Hanna's P.O.V.
Kalahating oras na siguro ang lumipas mula nang lumabas kami ng bahay ng tita nito. Nakasunod parin ako sa likuran ni Dwight habang walang tigil ito sa paglalakad. Nanakit na rin ang paa ko pero hindi ko ininda iyon dahil alam kong wala pa iyon sa sakit na nararamdaman ni Dwight. Walang kang makikitang emosyon sa mukha nito at wala ding ningning ang mga mata nito. Nang patawid kami sa isang kalye napansin kong may paparating na motorsiklo kaya mabilis kong hinawakan si Dwight sa kamay para iiwas ito sa parating na motor. Tumigil din ito at tumingin sa bisig nito na hinawakan ko.
Bigla nalang nitong winaksi ang kamay ko na nakahawak dito. Nasaktan ako sa ginawa nito dahil pakiramdam ko ayaw nitong nandoon ako ngunit hindi ko nalang pinansin iyon. Nagpatuloy ito sa paglakad. Nakadaan na ang motor kaya malaya na kaming nakatawid.
Makalipas pa ang kalahating oras. Naramdaman ko ang pagkirot nang mga paa ko kaya medyo hindi na rin normal ang paglakad ko kaya inawat ko ulit si Dwight.
Mag-aalas 10:00 na siguro iyon ng gabi dahil kaunti nalang ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada. Nasa gilid kasi kami ng kalsada at parang baliw na palakad-lakad na hindi alam kung saan patungo. Parang sinusuyod lang namin ang daan kung gaano iyon kahaba.
Pinigilan ko ulit ang kamay nito kaya napahinto ito.
"Mhine pwedi bang umuwi na tayo?" pakiusap ko dito. Tiningnan lamang ako nito. Blanko parin ang mukha nito at hindi man lang nagsalita.
"Lumalalim na ang gabi.. Libing pa bukas ni grandma kaya kailangan mong magpahinga para bukas."
"Bakit Hanna? Papayag ba sila na dumalo ako sa libing bukas? Diba hindi? Kaya hindi ko kailangang magpahinga para bukas." may galit ang boses nito.
"Pero magkakasakit ka jan sa ginagawa mo at isa pa---(napahinto ako sa sasabihin kong masakit na rin ang paa ko)"
"At isa pa ano ha? Hindi mo alam kung gano ka sakit ang nararamdaman ko Hanna.. Kailangan kong mag-isa kaya hindi mo kailangan sumunod sa akin na parang aso." direktang sabi nito.
Medyo natigilan ako sa pagtaas nang boses nito.
"Alam ko na nasasaktan. Kaya bilang girlfriend mo kaya ako nandito.. Kaya sinasamahan kita dito ngayon dahil ayokong maramdaman mong nag-iisa ka." mangiyakngiyak kung tugon dito dahil nasasaktan ako sa mga inaasal nito.
"Sanay na akong mag-isa... Kaya hindi kita kailangan dito kaya plz lang wag kana sumunod sa akin.. Umuwi kana dahil uuwi din ako kapag napagod ako." tinalikuran ako nito pagkasabi nang mga salitang iyon.
Hindi agad ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko. Bakit kasi bigla nalang ulit ito naging masungit sa akin. Para bang pinaparamdam nitong hindi na ako nito kailangan sa buhay nito.
Biglang pumatak ang luha ko habang pinapanood itong umalis. Binaliwala ko nalang ang sinabi nito kahit masakit tanggapin iyon sa puso ko.
Napaupo ako sa gilid nang daan at tiningna ang paa ko. Tama nga ang hinala ko puno na iyon nang sugat pero bakit mas masakit pa yata ang sugat sa puso ko?
Sumakay ako sa taxi na dumaan. Naiisip ko na baka gusto nga nito mapag-isa muna kaya sinubukan ko itong intindihin.
Kinabukasan maaga pa akong nagising. Kinatok ko agad si Dwight sa kwarto nito para echeck kong nakauwi ito. Nakatulog pala ako kagabi sa paghihintay dito siguro dahil na rin sa pagod.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...