Chapter 4

874 42 2
                                    



Chapter 4

Kung ano ano ang mga pinag-usapan namin ni Tita. Siguro, dito nakamana si Roxanne ng kadaldalan e. Parehong madaldal pero cute naman in a way. Nakikisali rin si Roxanne sa usapan kaya mas lalong naging kwela.

"I just noticed, nagpagupit ba kayo?"

"Yes po, Tita," ako na ang sumagot. Busy na kasing kumakain itong si Roxanne.

"You two looked pretty and adorable with your new looks!"

"We both knew na sadya naman kaming pretty Mama."

"I know naman iyon anak. I mean, you're both more pretty and adorable right now," bawi agad ni Tita. Iyong mukha kasi ni Roxanne ay halos hindi na maipinta e.

"Well, nasa genes natin iyan, Mama," dagdag pa ni Roxanne sa sinabi ni Tita.

Iba talaga kapag itong mag-ina na ito ang nagsama. Ibang klaseng ingay at kwento lagi.

Nagsimula na rin kaming kumain ni Tita. Nauna na kasi si Roxanne kumain at dahil nauna na nga siyang kumain, ayun halos paubos na rin ang pasta na kinakain niya.

Ang inorder naman sa akin ni Tita ay carbonara which is one of my favorite here in their Restaurant. Iba kasi ang carbonara nila. Hindi nakakaumay o nakakasawa. Tama lang ang timpla ng sauce at talagang malinamnam ang lasa kapag nasa bibig mo na.

Nagpaalam muna sa amin si Tita dahil babalikan daw niya muna ang mga kumare niya. Samantala, si Roxanne ay umorder na naman ng panibagong pagkain dahil kulang daw talaga sa kaniya iyong inorder ni Tita. Ini-order niya rin ako ng dessert at siya rin ang pumili.

Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng Restaurant. Walang masyadong pinagbago. Ganoon pa rin ang kulay. May ilan nga lang nadagdag na mga lamesa at upuan. Nadagdagan din ang mga chandeliers na nakalagay sa taas. Talagang nakahiligan na ni Tita ang mga chandeliers. Napansin ko rin na may ibang nadagdag na mga empleyado. Parang may nawala, pero may mga pumalit din naman. At isa pa sa mga napansin ko ay ang menu nila rito sa Restaurant. Mahilig kasi si Tita at Tito magluto katulad nina Mom and Dad. Samantalang si Roxanne naman ay mahilig kumain. Ako? Well, I can do both naman.

Isa sa mga natutunan ko noong umalis ako ay kung paano magluto. Medyo marunong na naman ako noong mga panahon hindi pa ako umalis pero noong umalis ako ay mas lalo ako natuto. I only lived there alone. Wala akong kasama so it means, sarili ko lang ang maaasahan ko that time. Noong una, talagang nanibago ako kasi medyo hindi ako sanay sa mga ganoong gawain pero dahil sarili ko nga lang ang meron at maaasahan ko roon ay natuto na akong kumilos at gumawa mag-isa.

Well, may mga nangyari rin naman palang maganda noong umalis ako.

Saktong  paubos ko na ang aking kinakaing carbonara nang dumating na rin ang mga pagkain na inorder ni Roxanne. Ang inorder niya sa aking dessert ay graham de leche. It tastes good naman. Well blended ang nga ingredients. Hindi naman siya nakakaumay dahil sa tamis. Kasi diba normally, ang graham de leche ay sobrang tamis kaya karamihan ay nauumay agad pero ito ay hindi.

Ang mga pagkain nila sa Restaurant ay parang normal food lang. I mean, wala silang specific kind of food. Parang normal lang na kung anong magustuhan mo ay meron dito. Well, hindi naman lahat pero there are some food na talagang pasok sa panlasa mo and very affordable naman.

Halos nasa kalahati na ako sa pangangain ng graham de leche na inorder sa akin ni Roxanne nang bigla niya akong tinawag.

"Bakit?"

"Baka hindi na ako matulog sa inyo later ha?"

"Uh okay. But may I ask why?" Tanong ko. I have this habit talaga na mahilig magtanong.

"Sa bahay muna ako tutulog kasi bukas, magkikita kami ni Jake," paliwanag nito.

"So, you have a date naman pala bukas..."

"Alam mo na Nic, lately kasi ay hindi na kami nagpapangita at nakakalabas ni Jake together so we decided to maghang out tomorrow..."

"Okay. Ingat kayo pareho and enjoy. Just text me if you need anything, okay?"

"Thank you, Niccola!" Ngumiti lang ako sa tinuran nito.

Time na nila iyon together. Baka dahil sa akin kaya hindi na sila nagpapangita lately. Kasi diba, si Roxanne ang sumundo sa akin noong umuwi ako. Then, noong isang araw ay magkausap kasi halos buong araw kasi nga uuwi ako.

Ipinagpatuloy na namin ang pagkain namin. While she's drinking her iced tea, her phone beeped. Kinuha niya ang phone niya at tiningan ito. And after few minutes, her phone rang so she picked it up and answered the call. While she was busy talking to the other line, tumingin na lang muna ako sa labas. Malapit kami sa may glass wall kaya tanaw ko ang kapaligiran sa labas. Medyo madilim na rin kaya kita na ang mga ilaw na nagmumula sa mga sasakyan. May ilang poste na rin ang nagbukas ng ilaw na mas lalong nagpatunay na madilim na nga dahil sa mga anino na nagmumula sa mga taong naglalakad sa may labas.  May ilang tao rin ang masayang naglalakad sa labas.

At hindi ko rin inaasahan na may makikita akong tao na nakatanaw sa akin mula sa may labas. To all of people, bakit siya pa? Bakit sa lahat ng pwede ko siyang makita, bakit dito pa?

No. It can't be...

Ghad, Niccola. Huwag ka ngang assuming. Baka kakain lang siya dito sa Restaurant. Pero bakit dito pa diba? Gosh, please mind, huwag mo ng dagdagan pa ang mga iniisip ko.

"NICCOLA!" Nagulat ako nang marinig ko ito.

"Bakit ka ba sumisigaw diyan Roxanne?" Asik ko rito. Nagulat na nga ako sa nakita ko, tapos gugulatin niya pa ako lalo.

"Paanong hindi kita sisigawan diyan ay kanina pa kitang kinakausap pero para namang wala kang naririnig kasi natulala ka na sa tinitingnan mo diyan sa labas."

"Uh, sorry..."

"Ano ba ang tinitingnan mo diyan at naging tulala ka na lang bigla?"

"I think, I saw him, Roxanne..."

"Him? The who?" Kunot-noong tanong nito.

"Him, as in him..."

"Him? As in si Tres?" I nodded.

"How come e ang alam ko ay wala siya rito sa Philippines."

"Since when?" Ngayon ay ako naman ang kumunot ang noo sa pagtatanong.

"Hmm, since the day you left..."

Itutuloy...

_

A/N: If you like this update, don't forget to vote and comment! Thank you!!!

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon