Dedicated to: @nadeana @ruth16u @AlluringVoice
@YourBitterCandy @Rayn_ortizUnedited
Chapter 32
Dali-dali akong nagpunta sa closet ko para maghanap ng susuotin ko. Kung ano na lang ang mahagilap ng kamay ko ay 'yon na lang.
Pandalas nga ang ginawa kong pagbibihis sa aking sarili. Pagkatapos magbihis, ipinulupot ko ang aking tuwalya sa aking buhok at umupo kaharap ng salamin.
Nag-apply lang ako ng kaunting powder at lip balm. Hindi na ako masyadong naglagay pa ng kung ano-ano sa mukha ko. Okay na naman siguro 'to.
Mabuti na nga lang at ang nahagilap kong damit ay maayos. Naka-denim shorts ako na faded tapos fit na plain white t-shirt. Nag-belt na itim din ako para bumagay tingnan.
Magsasapatos na sana ako nang biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako rito. Pumasok sina Uno at Tres.
"Tagal, Mama..." reklamo sa akin ng anak ko. Umupo ito sa kama habang nakalagay ang pareho niyang kamay sa baba niya at nakatukod ito sa kaniyang tuhod.
"Wait lang, baby." Magsisintas na sana ako nang may kamay na pumigil sa akin.
"Ako na. Magsuklay ka na." Nabigla ako sa sinabi niya pero natagpuan ko ang sarili ko na lang ang sarili ko na sinusunod siya.
Nakaluhod siya sa harapan ko. 'Yung isang tuhod niya lang ang nakaluhod habang sinisintasan niya ako. Pinapanood ko lang siya habang nagsusuklay na ako.
Na-miss ko 'to...
Siya lagi ang nagsisintas ng sapatos ko rati. Ganito siya mag-alaga rati sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na...okay na ba kami?
"Ang tagal mo naman magsuklay!" Natigil lang ako sa pag-iisip nang kinuha niya mula sa kamay ko ang suklay at siya na ang nagsuklay sa akin.
Ngayon ay nasa likod ko na siya, sinusuklayan ako habang nakaharap ako sa salamin.
Napapikit ako habang ninanamnam ang ginagawa niya sa akin.
Isa rin 'to sa na-miss ko.
Lagi niya rin itong ginagawa sa akin. Gustong-gusto ko kasi na sinusuklayan ako at nang nalaman niya ito, siya na ang laging nagsusuklay sa akin.
Lahat ata ng mga ginagawa niya sa akin noon, nami-miss ko...
At alam kong pati siya, mismong siya...miss na miss ko rin.
"Done!" Saka lang ako nagmulat ng mata nang sabihin niya ito.
Nagkatinginan kami sa salamin. May munting ngiti ito sa kaniyang labi.
"Tara na po!" Naiinip na anyaya sa amin ng anak ko.
"Baba na tayo, kiddo." Yaya sa kaniya ni Tres.
Bumaba na silang mag-ama. Nakatingin pa rin ako sa salamin. Kusang ngumiti ang aking labi habang inaalala ang nangyari kani-kanina lang.
Tumayo na ako at naglagay ng lotion sa aking braso at binti. Nag-spray din ako ng pabango. Kumuha ako ng isang maliit na shoulder bag at inilagay dito ang aking wallet pati na rin ang aking cellphone. Nagdala na rin ako ng panyo para kay Uno.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...