Dedicated to: @StayWeird18 @deeyanah_wqt @MeiTerumi @Arixinn @msfoxy27
Unedited
Chapter 29
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang magkakilala ang mag-ama. I mean, sina Uno at Tres. Pagkatapos ng gabing 'yon ay hinayaan niyang sa akin sumama si Uno.
Hindi siya nagpumilit pa na iwan sa kaniya si Uno.
Bumibisita na lang siya rito sa bahay namin at alam naman ito nina Mom and Dad. I asked their permission first, after all, this is still their house. They have the rights to know it.
"Ma'am, nandito na po si Sir Tres." Tumango lang ako sa anunsyo ni Manang sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap. Hindi ko alam kung kailan ba kami makakapag-usap sa kung anong nangyari sa amin dati at kung ano ang mangyayari ngayon kay Uno.
"Baby, your Papa is here na." Kuha ko sa atensyon ng anak ko kasi abala ito sa paglalaro sa sahig. May nakalatag namang carpet kaya okay lang.
Nandito kasi kami ngayon sa loob ng kwarto ko. Wala si Rox. Umalis ito kasama si Jake. May lakad daw kasi sila.
Iniwan kong bukas ang pinto para madaling masabihan ako ni Manang kapag nandiyan na si Tres.
"Papa! Papa! Papa!" Kaagad namang tumayo si Uno mula sa pagkakadapa at tumalon-talon.
Lumapit ako rito at marahang pinagpag ang kaniyang damit.
"We will fix all your toys first then we will put it together sa tamang lagayan, baby."
"Mama..." nakangusong sambit nito habang nakatingin sa akin.
Alam ko na ang gusto nito. Gusto nitong ako na lang ang magligpit ng mga laruan niya para makapunta na siya sa Papa niya but no. Kailangan niyang matuto habang bata pa. Besides, hindi naman basta basta aalis si Tres hangga't hindi niya nakikita si Uno.
"No, baby. You need to fix it first."
"Mama..."
"Let's fix it together, okay?" Hindi na ito nagreklamo pa. Nagsimula na itong ayusin ang kaniyang mga laruan.
Madaling sabihan at pakiusapan si Uno kaya natutuwa ako kasi may ganitong ugali siya. Habang bata pa ay marunong na itong sumunod.
"Punta na ako kay Papa, Mama." Paalam sa akin ng anak ko kaya tumango ako.
Lumabas na ito at naiwan na akong mag-isa ngayon sa aking kwarto. Napabuntong-hininga na lang ako. Iniisip ko pa rin na kung kailan kaya kami makakapag-usap ni Tres tungkol sa kung anong nangyari sa amin dati.
Kahit na may sinabi na sa akin si Rox, hindi ko pa rin maiwasang isipin at may side sa akin na gustong malaman ang kung anong nangyari kay Tres nang nga panahon na 'yon. Kung anong nangyari sa kaniya...kung anong naramdaman niya sa nangyari.
Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa kaniya at panghabang-buhay ko 'yon dadalhin sa buhay ko pero, may parte sa akin na gusto siyang sisihin.
Ang babaw diba? Ang kapal din naman ng mukha ko kung sisisihin ko siya sa kung anong nangyari sa amin lalo na at ako ang nang-iwan.
May parte sa akin na gusto ko siyang sisihin dahil bakit...bakit hindi niya ako sinundan? Bakit hindi siya nagpaliwanag sa akin dati?
Alam kong wala akong karapatan na kwestyunin ang naging desisyon niya. Bakit pa nga ba niya ako susundan? Bakit siya magpapaliwanag pa sa akin?
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...