Chapter 19

433 24 2
                                    

Dedicated to: Dianeeeeeeericaaaa blitzkrieg_08 @darlinaninaaa _krismpurple @michilla1521

Unedited

Chapter 19

Isang linggo na naman ang nakalipas at sa sunod na linggo, dadating na si Uno rito sa Pilipinas. Sobrang excited na rin akong muli siyang makita lalo na at halos isang buwan na rin kaming hindi nagkikita.

Hindi sapat ang phone calls at video calls na aming ginagawa para mabawasan ang pagka-miss namin sa isa't-isa. Bawat araw na lumilipas na hindi kami magkasama ay tila isang parusa para sa aming dalawa. Lalong-lalo na sa akin.

Gano'n nga talaga siguro kapag nasanay ka ng kasama ang isang tao lalo na kung sobra mo pa itong mahal. Mas mahal ko si Uno higit pa sa aking sarili at hindi ko alam ang aking gagawin kapag may nangyaring masama rito.

Sa pagkakataon na 'to, maaaring hindi ko na talaga kayanin at baka talagang bumigay na ako.

"Rox," I called when I saw her.

Nandito ako ngayon sa labas ng aming bahay. May pwede namang upuan dito kaya rito ko na lang pinili na maupo para malibang ang sarili katitingin sa mga bulaklak na nakatanim dito.

Nagpapasalamat ako at kahit na halos limang taon akong wala ay makikita ko pa rin ang bulaklak na ito. Bigla na lang akong napangiti nang masilayan ko ang ganda nito.

Sunflower.

Wala pa ring kupas ang 'yung ganda.

"Why?" Naglakad naman ito papalapit sa akin at umupo kaharap ko.

Dumampot ito sa fries na pinakuha ko kay Manang.

"I think, I need to talk to Tres now..." napatigil ito sa akmang pagkagat sa hawak niyang fries at napatingin sa akin.

"Ha?"

"I said, I think I need to talk to Tres now."

Isinubo nito ang hawak na fries at umayos ng upo bago ako tiningnan. "Are you sure?" I nodded. "Why so sudden naman?"

"Malapit ng dumating si Uno..." I trailed off.

"And?"

"And I need to fix this as soon as possible."

"He's with Zedrick kapag dumating siya here?"

"Hmm..." dumampot na rin ako sa fries at kumain.

"You better fix that na nga bago dumating si Uno lalo na at nangako ka rito." Dinampot nito ang juice kong pinakuha kay Manang at siya ay uminom dito.

"Yeah. I made a promised and I don't want to break it. I don't want to disappoint him." I don't want to hurt him in any ways. I made a promised kaya dapat kong tupadin ito.

"Don't worry, he'll understand it. Si Uno pa ba?" I chuckled. Uno is smart so I think, he will understand it.

"I'm hoping..." I let out a sigh.

Sana lang talaga.

"Anyways, anong exact date dadating si Uno here?" Pag-iiba ni Rox ng topic.

"Sa Wednesday."

"Gano'n? E 'di ba, birthday niya 'yon?" I smiled at her.

She remember, ha?

"Yes. Sa Wednesday na ang birthday niya at saktong dadating din siya rito sa Pilipinas."

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon