Hanna's P.O.V.
Pagkatapos kumain dumiritso agad ako sa kwarto. Balak ko kasing panuorin ang sinasabing vlogger ni Estifany kanina. Gusto din makilala kong anong klaseng tao ang nakatira sa bahay na papasukin ko.
Mga 3 vlogg ni Dylan ang natapos ko na kasama nito ang mga kaibigan lalo na si Dwight.
Tama nga si Estifany puro nga ito nga gwapo. Pero sa kanilang lima si Dwight ang nakaagaw sa aking pansin. Kahit wala naman itong ginagawa sa vlogg kundi ang manahimik pero bakit parang napakaattractive parin nitong tingnan? Doon lang yata nakafocus ang lahat ng attention sa pinapanood kaya bigla pa akong nagulat sa pagpasok ni Izzy sa kwarto.
"Fan ka rin nila?" bigla itong naupo sa tabi ko at nakinood din.
"Hindi no.. May tinitingnan lang ako." depensa ko.
"Weh? Di daw eh bakit parang ipinako na ang mata mo jan sa pinapanood mo." hindi ito naniwala kaya pinatay ko ang cellphone at hinarap ito.
"Oh bakit mo pinatay." Izzy
"Meron kasi akong sasabihin sayo." simula ko. Gusto ko na ito mona ang kakausapin ko bago ako magpaalam sa mga magulang.
Naging seryoso ka yata bigla kaya kinakabahan tuloy ako." Izzy
"Kilala mo naman siguro si Dwight na kaibigan nang vlogger na pinanood ko diba?" ako
Tumango ito " pero diba yon yong suplado at palaging seryoso?" pangumgumperma nito.
"Oo siya nga yon.. Magtatrabaho na kasi ako sa kanya simula bukas bilang private nurse ng kanyang lola." paliwanag ko dito. Nakita ko ang excitement sa mukha nito.
"Talaga ate?? Wow ang galing naman posible din mamemet mo din ang iba pang mga kaibigan niya." masaya nitong sabi.
"Sa tingin mo papayag kaya sila nanay at tatay?" nag-aalala kong sabi.
"Hmmm.. Akong bahala tutulungan kitang magpaliwanag.. At isa pa safe ka naman kay Dwight sa pagkakaalam ko walang interes sa babae yon eh." Sabi nito.
Kinagabigan tinulungan nga ako ni Izzy na magpaliwanag at magpaalam sa mga magulang. Kaya madali naming napapayag ang mga ito. Binilinan lang ako ng mga ito na mag-ingat.
Nagligpit na nga agad ako ng mga gamit pagkatapos makausap ang mga magulang. Tinulungan naman ako ni Izzy sa pagliligpit at paglalagay ng gamit at damit ko sa isang malaking maleta.
"Ngayon lang yata tayo maghihiwalay ate.. Aaminin kong malulungkot talaga ako kapag di na kita nakakasama dito." malungkot na sabi ni Izzy sa akin pagkatapos makapag ligpit ng gamit ko.
Totoo ang sinabi nito unang beses na mapalayo ako sa mga ito at maging ako ay siguradong malulungkot din at mamimiss ang mga ito. Pero kailangan kong gawin iyon para na rin sa pamilya ko.
Niyakap ko ang kapatid at pinahiran ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.
"Alagaan mo sina tatay at nanay habang wala ako ha? Dadalaw ako everyday off ko kaya wag kana mag-alala." pag-aalo ko dito.
"Basta ate kung ok kalang ..ok na rin kami dito..ang mahalaga nasa mabuti kang kalagayan." ngumiti na ito ng humarap ulit sa akin.
BINABASA MO ANG
Agent Dwight Is My Knight (Book 2)
RomanceSi Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa l...