Hanna's P.O.V.
Isiniksik ko ang sarili sa pinakasulok ng banyo. Takot na takot na ako dahil alam kong wala akong kalabanlaban sa laki ng katawan ni Harold.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang mga yabag na papasok sabay yakap sa akin. Sinubukan kong magpumiglas dahil sa takot ngunit sadyang malakas ito at niyakap pa ako ng mahigpit. Naghehysterical na ako ngunit bigla akong napatigil nang marinig ko ang nag-aalalang boses ni Dwight. Napatingin agad ako sa mukha ng taong yumakap sa akin. Laking pasasalamat ko nang mapagtantong hindi si Harold iyon kundi si Dwight. Umiiyak na sinubsob ko ang aking mukha sa dibdib ni Dwight sabay yakap dito ng mahigpit kaya hindi ko napansin ang paparating na panganib.
3rd Person's P.O.V.
Nagising si Harold mula sa pagkakahiga sa sahig matapos itong bugbugin ni Dwight. Mula sa kinaroroonan niya nakita niyang magkayakap sina Dwight at Hanna. Sa tindi nang galit at panibugho nito kinuha niya ang isang kitchen knife at tumungo sa kinaroroonan ng mga ito. Mabilis nitong sinaksak sa tagiliran ang nakayakap na lalaki sa babaeng minamahal nito.
Hinila ni Harold si Hanna mula sa pagkakayakap ni Dwight ngunit mabilis itong pinigilan ng binata sa kabila ng sakit na iniinda nito kaya sinaksak ulit ito ni Harold sa may tyan nito kaya nabitawan nito si Hanna.
Napasigaw naman si Hanna sa nakitang duguang katawan ni Dwight. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng doktor ngunit napakalas nito.
Damang-dama ng dalaga ang matinding takot sa kalagayan ng nobyo kaya sa abot ng kanyang lakas nagpupumilit siyang makaalpas sa malaka sna bisig ng doktor ngunit sinuntok siya nito sa tyan kaya bigla siyang nanghina. Binuhat siya nito na parang isang sakong bigas.
Sa unti-unting paglayo niya sa kinaroroonan ni Dwight. Mabilis na lumabas din ang mga luha sa mga mata nito. Ang kawalan ng pag-asa ang tanging nararamdaman niya at ang matinding takot na baka mawala sa kanya ng tuluyan ang lalaking matagal din niyang inalagaan sa puso.
Dwight's P.O.V.
Sa nanlalabo kong paningin.... Sa namamanhid kong katawan.... Biglang pumatak ang luha ko habang tinitingnan ang papalayong si Hanna habang pasan-pasan ito ng lalaking iyon.
Wala na akong lakas para ipagtanggol ito. Hindi ko na kayang tumayo at habulin ito at kunin sa lalaking iyon kaya ang nakaya kong gawain ay lumuha at panuurin itong unti-unting nawawala sa aking paningin.
Unti-unti naring nawawala ang lakas ko. Ngunit pilit ko paring iminumulat ang namimigat na talukap ng aking mga mata. Maraming dugo na din ang lumabas sa katawan ko at nagkalat sa loob ng banyo. Ngunit sa ganong kalagayan ko... Kahit hinihintay ko nalang na maputol ang hininga ko... Si Hanna parin ang iniisip ko. Ang kaligtasan parin nito ang dinadalangin ko. Wala akong pakiakam kong mamatay man ako... Ang mahalaga sa akin ay maging safe si Hanna.
Nagiging madilim na ang paningin ko. Alam ko na sa ilang saglit lang maaring iyon na din ang katapusan ko.
Mahal na mahal kita Hanna... Kahit saan man ako alam kong ikaw lang ang babaeng mamahalin ko..
Iyon ang kahulihulihang laman ng puso ko bago ako nawalan ng malay...
Hanna's P.O.V.
Pinagbabayo ko ang likuran ng lalaking bumuhat sa akin sa kabila ng panghihina ng katawan ko. Basa narin ang buhok ko dahil sa mga luhang lumabas sa mga mata ko. Sobra ang pag-aalala ko kay Dwight. Halos maligo na ito sa sarili nitong mga dugo at alam kong kapang nagtagal pa ito doon ng ilang minuto maaaring ikamamatay nito iyon.
"Saan mo balak pumunta pare?" narinig ko ahng boses ng isang lalaki saktong pagkalabas namin.
"Sino kayo? Bakit kayo nandito sa pamamahay ko?" Harold
"Para kunin yang babaeng tinatakas ko.. Liam kunin mo si Hanna." boses iyon ni Dylan.
Biglang may kumuha nga sa aking lalaki mula sa doktor. Dahil ayaw nitong ibigaya ako kay Liam kaya sinipa ito ni Liam sa paa kaya napabitaw ito sa pagkakabuhat sa akin.
Mabilis naman itong binigyan ni Dylan ng isang Flying kick kaya tulog agad ang doktor.
"Hanna si Dwight? Diba magkasama kayo?" tanong ni Liam sa tabi ko.
Nang marinig ang pangalan ni Dwight tumakbo kaagad ako sa loob at dumiritso sa banyo.
Saglit akong napatigil nang tumambad sa paningin ko ang duguang katawan ni Dwight. Sa bandang gilid nito nakasulat ang I ❤ U Han- gamit ang sarili nitong dugo. Hindi na nito natapos ang pangalan ko dahil siguro nawalan na ito ng malay.
Sina Liam at Dylan na ang nagtulungang buhatin si Dwight matapos pigilan gamit ang damit ng mga ito ang paglabas ng dugo sa mga sugat ni Dwight.
"Hanna.. Sumunod ka nalang sa ospital. Napakahina na nang pulso ni Dwight kaya kailangan na siyang madala sa ospital." sigaw ni Dylan habang buhat-buhat si Dwight at nakaalalay naman si Liam.
Hindi ko makuhang tumugon sa mga ito dahil nakatutuk parin ang mga mata ko sa isinulat ni Dwight. Napaupo ako sa sahig at gumapang papunta sa sulat nito na nasa sahig. Doon na ako napagagolhol ng iyak habang nakatingin doon. May mga dugo narin ni Dwight ang damit at kamay ko.
Sa kabila nang panghihina ng katawan ko. Nagawa ko paring makalabas ng bahay na iyon at sundan sa ospital si Dwight.
Nasa operating room na ito ng datnan ko. Sabi daw nang doktor critical ang kalagayan nito dahil sa dami ng dugong nawala rito. Kaya ihanda nalang namin ang aming sarili sa worse case dahil 20% lang ang nakakaligtas sa ganong kalagayan.
Sari-saring emosyon ang laman ng puso ko. Gulong-gulo narin ang isipan ko. Hindi ko kayang mawala si Dwight. Kung hindi nalang sana ako pumunta doon sana hindi ito nangyari sa kanya. Kung hindi lang sana ako padalos-dalos lagi sana ok lang ito. Hindi pa ako nadala na lagi nalang ito napapahamak para lang mailigtas ako. Bakit ba kasi lagi ko nalang nilalagay sa panganib ang buhay nito.
Umiyak lang ako nang umiyak ng tahimik habang naghihintay sa labas ng operating room. Ipinagdasal ko rin na sana magiging ok lang ang lahat. Na sana walang mangyayaring masawa dito. Iyon lang sapat na sa akin.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...