Chapter 21

472 25 0
                                    

Dedicated to: FallinSeptember @binibinilyza @iviiviva @cherryyyysss JaneenPagcaliwagan


P. S. skl  po ulit ito. natuwa lang po ulit ako. 💛


Unedited

Chapter 21

Dumating na ang mga in-order namin na mga pagkain. Masarap naman ang mga ito pero parang nawalan ako bigla ng gana.

"Ayaw mo ba ng food, Nic?" I shook my head at Rox. "So, why are you not eating?" She asked me again.

"Parang busog pa ako..." charot. Parang nawalan lang talaga ako ng gana.

She arched her brow at me. "Really? E, wala nga tayong kinain kanina, e."

"Remember, kumain tayo ng fries sa bahay kanina." Uminom na lang ako ng juice. Parang bigla akong nauhaw sa mga nangyari.

Ganda ng palusot natin, Nic, ah!

Nabusog? E, halos hindi ka nga nakakain kanina ng fries kasi si Rox na ang umubos lahat ng 'yon.

"Kumain na pala kayo kanina, love..." this time, kay Jake na siya nakatingin. She slightly pouted her lips. Halatang nagpapa-cute.

Parang gusto kong matawa tuloy. Yikes, hindi bagay!

Nagmukha tuloy siyang pato! Pft!

"Why are you laughing, Nic?" She asked curiously. I shook my head at her. Nasa akin na ulit ang atensyon nito. "Seiously?"

"Wala. I just remember something..." I explained.

"Ano naman ang naalala mo, Niccola?" Sa pagkakataon na ito, si Jake na ang nagtanong sa akin.

Tiningnan ko muna so Rox at nakita kong nakatingin na naman ito kay Jake. In love, eh? Kay Jake naman ako tumingin at bahagyang ngumiti rito.

"Naalala ko lang na si Rox ang nakaubos ng fries na pinakuha ko kay Manang kanina..." I bit my lower lip after saying it. Nakita ko ang mahinang pagtawa ni Jake sa sinabi ko.

Baka kapag sinabi kong tinatawanan ko ang itsura ni Rox ay baka bigla ako nitong sabunutan. Ayaw pa man din no'n na sasabihan siya ng gano'n o pumapangit gan'yan.

"Love..." tawag nito kay Rox at tiningnan din ito.

"Hmm?"

"Ikaw pala ang umubos ng pinakuhang fries ni Niccola kay Manang kanina..."

"W-What?" Naguguluhang sagot nito.

"Sabi ni Niccola." Itinuro ako ni Jake kaya napatingin sa akin si Rox at ngayon, ako naman ang nagtaas ng kilay sa kaniya.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon