Althea pov..
Sobrang kabog nang aking dibdib,pinagpapawisan nang malapot at nanginginig ang aking mga kamay.. "One line lang please.." Paulit ulit kong dalangin habang hinihintay ang result nang hawak hawak kong pregnancy test kit.
Sana hindi.. Two weeks palang naman akong delayed-- nangingilid na rin ang aking mga luha. Lagot ka talaga sa akin Jared! Tukoy ko sa aking long time boyfriend, dahil mahigpit kong bilin na laging mag-iingat tuwing kami ay nagtatalik. What I mean is- huwag na huwag nya akong lalagyan!!
Hindi pa kasi ako ready- As in hindi pa talaga! Unang una, nasa third year college palang ako at ito naman ay second year palang..Marami pa akong pangarap sa buhay ko na gusto kong matupad. Hindi lang iyon, tiyak kong mapapatay ako nang magulang ko once na naging positive ang result. Sobrang taas kasi nang expectations nila para sa akin.
Yung manager ko pa, na ilang taon nang may hawak sa akin at nag porsige nang husto. At unti-unti ko nang nakakamtan ang aking mga pinaghirapan. Ngayon palang nagmamayagpag ang aking career biglang singer-song writer. Sobrang dami nang pinagdaanan ko para makarating lang sa tinatamasa ko ngayon. Hindi pwedeng sa isang iglap mawawala--
"Oh no!!" Bigkas ko. Para akong mauubusan nang lakas at mariin kong pinikit ang aking mga mata.. Tuluyan nang bumagsak ang aking mga luhang kanina pa nagbabadya. Kitang Kita nang dalawang mata ko kung paano mabilis na gumuhit ang dalawang pulang linya nang hawak hawak kong kit..
"JARED!!" Gigil ko pang bigkas. At naikuyom ang aking dalawang palad, kasama na ang pregnancy test. H-hindi ito pwedeng mangyari, panaginip lang lahat nang ito. Basta ko nalang iniuntog ang aking ulo sa tiles na pader sa likod ko.
"Hello! May tao ba dyan?" Biglang may kumatok sa pintuan nang cubicle.. Na kina tiim tuloy nang aking bagang.
Putang ina, kung sino ka mang walang modong istirbo! Alam na nang naka sara ang pinto di ibig sabihin may tao.. Isa pa, wala nabang ibang bakante at itong inookopa ko pa ang napag diskitahan- "Hello po magsasara na po kasi--"
"What!!!" Iritado kong bigkas. Pagka tapos ay pabalya kong binuksan ang pintuan.. Makakasapak ako nang wala sa oras nito pag sya ang mapagbalingan ko nang inis ko!
Nagsukatan kami nang tingin nang isang babaeng prenteng naka tayo sa harapan ko... Mas mataas ako nang mga two inches dito kaya bahagya syang naka tingala sa akin. Teka- bigla akong napa kunot noo nang tila pamilyar sa akin ang mukha nang babaeng may hawak hawak na mop at naka uniporme nang pang janitress--
"A-althea..." Naalangang naman nitong bigkas.. Na lalong kina salubong nang aking kilay. You must be-- Francine!? Singhap ko namang bigkas sa aking isipan.
Tingnan mo nga naman! Anong ginagawa nya dito sa university kung saan ako nag aaral, janitress sya? Oh- long time no see my mortal enemy!!
"Hindi ka ba makapag hintay at kailangan mo pa akong katukin at kulitin.." Mataray kong turan. Pagka tapos ay tinignan ko sya pataas at pababa. Ang dating nagyayaman yamanan- nagja- janitress nalang.. Tumaas tuloy ang isang sulok nang labi ko.
Kahit paano, saglit kong naiwaglit ang mabigat kong problema ko sa babaeng nakatayo ngayon sa aking harapan.
"Ah- kasi, closing time na.." Malumanay naman nitong tugon. Bahagya pa itong napa ngiwi. Ewan ko kong totoo bang nahihiya ito o pakitang tao lang dahil nalaman ko kong anong trabahong meron sya. Take note! Dito pa sa university kong saan ako nag-aaral.
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...