Dedicated to: @jonalyneouss @Gille_01 @sidudanglalala @libragirlll imhzl143
Unedited
Chapter 35
"H-Hindi ka ba galit sa akin?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.
"Saan?"
"Dahil inilayo ko siya sa'yo..." Halos naging bulong na lang ang boses ko.
Parang natatakot akong marinig ang sagot niya. Paano kung galit talaga siya sa akin? Paano? Kaya ko ba? Kakayanin ko ba?
He shook his head. "Magalit sa'yo? Nagpapatawa ka ba? Hindi ko kayang magalit sa'yo. I am not mad," he look at me.
No, he should be mad at me!
Inilayo ko sa kaniya ang anak niya...namin. Matagal niya itong hindi nakapiling kaya dapat, magalit siya sa akin.
Tatanggapin ko naman ang galit niya sa akin. Kasalanan ko rin naman.
"Kung makakaramdam man ako ng galit ngayon, galit 'yon para sa sarili ko..."
"No, don't be. Sa akin ka na lang magalit. Sa akin na lang..." Itinuro ko pa ang sarili ko.
"Paano ko naman 'yon gagawin kung pagmamahal ang mas nananaig sa akin?"
I bit my lower lip. What does he mean? Mahal niya pa rin ba ako?
"You know, instead of getting mad, I should be thankful to you." He gently caressed my face. Napapikit ako sa ginawa niya.
Why are you like this Tres?
I deserve your anger...hatred after what I did!
But why are you like this?
"Nasaktan ako Tres. Nasaktan ako at hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako..." Pagsisimula ko.
Siguro, kailangan ko ring ilabas ang nararamdaman ko para mas maging okay kami gayong ito naman talaga ang plano.
Paano kayo magiging okay kung hindi niyo sinasabi sa isa't-isa ang kung anong nararamdaman niyo? 'Yung mga naipong sakit...katanungan na nangangailangan ng kasagutan.
"Hindi lang ikaw ang nasaktan, Aurora. Nasaktan din ako. Pareho lang tayong nasaktan dito..." Ramdam ko ang sakit mula sa boses niya nang sambitin niya ito.
"Nasaktan ako kasi akala ko...akala ko niloloko mo lang ako. Alam mo 'yon, ayaw kong maniwala kasi ramdam ko 'yung pagmamahal mo sa akin. Pinakita at pinaramdam mo sa akin kung paano magmahal ang isang Tres Vladdimier Bautista. Ayoko talaga pero may ipinakita kasi siya sa akin." Nakatingin ako sa kaniya. Inaalam ang reaksyon niya sa sinabi ko.
"Kaya 'yon ang pinaniwalaan mo imbes na ako. Hindi mo ba naisip na sa panahon ngayon, madali lang peke-in ang mga 'yon?" Alam kong gusto niya akong sumbatan ngayon. Alam ko pero pinipigilan niya lang.
Bakit?
Mabuti na lang at mahimbing ang tulog ni Uno ngayon kaya malaya kaming nakakapag-usap.
"Masisisi mo ba ako gayong gano'n nga ang nangyari? Naglahok-lahok at nagkasabay-sabay na. Talagang naguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano, saan, o sino ang paniniwalaan ko nang mga oras na 'yon..."
"Kaya mas pinili mo na lang na tapusin ang kung anong namamagitan sa atin," walang emosyong pagtatapos nito sa akin.
"Sorry..." kagat-labing sagot ko.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...