Chapter 41

1.5K 34 0
                                    

Yesha's P.O.V.

"Twinny bilisan mo na jan malalate na tayo... Alalahanin mong hindi pa tayo nakabili ng cake." narinig kong sigaw ni Ayesha mula sa labas.

Bumaba narin ako agad matapos makapagpalit ng damit.

"Wow ang ganda natin ngayon ah?"-nakangiting sabi nito.

"Syempre may date kami ng moon ko pagkatapos ng party." pasweet kong sagot.

"Moon ko daw oh.. Halika na nga dahil parang akong kinalibutan jan sa kasweetan mo." sabi nito sabay labas ng bahay.

Sa isang kilalang bakeshop kami pumunta dahil gusto kong maging perfect ang lahat. Mahalaga para kay Dwight ang araw na iyon kaya as sister nito dapat lang na special din pati cake nito. Isa iyon ang magiging unang birthday nito na kami ang kasama.

"Miss itong sa akin." sabay pa naming sabi ng isang cute na babae. Ngumiti ako dito.

"Same cake po ba ang napili niyo? Wag po kayong mag-alala marami kaming nagawa ngayong araw dahil valentines." nakangiting sabi ng nagbabantay doon.

"Ano po ba ang ipapangalan ko sa cake?"

"Dwight." sabay na naman kami nito. Natawa naman ang nagbabantay bago umalis na para ihanda ang cake namin.

"Dwight din pala ang name ng pagbibigyan mo?" nakangiti kong tanong sa babae.habang naghihintay.

Si Ayesha naman ay dumaan pa sa jewelry store dahil balak niya daw regalohan si Dwight ng relo
Pati ito excited ding mameet si Dwight. Gustong-gusto din kasi nitong may kapatid na lalaki.

"Yeah.. Birthday niya rin ba ngayon?" tanong nito.

"What a coinsidence naman... Boyfriend mo?" tanong ko

"Hmmm.. Oo birthday niya kaya gusto kumg e-celebrate iyon." nagtaka ako dahil biglang lumungkot ang mukha nito samantalang birthday ng bf nito pero hindi na ako nagtanong baka isipin pa nitong feeling close agad ako.

"Sa akin naman para sa kapatid ko.. Gusto ko ding maging especial ang araw na ito para sa kuya namin." nakangiti kong sabi.

Bigla namang dumating si Ayesha.

"Hey twinny hindi pa ba tapos?" bungad agad nito.

"Wow may kambal ka pala..ang cute naman." sabi nito.

"Ayy.. Oo nga pala ako si Yesha at ito naman si Ayesha." pakilala ko sabay lahad ng kamay.

"Ako naman si Hanna.. Ikinagagalak ko kayong makilala." sabi nito sabay abot ng kamay ko. Kinamayan din nito si Ayesha.

"Excuse me mga ma'am ito na po ang order niyo." iniabot nito sa amin ang dalawang box. Tig-isa kami.

"Bye Hanna.. Mauna na kami sayo ha? Medyo nagmamadali kasi kami." paalam ko rito.

Hanna's P.O.V.

Araw iyon ng kaarawan ni Dwight. Kahit wala man ito sa tabi gusto kung e-celebrate ang especial na araw na iyon.

Pumunta ako sa isang sikat na bakeshop para bumili ng cake para dito. Meron akong nameet na magandang babae roon. Pareho pa kami ng cake na napili at pati ang pangalan ng pagbibigyan namin ay pareho din.

Ang akala ko pa nang una si Dwight ang pagbibigyan nito dahil para din iyon sa birthday ang binili nitong cake. Pero nawala ang kaunting pag-asa sa puso ko nang sinabi nitong para iyon sa kapatid nito. Alam kung walang kapatid si Dwight kaya imposibleng ito ang  pagbibigyan niyon.

Nagulat pa ako na meron pa pala itong kakambal. Halos magkamukha ang mga ito at ang cute nitong panoorin.

Umalis na rin ako nang umalis ang mga ito. Dumritso ako sa isang sikat na restaurant. Meron pa akong ipon kaya plano kung magwaldas kahit ngayon lang.. Para lang kay Dwight.

Kumain akong mag-isa... Sinindihan ang cake na dala ko at kumanta mag-isa. Para akong baliw na mag-isa lang nakaupo doon. Pinilit kung maging masaya nang araw na iyon ngunit nag-uunahang pumatak ang luha ko. How I wish na kaharap ko si Dwight, na kasama ko itong kumakain at masayang sinicelebrate ang birthday nito.

"Dwight I really really missed you.. Nasaan kana ba? Bakit hindi ka parin umuuwi sa inyo hanggang ngayon? Gustong-gusto na kitang makita plz umuwi kana." iyon ang laman ng isip ko habang tumutulo ang mga  luha ko.

Kalahating oras din akong naglagi roon nang mapagdisiyonan kong umuwi. Hindi ko man lang tinikman ang cake na binili ko at iniwan ko lang sa mesa.

Nagkulong ako sa kwarto nang araw na iyon. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa mapagod.

Araw-araw parin akong pumupunta sa bahay nito. Umaasa na isang araw uuwi nalang ito bigla at bumalik sa piling ko.

Hindi ko parin alam kung nasaan ito. Hindi ko din alam kung saan nakatira ang mga kaibigan nito. Marami akong hindi alam tungkot dito kaya pakiramdam ko wala man langa kong masyadong alam tungkol dito.

Dwight's P.O.V.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit bigla nalang nagpatawag ng emergency meeting si Dylan. Ang totoo wala akong planong lumabas. Ang gusto ko lang ay magkulong sa silid ko buong araw. Pero mapilit si Dylan kaya napilitan akong maligo at ayusin ang sarili ko.

Habang palabas nang condo. Nakita ko ang isang babaeng papasok doon na nakasuot ng Nurse uniform. Naalala ko na naman si Hanna. Kamusta na kaya ito? Nakapasok na kaya ito sa ospital? Wala na akong balita dito dahil pinilit ko talagang huwag itong lapitan ulit. Baka hindi ko mapigilan ang sarili at bigla nalang itong balikan.

Kahit sabihin pang wala na ang pinakaleader nang sindikato hindi ko parin maigagarantiyang ang safety nito. Hindi ko parin masasabing hindi na muli ito masasaktan at mapapahamak kapag bumalik ako dito. Sa klase ng trabaho ko hindi imposibleng malalagay ulit ito sa panganib gaya nang nangyari dito.

Kaya hindi ko pweding palambotin ang puso ko kahit gustong-gusto ko na itong puntahan at yakapin ng mahigpit. Pero sa tuwing naiisip kong mapapahamak ito.. Bigla akong napapaatras sa tangka kong paglapit dito.

Sumakay na ako ng kotse para pumunta nang boutique. Nais kong matapos agad ang meeting para makapagpahinga ako at magkulong ulit sa kwarto.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon