Chapter 29

1.6K 31 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Sa bawat araw na kasama ko si Hanna I know na siya na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. I can't wait to marry her pero kailangan ko pa nang oras para bago magpropose ng kasal dito. Baka kasi magulat ito kapag bigla ko nalang ito yayaing magpakasal.

Masaya ako kapag kasama ito. Namimiss ko naman ito kapag hindi ko ito nakikita. Si grandma naman alam kong gustong-gusto din nito si Hanna para sa akin dahil tuwing nakikita kami nitong magkasama napapansin kong ngumingiti din ito.

Tulad nalang ng araw na iyon. Nasa garden kaming tatlo ni grandma. Nakaupo kaming tatlo sa mahabang upuan. Katabi ko si Hanna habang si grandma ay nasa gilid ni Hanna. Nagbabasa ako ng aklat habang nakahilig naman sa balikat ko si Hanna.

Maya-maya ay nagpaalam si grandma na matutulog kaya naiwan kaming dalawa doon.

"Mhine?" narinig kong tawag ni Hanna. Tiniklop ko ang binabasa at hinarap ito.

"Ano yon mhine?" tanong ko dito.

"Magpapaalam sana ako sayo bukas. Gusto ko kasing dalawin si Estifany." naalala ko ang kaibigan nitong nasa mall nang sinundan ko ito noon
Marahil iyon ang tinutukoy nitong Estifany.

"I'll go with you." tipid kong sabi

"Talaga?"

"Yes.. Masyado pang dilikado para sayo ang lumabas kaya dapat kasama ako." sagot ko.

Linggo kasi bukas kaya wala itong trabaho dahil si grandma ay bumibisita kay Tita Isabel tuwing linggo. Ang nakababatang kapatid ng mother ko.

Hanna's P.O.V.

Pagkatapos naming kumain ni Dwight umalis na rin kami agad. Mga alas 10:00 na iyon ng umaga.

Tuwang-tuwa naman si Estifany nang makita ako sabay yakap ng mahigpit sakin.

"Namiss kita girl... Bakit ngayon kalang dumalaw." masayang sabi nito.

"Naging busy kasi ako." sagot ko.

"Naging busy saan? Jan sa kasama mo?" tukso nito saby sulyap kay Dwight na nasa tabi ko.

Alam kasi nitong bf ko na si Dwight dahil lagi naman kami niyong nagkakausap sa phone. Ito na kasi ang pinagsasabihan ko ng mga problema at ilang mga bagay na tungkol sa akin. Lalo pa ang topic namin lagi ay tungkol kay Dwight.

Pinalo ko ito sa balikat. "Pag hindi mo itinikom yang bibig mo hindi ka makakalibre sa akin ngayon."

"Hahaha ok lang, kay Dwight nalanga ko magpapalibre." itong kaibigan ko talaga minsan makapal din ang mukha.

"Walang problema... Sabihin mo lang kung saan mo gusto." sagot naman dito ni Dwight

"See? Buti pa si Dwight isang salita lang ok na samantalang ikaw nagbabanta pa." pairap na sabi nito sa akin kaya pinalo ko ulit.

"Oyy..child abuse na yang ginagawa mong kakapalo sa akin ha? Irereport na kita." - pairap na sabi ni Estifany.

"Bakit bata ka pa ba? Ano ka mukhang sanggol?" pandidilat kong sabi dito.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon