Dedicated to: Blue_Danger025 @KOLATINAITY @ellechingkittt @Ae_xiii @LeomerQuis
Unedited
Chapter 34
Hahakbang na sana ako para magtingin ulit nang may biglang pumulupot na bisig sa aking bewang. Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ko ang hininga niyang bahagyang tumatama sa aking batok. Nanuot din sa aking ilong ang pabango niya na kay sarap amuyin.
"H-Hoy." Letche, nautal pa nga.
"Kanina pa kita hinahanap..." namamaos na bulong nito na nagdulot ng kilabot sa akin dahil saktong sa tainga ko niya ito binulong.
Bigla tuloy akong kinapos ng hininga. Parang ang hirap tuloy huminga ngayon. Ramdam ko ang paghigpit ng pulupot ng bisig niya sa bewang ko.
"Mama! Mama! Mama!" Nagising lang ang diwa ko nang marinig ko ang tawag sa akin ng anak ko.
Pinaghiwalay niya kami ni Tres ngunit hindi naging sapat 'yung ginawa niya para talagang mapaghiwalay kami. Nagkaroon lang kami ng kaunting distansya ngunit ang kamay niya ay nakahawak na ngayon sa bewang ko.
Umikot ako paharap at sumalubong sa akin ang masuyong tingin na ibinibigay niya sa akin.
"Mama!" Bumaba ang tingin ko sa anak ko, nakanguso ito sa akin.
"Yes, baby?" Batid kong nasa akin pa rin ang paningin ni Tres pero kay Uno naman ako nakatingin.
Pakiramdam ko ay nakatingin sa amin ang mga taong nasa paligid namin. Nakakakuha na siguro kami ng atensyon ngayon pero ewan, parang wala akong pakialam sa kanila. Wala na akong pakialam sa mga tingin at iniisip nila.
"Kanina ka po namin hanap ni Papa!" Napatawa ako nang mahina sa reklamo nito.
Nakapa-reklamador talaga!
"Sorry na, baby. Naghahanap lang ako ng damit mo rito," ipinakita ko sa kaniya ang mga damit na hawak ko. Ito ang mga napili ko para sa kaniya.
"No need na Mama," nakanguso pa rin ito sa akin.
Kumunot naman ang noo ko. "Bakit? Ayaw mo ba ng mga nito?" Bigla tuloy akong nalungkot sa sinabi ng anak ko.
Sayang, ang gaganda pa naman ng mga ito at sa tingin ko ay bagay ito sa kaniya.
"Bilhan na po kasi ako ni Papa..." Napatingin ako kay Tres at nakagat ko ang labi ko. Hindi ko inaasahan na bababa ang tingin niya rito.
Parang tulad lang ng dati.
"B-Binilhan mo pala si Uno ng mga damit." At nautal na naman nga ako.
May problema ba ngayon ang dila ko, ha? Bakit kasi ganito?
"Yes," nasa labi ko pa rin ang tingin niya.
I rolled my tongue on my lips. "Stop doing that," mariing wika nito.
"Ha?" Hindi na ito sumagot, nakatingin na ito sa mata ko.
"Dapat hindi mo na binilhan si Uno ng mga damit." Nakaiwas ang tinging sabi ko sa kaniya.
Hindi ko kasi matagalan pa ang titig niya. Oo, sa pagkakataong ito, titig na. Ramdam na ramdam ko nga, e. Ramdam na ramdam.
Nakita ko ang mga taong nakatingin sa amin. Ang iba ay nakangiti sa amin kaya napangiti rin ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (COMPLETED)
RomanceAurora Niccola Rivero likes Tres Vladdimier Bautista. She likes everything about him but, her knowledge about him was only limited. When she decided to finally forget her feelings for him, she suddenly met him in person. They became closer to each o...