Chapter 17

429 23 4
                                    

Dedicated to: @Zaebianna _qwertyourria @ajagultoooo @KoryanangBulok DREAMCATCHER_ABZ

Unedited

Chapter 17

"Hi, baby!" Bati sa akin ni Tres habang may ngiti sa labi nang makita niya ako. Bumalik na ako sa room namin at nakita ko siyang nasa labas. Marahil ay hinihintay ako.

Totoo ba 'yang mga ngiti mong 'yan, Tres?

"Hello, Tres!" Pinilit kong ngumiti sa kaniya.

Ngumuso naman ito nang makalapit ito sa akin. "Bakit pangalan ko? Nasaan na 'yung 'tangi'?" Ipinalibot niya ang braso niya sa bewang ko.

Gusto kong lumayo dahil sa nalaman ko pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi hindi ko kaya.

"Sorry, tangi..." pinilit ko na hindi mautal sa kaniya. Pinalambing ko rin ang boses ko.

Niyakap ko siya bigla. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero niyakap niya na lang din ako. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya kasi hindi ko alam kung kailan ko ulit ito magagawa. Hindi ko rin alam kung magagawa ko pa ba ito.

"May problema ba, baby?" Hinaplos-haplos nito ang buhok kaya napapikt ako. Isa ito sa mga mami-miss ko. Nasanay na ako, e.

Umiling lang ako sa kaniya.

Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kaniya at tiningnan ito. Gaya ng lagi kong ginagawa, hinahawakan ko ang magkabilang pisnge niya at tumingkayad ako para mahalikan ko ang tungki ng ilong niya.

Tinagalan ko ang paghalik ko sa ilong niya kasi isa rin ito sa mami-miss kong gawin sa kaniya.

Napukaw lang ang atensyon ko nang hawakan niya ang pisnge ko at hinaplos-haplos ito. "Bakit ka umiiyak?" Malambing ang pagkakasabi niya kaya mas lalo akong napaiyak.

Mami-miss ko rin 'to. Mami-miss ko rin ang boses niya. Lalo na kapag nagiging malambing ang boses niya kasi kay sarap pakinggan. Ang ganda kasi ng boses niya, e.

"Wala. Masaya lang ako, tangi..." ramdam ko ang pangangatal ng labi ko habang nagsasalita ako.

Ngayon naman ay nasa labi ko na ang kamay niya. Tiningnan ko ito sa mata at sinalubong naman niya ang tingin ko.

Totoo kaya ang pagmamahal na nakikita ko sa mata mo Tres?

"Masaya ako kasi umabot tayo sa ating third anniversary." Pinasigla ko ang boses ko para hindi niya ako mahalata. "Masaya ako kasi umabot tayo sa ganito..."

"At masaya rin ako."

Sana nga masaya ka. Sana naging masaya ka sa ginawa mo.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita, ha?" Puno ng lambing kong sabi rito.

Muli akong tumingkayad at hinalikan ko ito sa kaniyang noo.

"Mahal na mahal na mahal din kita, baby. Sobrang mahal..." mahal mo nga ba ako? Napatawa naman ako sa naisip ko.

"Why are you laughing?"

"Wala," sinabayan ko pa ito ng pag-iling ko. "Akalain mo 'yon, umabot tayo sa ganito..." Bakit nga ba umabot tayo sa ganito? Bakit mo pa pinatagal?

"Syempre mahal natin ang isa't-isa..." madamdaming sagot nito at siya naman ang humalik sa noo ko kaya napapikit ako.

Nagtagal ng ilang minuto ang labi niya sa noo ko. Sinusulit ang oras...ang pagkakataon na ganito.

Unconditional Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon