang buhok nito na mas nagpagwapo pa ang wetlook nito. Bumaba ang mga mata ko sa malapad na dibdib nito patungo sa mga abs nito at doon tumigil ang mata ko saglit. Nakatapis lamang ito ng tuwalya kaya naisip ko na katatapos lang nitong magshower.
"Are done checking?" may pinong ngiti na sumilay sa mga labi nito nang ibinalik ko ang tingin sa mukha nito.
"Yeah... At naisip ko kung pwedi na kitang pikotin ngayon" nakita kong namula ang tenga nito siguro hindi nito inaasahan ang sinabi ko kaya lihim akong napangiti.
"Are you sure? Madali naman akong kausap eh" sabi nito nang makarecover na sa sinabi ko.
"Hehe.. Not now dahil meron tayong pupuntahan" sabi ko
Kumunot ang noo nito "where?"
"Gusto kung mamasyal kasama ka" paglalambing ko dito.
"Gusto mong magdate tayo?" ako naman ang natigilan. "Uhmm.. Naisip ko kasi babalik na si lola so baka maging busy na ako"
"So.. Saan mo gustong pumunta?" Dwight
"Hmmm.. Gusto kong sumakay ng mga ride kasama ka at manood ng seni" masaya kong sabi.
"I hate crowded places" sabi nito. Lumungkot ang mukha ko.
"Baka ayaw mo lang ako makasama kaya mo nasabi iyan.. Sige wag nalang " tumalikod na ako dito para bumalik nalang sa kwarto ko ngunit bigla nitong hinila ang kamay ko kaya napaharap at napahawak ako sa dibdib nito.
"I hate crowded place... But if nasa tabi naman kita I don't mind" bulong nito sa tenga ko na ikinakiliti ko.
Bigla ring sumibol ang ngiti sa mga labi ko. Napatingala ako sa mukha nito. Bigla nitong pinisil ang ilong ko.
"Ayokong nakikitang malungkot ka kaya I'am willing to do anything basta makita lang kitang masaya" sabi nito habang nakatingin din sa akin.
Medyo inilayo ko ang katawan kong halos yakap na na nito dahil para akong nahihilo sa bango ng natural na amoy nito.
"Bihis kana hihintayin nalang kita sa salas" sabi ko.
Pumayag naman ito kaagad. Umupo ako sa sofa habang hinihintay ang pagbaba nito mula sa itaas.
At tulad nang mga get up nito naka-all black na naman ito.
Kotse nito ang sinakyan namin.
"Where do you want to go first?" tanong nito nang makasakay na kami sa kotse.
"If you hate crowded place so lets go sa tahimik na lugar" napatingin ito sa akin.
"Akala ko gusto mo nang ride at seni?" Dwight
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...