Dwight's P.O.V.
Niyaya ako ni Liam na mag-inuman daw kami dahil hindi niya pa daw kayang magmove on kay Yesha kahit 3 buwan na mula ng makasal ito. Pinaunlakan ko naman ito dahil naiintindihan ko ang nararamdaman nito. Ang pakiramdam na hindi mo makakasama ang taong mahal mo dahil may hadlang na napagitna sa inyo.
"Dwight... Here." tawag sa akin ni Liam pagkapasok ko ng bar. Nasa may counter ito at nag-uumpisa nang uminom.
"Kanina ka pa ba?" tanong ko matapos makaupo.
"Hindi...kararating ko lang din." sagot nito.
Nag-order na ako nang maiinom para makasabay na rin ako dito.
"Dwight, Sabihin mo nga sa akin kung anong meron si Dylan na wala ako?" medyo tipsy na ito nang magtanong ito.
"Don't think that way.. Siguro sila lang talaga ang para sa isa't isa kaya ganon." sagot ko naman.
"Kung si Dylan pala ang para kay Yesha.. Bakit pati ako nadamay? Bakit ko pa siya minahal kung sa huli pala masasaktan lang ako?" nakita ko ang lungkot sa mata nito kaya alam kong mahal nga nito si Yesha.
Pero saludo ako dito dahil hindi nito pinapahala kay Dylan o kay Yesha na nasasaktan ito. Sa akin lang ito nag open tungkol sa bagay na iyon dahil ayaw nitong mag-alala ang mgakaibigan namin.
Alam kong kahit maangas ito at mahilig makipagbasag ulo pagdating sa mga kaibigan nito at mahal sa buhay napakaprotective, maalalahanin at mapag mahal ito. Iyon ang mga katangian nitong ako lang ang nakakaalam.
Sa aming lima sa akin lang ito nag-oopen. Minsan sinasama din ako nito kung merong mga kasiyahan na nagaganap sa pamilya nito. Pagdating naman sa pag-inom kami ang buddy nito.
Tulad nalang ngayon.. Ako ulit ang niyaya nitong kasama. Bukod kasi na tahimik akong tao nakita din siguro nito na marami kaming pagkakapareho.
"Talagang ganyan siguro kapag nagmamahal ka.. Hindi pweding hindi ka masasaktan." sagot ko sabay inom ng alak.
Hindi na ulit ito umimik kaya tumahimik narin ako. Pareho kaming nagpakalunod sa alak ng gabing iyon. Mga alas 2:00 na ng madaling araw nang nauna akong magpaalam kay Liam. Nahihilo narin kasi ako dahil sa kalasingan at gusto ko na ding makapagpahinga. Mukhang nalasing na yata ako dahil napasarap din ang inom ko.
Samantala nagpaiwan pa sa bar ang lasing na ring si Liam. Dahil pareho na kaming lasing hinayaan ko na ito doon..siguro naman hindi naman siya pababayaan ng mga tauhan ng bar na iyon dahil sa pagkakaalam ko ay pag-aari din iyon ni Liam.
Medyo umiikis na ang paglalakad ko. Sumampa na ako sa motor at sinuot ang helmet. Ngunit palabas palang ako nang biglang sumulpot ang isang pusa. Sa takot na masagasaan iyon bigla kung kinabig ang manubila ng motor kaya gumiwang ako at natumba sa motor. Tumilapon ako sa tabi ng daan at ang motor ko ay tumilapon din malayo sa akin. Parang namanhid lahat ng bahagi ng katawan ko. Hindi ko man lang magawang igalaw ang katawan ko sa pagtatangka sanang bumangon. Maya-maya lang ay may mga taong sumaklolo sa akin at dinala ako ng ospital.
Hanna's P.O.V.
Naka night shift ako nang araw na iyon. Walang masyadong pasyente lalo na kapag gabi kaya marami akong libreng oras.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...